All posts by admin

Ang Kasulatan ng Banyaga

ni Liwayway Arceo

Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon – kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.

At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana … more -->

Si Mabuti

ni Genoveva Edroza-Matute

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero.

Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, … more -->

Saranggola

ni Efren R. Abueg

Rading, Paquito, Nelson… pakinggan ninyo ang kwentong ito. May isang lalaki, walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon.

“Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng saranggola,” wika ng ama.

“Hindi ako marunong, Tatay,” anang batang lalaki.

“Madali ‘yan. Tuturuan kita,” sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak.

Bumili nga ito ng papel at kawayan at tinuruang gumawa ng saranggola ang anak.

“Tatay… ibili mo ako ng guryon,” sabi uli ng bata sa ama.

“Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas. Madadaig mo … more -->

Mapait na Kabihasnan

ni Alberto Segismundo Cruz

(Isa sa limampung kuwentong ginto na itinampok ni Pedrito Reyes sa kanyang kalipunan ng mga kuwento na may pamagat na “50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista” (Ateneo Press, 1998. Ang “50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista” ay inilabas ng Ramon Roces Publications sa kauna-unahang pagkakataon noong 1939.)

ANG KABIHASNAN AY MINSAN pang nanagumpay sa kabundukan.

Iyan ang sadyang masasabi sa pagkahikayat sa mga magulang na Igurote na mapababa sa kapatagan ang kanilang mga anak upang diumano’y papag-aralin at “nang mangaging tagapagmulat ng liping dapat na maging bihasa sa pagtatanggol man lamang ng sariling mga … more -->

Ang Damo

ni Alberto Segismundo Cruz

(Unang nailathala ng Ilang-Ilang, Nobyembre 23, 1947)

— Ang luntiang damo sa paanan ni Edmundo Rosal ay tagapagpagunita sa kanya ng buhay na wagas at walang pagkukunwari. —

Marami nang taon ang nagdaan . . . marahil ay may labing-walo o dalawampung taon na, at sa makapal na Aklat ng Panahon, ay may nakasulat sa likod ng nanlalabo nang mga titik. Nguni’t hindi maaaring mabasa iyan ng karaniwang mata ng sinomang kinapal. Manapa’y si Tadhana lamang ang buong liwanag na makatutunghay.

Ibang-iba na si Edmundo Rosal. Hindi na siya ang dating tinatangkilik lamang ng isang propyetaryong … more -->

Iris – Ang Reyna ng Sandaigdig na Kulay

ni Alberto Segismundo Cruz

(Nailathala ng Balaghari, Marso 6, 1948)

Sa lahat ng bathala at dilag, si Iris – ang Reyna ng Sandaigdig na Kulay o Reyna ng Bahaghari – ang siyang lipos ng hiwaga sa kanyang kapangyarihan at kaningningan. Tinatangkilik siya ng ilaw at lakas o biyaya ng buhay na dulot ni Apolo at siyang “kalaro” ng Langit na laging bughaw at ng Tubig na sinasalamin nito sa loob ng walang katapusang Tag-araw ng Buhay at Panahon ng Pamumulaklak ng Kabataan.

Marami ang nagmimithing Dioses sa dilag ni Iris. May iba’t ibang taglay na kapangyarihan, balani, at baluting kaakibat … more -->

Mga Kuwento ng OFW – Liham Ni Kadama Para Kay Madam Bruha

Ni Jovelyn Bayubay Revilla

Dear Madam Bruha,

Kamusta? Dapat ba kitang kamustahin? Ay, oo nga pala dalawang taon na ang nakalipas mula nang makalaya ako sa tahanan mo. Na miss mo kaya ako? Naalala mo kaya ang pagpapahirap mo sa akin sa tahanan mo? Dami kong tanong ano? Alam ko na lagi mo akong bukambibig sa mga bago mong biskara, na dati may kadama ka na kumokontra sa batas mo. At di basta-basta naniwawala sa ka-plastikan ng ugali mo!

Kay tagal na panahon din ang serbisyong ginawa ko sa pamilya ninyo, kung di ko lang mahal ang mga apo mo, … more -->

Nang Tumuntong Ang Paa ng Tao sa Mukha ng Buwan

ni Percival Campoamor Cruz

Enero 30, 1969. Kumanta ang Beatles sa huling pagkakataon bilang isang grupo sa bubungan ng Apple Records sa London. Biglaan ang konsyerto na tumagal ng 42 minutos. Pinatigil ng pulis ang walang-permisong pagtatanghal sapagka’t sa dami ng taong nag-ipon sa daan ay nagkaroon ng heavy traffic at gulo.

February 5, 1969. Umabot sa 200 milyon ang populasyon ng Estados Unidos.

Marso 2, 1969. Naganap ang pagsasagupa ng Tsina at Rusya sa border sa Zhenbao Island. Ito ang pinaka-seryoso sa iringan ng dalawang bansang komunista tungkol sa teritoryo. Binalak ng Rusya na atakihin ang Tsina sa pamamagitan … more -->

Ang Balikbayan Box ni Doray

ni Percival Campoamor Cruz

Ayon sa Greek mythology, si Pandora ang unang babaeng nilalang, na nilikha ni Zeus upang maging bukal ng lahat ng masasama at mabubuti sa mundo. Ginawa siyang tagapagtago ng isang kahon, na dapat ay di niya bubuksan; subali’t naging maging mausisa si Pandora, binuksan niya ang kahon, at agad-agad, ay kumalat ang sakit, inggit, pagdaraya, pagnanais, galit at lahat ng masasama. Isang bagay lamang ang naiwan sa loob ng kahon – ang pag-asa.

Tatlong taong nakipagsapalaran sa Amerika si Doray. Nilisan niya ang Pilipinas at ang minamahal na pamilya sa pag-asang makahahanap ng higit na magandang … more -->

Ang Diwata Ng Ilog Pasig

ni Percival Campoamor Cruz

May awitin na hindi mawawala sa alaala ng mga Tagalog sapagka’t ang magandang himig at titik ay nakahuhumaling, at ang pag-iibigan ng taong-bayan at ng Ilog-Pasig ay hindi magmamaliw.

Kung gabing ang buwan
sa langit ay nakadungaw;
Tila ginigising ng habagat
sa kanyang pagtulog sa tubig;

Ang isang larawang puti at busilak,
Na lugay ang buhok na animo’y agos;
Ito ang Mutya ng Pasig,
Ito ang Mutya ng Pasig.

Sa kanyang pagsiklot a maputing bula,
Kasabay ang awit, asabay ang tula;

Dati akong Paraluman,
Sa Kaharian ng pag-ibig,
Ang pag-ibig nang mamatay,
Naglaho rin ang kaharian.… more -->