Bangketa

Bumangon ako sa pagkakalugmok. Sa isang sulok ng bangketa sumuko na ang aking nanginginig na mga tuhod.

Hilong-hilo. Sukang-suka. Malamig ang mga palad. Malamig ang pawis sa noong malagkit.

Tumingin ako sa paligid kong tila umiikot. Nabibingi sa ingay ng mga tao at sasakyan. Nilalamig kahit pa maalinsangan.

Pinilit kong tumayo. Nakasakbit pa din ang aking bag sa likod na may iilang nahiram na libro at kwaderno. Hawak sa kanang kamay ang panyong magkahalong pawis at usok ang amoy. Nakasabit pa din sa kaliwang kamay ang mga sampagitang hindi nabenta.

Kailangan ko na umuwi. Kailangang makarating sa bahay bago pa magdilim.

Araw-araw akong umuuwi kasabay ng paglisan ng araw. Araw-araw ko itong hinahabol kahit araw-araw niya din akong nililisan. Napapanatag ang loob ko pag nakikita ko ang ganda ng pagpapalit ng kulay ng ulap. Mula sa asul ay nagiging kahel.

Pero sa ngayon, hindi ko muna pinansin ang kagandahan ng nagbabadyang takipsilim.

Halos igapang ko na ang aking sarili pauwi. Pagdating sa bahay ay dumiretso agad sa banyo para iluwa ang kung ano mang nagkukumawala sa aking sikmura.

Tubig. Tubig at tubig. Iyon lang ang nailabas dahil iyon lang ang laman.

Nagmumog ako para mawala ang kung ano mang nangangasim sa aking panlasa.

Lumabas ako ng banyo. Nasa bulsa ko ang treinta pesos na kinita ko sa pagtitinda ng sampaguita. Pambili ng bigas at noodles.

Dumilim. Unti-unting dumilim.

Muling nagliwanag. May malamig na dumadampi sa aking pisngi. Bimpong may yelo.

Kain na nang makainom ng gamot. Taas ng lagnat mo, sabi ni nanay. Dahan-dahan niya akong inalalayang bumangon.

Nakahain na sa hapag ang kanin at noodles. Humigop ako ng mainit na sabaw. Ang ginhawa sa sikmura.

Nilagyan ni nanay ng kanin ang mangkok na may sabaw at noodles. Sumandok at hinipan bago isinubo ang kutsara kay Julius.

Ludels. Ludels. Ludels. Ludels.

Bukod sa nanay at ate, isa ang ludels (noodles) sa mga agad niyang natutunan na salita.

Paulit ulit niyang binabanggit ang salitang iyon habang nginunguya ang kanin at noodles at pabalik balik na pinauusad ang laruang kotse sa lamesa.

Palagi niya itong ginagawa. Ang pagbanggit sa salitang ludels nang paulit-ulit kapag iyon ang ulam. Di ko alam kung paborito niya ito o sawa na siya rito o ito lang ang alam niyang pagkain.

Ninamnam ko ang mainit na sabaw at kaunting kanin na para bang ito ang pinakamasarap na pagkain kong natikman. Aalalahanin ko ang pakiramdam na ito sa sa tuwing kumakalam ang aking tiyan para makalimutan ko ang pakiramdam na dulot ng gutom.

Matapos kumain at magligpit, ay humilata na si nanay at si Julius. Gising pa at dumedede si Julius ay tulog na si nanay. Ako naman ay magbubuklat pa ng mga librong nahiram.

Pangarap kong maging guro balang araw. Gurong magtuturo sa mga batang tulad ko na walang pambayad ng matrikula, walang pambili ng libro, walang pambaon, walang makain.

Simple lang naman ang pangarap ko pero parang malabo pang maisakatuparan ko ito.

Hindi ko alam kung makakatapos pa ako ng hayskul sa ganitong kalagayan. Hindi nga sapat na pambili ng ulam yung kinikita ko sa pagtitinda ng sampagita. Hindi rin sapat ang kinikita ni nanay sa pa-ekstra-ekstra sa paglalabada para sa pangangailangan naming tatlo kahit magkandakuba pa siya.

Madalas nakatayo ako sa may bangketa pagtapos ng klase. Hawak ang sampaguita. Sakbit ang bag sa likod at naka uniporme pa. Katabi ko ang mga lalakeng nagtitinda ng basahan, balut at kendi.

Maraming dumadaan pero walang bumibili. Maraming dumadaan pero wala man lang tumitingin. Malayo pa sila ay umiiwas na, na parang ang paglapit ko para mag-alok ng sampagita ay paglapit ng isang taong may nakakahawang sakit.

Minsan iniisip ko, ano kaya kung isa ako sa mga taong dumaraan dito. Papansinin ko din kaya kapag may nag-alok ng sampagita? O iiwas din akong tulad ng ginagawa ng karamihan?

Sa bangketang ito nauubos ang mga hapon. Imbes na umuwi agad matapos ang klase, kailangan ko pang kumayod.

Marami ring estudyanteng tulad ko ang nag-uubos ng oras sa labas ng bahay nila pagtapos ng klase. Pero hindi para kumayod.

Marami naglalakad dito na mga kasing edad ko din. Madalas dumidiretso diyan sa may fastfood diyan sa kabilang kalsada. Umiinom ng softdrinks, kumakain ng ice cream. Nagkukuwentuhan. Nagtatawanan.

May iba namang naawa sa akin. Minsan may isang grupo ng kolehiyalang pa Ingles-Ingles pa habang nagtatawanan ang tumigil at nag-abot ng kahon ng donut. May isang piraso pa sa loob. Baka ayaw na nilang kainin o kaya ayaw na nailing bitbitin pa.

Tinanong ako minsan ni Mang Gimo, yung tindero ng basahan na madalas kong kasamang tumambay sa tabing kalsada. Payat at humpak ang mga pisngi nito at kaunti na lang ata ang ngipin. Laging nakasumbrerong kulay itim at may puting bimpo sa balikat.

Bakit ka pa nag-aaral? Mag-aasawa ka rin lang naman.

May dalawang anak si Mang Gimo ayon sa kwento niya. Nakatapos na nang hayskul ang panganay niyang babae kaya’t pinapasok niya sa tindahan ng isda sa palengke. Tindera na ito ng isda.

Ang bunsong anak niyang lalake naman ay matatapos na nang hayskul. Pag natapos na daw ito ay pagtitindahin niya na rin ng basahan. Dun niya papupwestuhin sa kabilang kalsada para daw lumaki ang teritoryo nila. Marangal naman daw ang trabaho nila at hindi sila nagnanakaw.

Ayus na daw ang makapag-aral ng kaunti. Basta marunong magbasa at magkwenta ng pera ay pwede na. Hindi ka na kayang lokohin ng mga edukadong mayayaman kapag nakakapagbasa ka. Iyon lang naman daw ang dahilan kung bakit niya pinag-aral at pinilit makatungtong ng hayskul ang kaniyang mga anak.

Isa pa, madami naman daw nakatapos ng kolehiyo na tambay. Bakit pa siya gagastos sa pag-papaaral kung ganun din lang? Mabuti pang habang maaga ay kumikita na sila.

Tingnan mo iyang mga estudyanteng iyan, sabay nguso niya sa mga paparating na grupo ng mga estudyanteng babae at lalake. Laging dumadaan ‘yang grupong iyan dito. Kay babata pa pasyota-syota na. Ilang buwan pa at may mabubuntis na diyan. Sayang lang pinapampaaral ng magulang.

Tumigil sa pagkukwento si Mang Gimo nung naging pula na ang ilaw ng stop light. Lumakad papunta sa mga sasakyan. Nag-aalok ng basahan.

May itim na kotseng nakatigil sa harap ko. Nag-aantay ng pagpapalit ng ilaw ng stop light. Bahagyang binuksan ang tinted na bintana. Dumungaw ang isang babaeng nakaantiparas.

Magkano lahat yan? Tanong ng babaeng napakaseryoso ng mukha. Di pa siya matanda pero di na rin siya bata. Makapal ang pink na lipstick.

Dali-dali kong binilang lahat ng hawak ko at madaliang kinwenta.

120 po.

Inabot niya ang malutong na isang daan at beinte. Kinuha lahat ng sampagita, sinara ang bintana at saka umarangkada ang sasakyan nung naging berde na ang ilaw sa stop light.

Ilang magkakasunod na araw pang dumaan ang itim na sasakyan at ang babaeng nakaantiparas. Ilang araw na napapakyaw ang tinda ko. Ilang araw kaming nakatikim ng isda at karne. Ilang araw ding hindi nabanggit ni Julius ang salitang ludels.

Ilang araw ding hindi ako nakipaghabulan sa nagtatagong araw sa kadapit-hapunan dahil maaga akong nakakauwi.

Nabuhay sa akin ang pag asa.

Nabuhay sa aking isip ang imahe ng kasaganaan, ng patuloy na pagkain ng maayos, ng patuloy na pag-aaral.

Dahil nakakauwi ako ng maaga, nagkaroon ako ng oras na mangarap. Ganadong-ganado akong basahin ang aking mga libro at gawin ang aking mga takda.

Nangangarap ako habang nakahilata sa gabi hanggang sa makatulog. Mga imahe nang pagtatapos. Imahe ng sarili kong nagtuturo sa mga batang katulad ko. Imahe ng sarili ko at ng mga pangarap na natupad.

Pero ang buhay ay sadyang mapaglaro. Pinatikim lang pala ako ng kaunting sarap, ng kaunting tamis ng pag-asa at pangarap.

Dumating ang araw na hindi na dumaan ang itim na kotse. Hindi na dumating ang aking pag-asa.

Nag-antay ako. Araw-araw. Hanggang sa lumubog ang araw. Hindi pa rin ito dumaan. Hindi na ito dumaan.

Bumalik kami sa dati.

Ludels. Ludels. Ludels. Ludels. Sabi ni Julius. Basag na ang bubong ng laruan niyang kotse pero patuloy niya pa rin itong pinapausad sa lamesa.

Isang mainit na hapon. Hilong-hilo ako. Nanginginig ang aking mga tuhod.

Kailangan ko lang kumita ng kaunti. Kahit kaunti lang. Sana dumaan siya. Kahit ngayon lang. Umaasa pa rin ako kahit alam kong hindi siya dadaan. Umaasa ako. Pinagdarasal ko.

Sumandal ako sa posteng sinasandalan din ni Mang Gimo habang nag-aantay sa pagpula ng ilaw ng stoplight.

Ok ka lang ba Ineng? Tanong ni Mang Gimo.

Nakita kong dumaan yung itim na sasakyan. Pinara ko. Hindi ito huminto. Hinabol ko. Bumagal ang takbo nito nung malapit na sa stoplight.

Pula na ang ilaw ng stoplight. Sabay kaming nanakbo ni Mang Gimo. Siya, para maglako ng basahan. Ako para magmakaawa. Kakatukin ko ang bintana ng kotseng iyon. Kahit na magmukha akong pulubi. Kailangan ko lang. May awa ang babaing nakaantiparas. Alam ko. Tutulungan niya ako.

Tumakbo ako. Malapit nang magberde ang ilaw. Pinilit kong habulin. Kailangan ko lang talaga.

Berde na ang ilaw. Umarangkada na ang mga sasakyan.

May bumusina. May pumreno. Dumilim.

Namulat ako sa mga ilaw na nakakasilaw. Puti ang mga pader. Walang tao. Nakaramdam ako ng uhaw. May nakita akong isang basong may tubig sa lamesa sa tabi ng kama. Sinubukan kong gumalaw. Hindi ako nakabangon. Bigla akong nakaramdam ng sakit ng katawan. Nakita ko ang mga benda sa braso ko.

Pumasok si nanay. Karga si Julius na nananamlay. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ni nanay, hawak ang kotseng basag ang bubong.

Para kong biglang nagising at natauhan. Nagbalik sa huwisyo at nakaalala.

Naalala kung paano ako napunta dito. Kung bakit ako tumakbo sa kalsada. Kung bakit hinabol ko ang itim na kotse.

Gusto ko magsalita at magtanong kay nanay pero di kinayang magsalita nang nananakit kong panga. Gusto kong itanong kung nilalagnat pa ba si Julius, kung nakainom na ba siya ng gamot o kung nakakain na sila.

Pumikit ako. Tinanong ko sa kung sino man ang nakikinig, kung mayroon mang nakikinig sa tahimik kong pagsuko. Kung bakit hindi na lang niya ako hinayaan sa dilim. Bakit ko pa kinailangang mamulat muli sa liwanag gayong wala na rin naman akong makitang pag-asa?

***

Naglakad ako pauwi. Dahan-dahan at hindi naman ako nagmamadali. Minamasdan ko ang asul na ulap na unti-unting nagiging kahel.

Dinaanan ko ang posteng minsan ay magkabilaan naming sinandalan ni Mang Gimo. May nagtitinda ng basahan. Hindi na si Mang Gimo pero kamukhang-kamukha niya ito.

Naglakad ako pauwi, nakasakbit sa balikat ang bag kong naglalaman ng mga class record.

Napangiti ako sa naiisip. Ang bangketang ito na dinadaan-daanan lang ng karamihan ay naging malaking parte ng buhay ko. Malaking parte ng kung ano ako ngayon. Dito ako naghirap, nangarap, nakakita ng pag-asa at nawalan nito. Dito ako halos binawian na ng buhay para lang makatagpo ng mga tutulong para maibalik sa akin ito.

Minsan kung kailan akala mo tapos na ang lahat, iyon pa lang pala ang simula.

Sa bangketang ito ko nakilala ang taong nagsalba ng aking buhay.

Hinahabol ko noon ang itim na kotse ng babaeng nakaantipara nang ako ay mabangga ng isang kotseng paparating.

Hinahabol ko ang tangi kong pag-asa noong panahong iyon. At sa kakahabol ko ay nakalimutan ko na ang buhay ko. Nakalimutan kong may halaga rin ang buhay ko na higit pa kaysa sa pag-asang hinahabol ko.

Hindi ko makakalimutan ang ginawang pagtulong sa amin nung may-ari ng kotseng nakabunggo sa akin. Hindi nila kasalanan na tumatakbo ako sa gitna ng kalsada pero sinagot pa rin nila lahat ng gastusin ko sa ospital at tumulong na rin sa pagpapagamot kay Julius. Sila ang tumulong sa akin na magsimula muli.

Hindi ko rin makakalimutan ang aral na itinuro sa akin ng babaeng nakaantiparas. Tinuruan niya akong tingnan ang mundo sa ibang perspektibo. Hindi masamang magkaroon ng pangarap, at hindi masamang umasa. Ang masama ay kung aasa ka na lang nang hindi na nagsusumikap.

Saglit akong napahinto sa aking paglalakad. Ngayon ko lang napansin na sa kinatatayuan kong ito, ilang dipa mula sa posteng kinatatayuan ng anak ni Mang Gimo ay kitang-kita ko ang paglubog ng araw. Naalala ko kung paanong araw-araw ay hinahabol ko ito. Hindi ko naiintindihan kung bakit napapanatag ako pag nakikita ko ang paglubog nito, ang saglit na pamamaalam nito sa mundo.

Ngayon ko lang napagtanto.

Ang pag-asa ay parang araw. Iwan ka man nito sa takipsilim, babalik naman ito sa pagsapit ng bukang –liwayway.

Bunso Pahiram ng Laruan

Isang garapong holen na may ibat ibang disenyo at kulay ang nakita ni Ariel na nakatago sa sulok ng tokador.
Nahumaling ito sa masasaya at kaakit-akit na kulay kaya’t kinuha niya ito at pinaglaruan. Masayang pinaglalaruan ni Ariel ang mga holen na tila ba ay wala nang bukas. Alam niya na ang garapon ng holen ay pagmamay-ari ng kanyang kuya na si Rhuel. Mahilig mangolekta ng holen na may ibat-ibang disenyo, kulay at laki si Rhuel. Isang garapon na ang koleksyon niya kaya hindi niya ito basta basta nilalabas sapagkat mahalaga sa kanya ang mga ito.

“Nay, nakita mo po ba ang mga holen ko sa tokador?” Ang pagalit na tanong ni Rhuel sa kanyang Ina na nagluluto sa kusina.

“Abay, hindi anak. Baka yung kapatid mo may alam”. Ang sagot ng kanyang Ina.

“Ariel! Ariel! Nasaan ka? Ariel!” Galit na tawag niya sa bunsong kapatid.

Dali-daling binalik ni Ariel ang mga holen sa garapon ngunit huli na ito nang makita siya ng kuya niya na puro putik ang mga malilinis na holen nito.

“Ikaw talaga, pakialamiro ka sa gamit ng may gamit. Bakit mo pinakialaman ang holen ko. Diba sabi ko sayo na wag mong galawin ang mga laruan ko.” Galit sabay palo sa bunsong kapatid.

“Kuya, sorry na hiniram ko lang naman saglit eh at ibabalik ko naman agad.” Paliwanag ng kapatid.

“Hiniram? Nagpaalam ka ba sa akin?” Galit na may kasamang suntok sa sobrang galit nito.

Duguan ang nguso ni Ariel ng maabutan ng Inang pinagsusuntok ni Rhuel. Inawat ng Ina ang dalawa at pinagalitan si Rhuel sa masamang pagtrato sa kapatid.

“Rhuel, laruan lang yan. Bakit ganyan ka sa kapatid mo. Mas mahalaga pa ba ang mga laruan mo kesa sa kapatid mo? Hindi tama ang ginawa mo. At ikaw naman Ariel, sa susunod magpaalam ka kung may gusto kang hiramin sa kapatid mo. Mali ang ginawa mo.” Pangaral ng Ina sa dalawa.

Dahil sa insidenteng iyon, naging mainitin na ang ulo ni Rhuel sa kapatid. Halos hindi na niya ito kinikibo at sinasama sa mga laro at pilit na iniiwasan maging sa pakikipaglaro kasama ang ibang bata sa kanilang lugar.

Ilang taon na din ang lumipas at tila nabaon na sa limot ang alitan ng magkakapatid. Ang dating sigalot ay napalitan ng pagmamahalan at paguunawaan. Naging tagapagtanggol si Rhuel sa kapatid tuwing may nangaapi nito sa eskwelahan. Natuwa ng lubos ang kanilang mga magulang sa ipinakitang pagmamahalan ng dalawa. Si Ariel naman ay nakabuo ng kompiyansa sa sarili dahil na rin sa tulong ng kapatid. Naging malapit sila sa isat-isa at kahit na anong bagay ay pwede nilang pag usapang dalawa. Kahit na ito man ay kakulitan o kalokohan. Tumatak sa utak ni Ariel na wala siyang ibang hiling kunti manatili ang matibay na samahan nila ng kuya niya. Gagawin niya ang kahit na ano wag lang mawala ang nakatatandang kapatid.

Sa sobrang lapit ng dalawa ay minsan naikwento ni Ariel sa kapatid na may nagustuhan siyang babae. Natuwa naman si Rhuel sa ibinalita ng kapatid. Wala nang mas hihigit pa sa kaligayahang naramdaman nito.

“Kuya, tulungan mo naman ako oh. Kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. May gusto kasi akong babae pero natatakot ako sabihin sa kanya kasi baka masira pagkakaibigan namin.” Ang pagtatapat ni Ariel sa Kapatid.

“Huh!? Bakit naman? Anong kinakatakot mo? Teka, si Jane ba ang tinutukoy mo? Yung best friend mo?” Ang tanong ni Rhuel.

“Oo, Kaso natatakot ako baka di niya ako gusto eh. Masakit ba ma basted?” Ang tanong nito sa kapatid.

“Alam mo normal lang masaktan ang importante eh nasabi mo sa kanya na mahal mo siya. Gusto mo tulungan kita. Ako magiging tuloy nyo?”. Saad ni Rhuel.

“Talaga kuya tutulungan mo ako?” Masayang tanong ni Ariel.

“Oo naman syempre kapatid kita at gusto ko na magiging masaya ka.”

“Salamat kuya.” Sabay akbay sa kapatid.

Makalipas ang ilang buwang pagsasama at paglabas-labas ni Ariel at ni Jane ay andun pa rin yung takot sa loob niya. Hindi niya kayang ipagtapat ang kanyang nararamdaman sa magandang dilag. Dito na umeksena ang kanyang kuya Rhuel na tumulong sa kanya sa panliligaw.
Isang araw..

“Jane, may pinapabigay pala ng kapatid ko sayo.” Sabay abot ang isang dosena na mapupulang rosas.

“Huh!? Bakit daw? hindi ko naman birthday at wala namang mahalagang okasyon.”

“Hmmm. ewan ko, gusto ka ata ng kapatid ko.” Pagtatapat ni Rhuel.

“Eh bakit di siya ang magsabi? Bakit ikaw ang nagsabi?” Tanong ni Jane

“Baka nahihiya lang siya.” Ang mabilis na sagot ni Rhuel sabay titig sa mga mata ni Jane.

“Alam mo Rhuel, pakisabi kay Ariel na kung mahal niya ako sabihin niya yung totoo kasi matagal ko
na hinihintay marinig sa kanya yun.” Ang pagtatapat ni Jane.

Mabilis na iniwas ni Rhuel ang pagkakatitig kay Jane ng marinig ang mga katagang iyon.

“Ah ok. Sige sasabihin ko sa kanya.”

Nababagabag si Rhuel sa tuwing nakikita niya si Jane. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Natatakot siya sa posibleng mangyayari kapag ipinagpatuloy niya ito. Alam niya na masasaktan niya ang kapatid ngunit sadyang malakas ang kapit ng kanyang nararamdaman na tila ba wala siyang pakialam sa kung
sino man ang masaktan makuha lang ang gusto nito.

“Kuya, ano daw sabi ni Jane?” Masiglang tanong ni Ariel sa kapatid.

“Huh!? Ah eh… Sabi niya may gusto na daw siyang iba eh. Ang tagal mo daw kasi. Ang bagal mo daw kaya ayun sinagot na niya yung ibang nanliligaw sa kanya.” Ang pagsisinungaling ni Rhuel.

“Ah ganun bah? Nakakalungkot naman. Nahihiya ako makipagkita sa kanya. Ang sakit pala ma basted kuya.” Ang malungkot na sabi nito.

“Ok lang yan. Ganun talaga pero wag ka mawalan ng pag-asa marami pa diyan.”

“Buti na lang andito ka kuya, salamat ha.”

Ipinagpatuloy ni Rhuel ang kanyang nararamdaman kay Jane at ginawa ang lahat para lang mapasagot ang dalaga.

“Oh Rhuel, ano na sabi ng kapatid mo? Hindi ba niya ipagtapat ang nararamdaman niya? Bat ayaw niya magpakita? Ang bagal niya.” Ang pangungulit ni Jane kay Rhuel.

“Jane, may aaminin ako sayo. Ang sabi kasi ni Ariel eh hanggang kaibigan lang daw ang turing niya sayo. yung mga bulaklak ay pasasalamat lang daw bilang isang tunay na kaibigan. Yun lang daw yun at wala nang iba.” Pagsisinungaling ni Rhuel kay Jane.

“Hindi ako naniniwala. Ramdam ko na mahal ako ni Ariel. Natatakot lang siya na sabihin sa akin ang totoo.” Naiiyak na sagot ni Jane.

“Oo Jane, yun ang totoo. Maniwala ka sa akin. Mas makakabuti kung kalimutan mo na si Ariel. Mas makakabuti kung ibaling mo na lang ang pag-ibig mo sa iba.” Sabay yakap kay Jane.

Naisip ni Jane na mas makakabuti nga na kalimutan at ibaling ang pagtingin sa iba. At dun niya nabigyang pansin ang importansyang binibigay ni Rhuel sa kanya. Nabaliwala at nakalimutan ni Rhuel ang kapatid. Hindi na sila nagkaroon ng gaanong panahon para makapag-bonding. Sa lahat nang bagay ay si Jane na ang inuuna nito.

Lingid sa kaalaman ni Ariel, si Jane at si Rhuel ay may ugnayan na. Hanggang isang araw ng maabutan ni Ariel si Jane sa bahay nila.

“Jane? Anong ginagawa mo dito?” Masayang tanong nito sa babae.

“Huh!? Ah eh dinalaw ko lang yung kapatid mo. Kamusta ka na?” Ang sagot nito kay Ariel.

“Dinalaw mo kapatid ko? Panong dinalaw? Hindi ko maintindihan.” Ang naguguluhang sagot ni Ariel.

“Ahh so di mo pa pala alam. Ito talagang kuya mo masyadong masikreto. Kasi kami na ng kuya mo. Hindi ba niya sinabi sayo?” Ang sagot ni Jane.

“Kayo na ni Kuya? Pano naging kayo? Wala siyang sinabi sa akin?” Ang malungkot sa sambit ni Ariel habang papalabas ang kanyang kapatid galing kusina.

“Ariel?” Ang kinakabahang tanong ni Rhuel.

Nakatitig lamang si Ariel sa kapatid habang lumuluha ang mga mata. Walang kibo at di maipaliwanag ang dahilan kung magagalit ba siya sa panloloko ng kapatid o matutuwa para sa kanilang dalawa. Agad na pumasok si Ariel sa kanyang silid at isinara ang pinto.

“Ariel, kausapin mo naman ako. Gusto ko magpaliwanag sayo. Gusto ko sabihin sayo ang totoo pero ayaw kitang biglain at masaktan.” Ang paliwanag ni Rhuel habang kumakatok sa likod ng pintuan.

“Rhuel, anong nangyayari? Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang reaksyon ni Ariel. May hindi ba ako alam dito?” Ang tanong ni Jane.

“Wala naman, ipapaliwanag ko sayo ang lahat mamaya. Kakausapin ko lang yung kapatid ko.” Ang sagot ni Rhuel.

Hindi malaman ni Rhuel ang nararamdaman. Alam niyang mali ngunit masaya siya sa ginawa niya. Nasa sa kanya na ang babaeng pinakamamahal niya ngunit kapalit nito ay ang masaktan ang kaisa isang taong mahalaga sa kanya. Pumasok si Rhuel sa silid upang kausapin si Ariel.

“Ariel, pwede ba tayong mag-usap?” Ang pagmamakaawa ni Rhuel.

“Ano pa ang pag usapan natin? Niloko mo ako. Nagsinungaling ka sa akin. Akala ko kapatid kita.
Akala ko mapagkakatiwalaan kita. Pero hindi pala. Nagkamali ako.” Ang umiiyak na sagot sa kapatid.

“Alam ko mali ako. At nagsinungaling ako at hindi sinabi ang totoo. Patawad. Nagmahal lang ako.
At hindi ko kaya na mawala si Jane sa akin. Ramdam ko na siya na ang babae para sa akin. Kaya sana maintindihan mo ako. Alam ko na nasaktan kita at mahal mo si Jane, hindi ko sinasadyang mahalin siya. Nahulog ang loob ko sa kanya at alam ko din na mahal niya ako. Aaminin ko mahal ka ni Jane ngunit ang tagal niyang naghintay para ipagtapat mo sa kanya yun.” Paliwanag ni Rhuel.

“So kaya mo siya sinulot sa akin dahil sa ang bagal mo? Dahil sa torpe ako? Dahil ba sa wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang totoo? Ginamit mo ang kahinaan ko para sa kaligayahan mo.” Sambit ni Ariel.

“Bakit mo nagawa sa akin to kuya? Sa lahat ng tao sa mundo, ikaw pa!? Bakit? Ano ba ang kasalanan ko sayo para gawin mo sa akin to? Dahil ba sa kasalanan ko noon na ginalaw ko yung holen mo kaya ngayon ka gumaganti sa akin? Dahil ba dun kuya? Hanggang kailan mo ako patatawarin sa kasalanang matagal ko nang ginawa. Hanggang sa kaisa-isang babaeng mahal ko aagawin mo sa akin parang lang makaganti ka?” Ang pagpapatuloy ni Ariel.

“Kuya, alam mo na mahal na mahal ko si Jane. Alam mo na siya lang ang gusto ko sa tanang buhay ko. Pero wala na. Inagaw mo na. Oo may kasalanan ako sayo noon. Kinuha ko ang laruan mong holen pero wag naman sana pagbayarin ako sa pagkuha sa babaeng pinakamamahal ko. Kunin mo na ang lahat sa akin kuya wag lang si Jane. Ibibigay ko sayo lahat ng laruan na gusto mo, wag lang siya.” Pagmamakaawa nito sa kapatid.

“Ariel, hindi ganun kadali yun. Hindi ganun kadali ang gusto mo. Nagmamahalan kami ni Jane. Gusto ko maintindihan mo ang lahat. Hindi ko ito ginawa para saktan ka at gantihan ka sa kasalanan mo noon. Hindi ko gustong gawin ito pero mahal ko siya. Ariel, sayo na lahat ng laruan ko wag lang si Jane. Hindi ko siya kayang ibigay sayo. May dahilan kung bakit kami andito ngayon. Hindi ko siya pwedeng ibigay sayo.” Paliwanag ni Rhuel.

“Bakit kuya? Bakit hindi? Una siyang naging akin.” Galit na sagot ni Ariel.

“Dahil… dahil.. buntis si Jane. Magkakaroon na kami ng anak.” Pagtatapat nito sa kapatid.

Doon gumuho ang mundo ni Ariel nang marinig ang mga salitang iyon. Alam niya na sa pagkakataong iyon ay wala na siyang laban sa isang sanggol na nasa sinapupunan. Alam niya na kahit ano pa man ang gawin niya ay hindi na niya mababago ang lahat. Alam niya na may dahilan ang lahat kung bakit ganun ang nangyari. Alam niya na sa puntong iyon ay kailangan na niyang tumigil sa kahibangan niya.

“Ariel, gusto kong ipagtapat sayo ang mga ito ngunit naunahan ako ng takot. Mahal kita bilang kapatid ko at walang makakapagpabago dun. Ikaw lang ang nagiisang kapatid ko. At sa darating mong pamangkin gusto ko na may tito siya na katulad mo. Gusto ko ikaw ang magiging pangalawang ama niya. Yun ang hinihiling ko sayo. Sana patawarin mo na ako.” Pagmamakaawa ni Rhuel.

Walang tigil sa pag-iyak si Ariel sa mga katagang narinig sa kapatid. Tila ba nawala ang galit nito sa loob at napalitan ng pagmamahal sa kapatid at sa darating na pamangkin. Naisip niya na mas masaya kung may isang sanggol sa bahay nila. Mas masaya at may bagong siyang lalaruin at aalagaan.

“Kuya, pinapatawad na kita. Patawarin mo rin ako sa kasalanang nagawa ko noon at pati na rin ngayon. Ipinapangako ko na mamahalin ko ang anak mo at aalagaan siya. Magiging mabuting tito ako para sa kanya.” Naiiyak na sambit ni Ariel sabay yakap ng mahigpit sa kapatid.

“Maraming salamat Ariel. Masayang masaya ako ngayon.” Natutuwa at naiiyak na saad nito

“Tama na nga to, halika na at ipakilala mo ako ng mabuti sa magiging asawa mo.” Nakangiting saad ni Ariel.

Lumabas ang dalawa sa silid na may ngiti sa kanilang mga labi. Doon napatunayan ng magkakapatid na kahit anong bagay pala sa mundo ay walang makakapaghiwalay sa kanila kahit laruan man o ibang tao na pilit silang paghiwalayin. Sadyang matimbang ang dugo kesa tubig o kahit ano mang bagay sa mundo. Kahit na nagsimula sa di maganda ang relasyon nilang magkakapatid, kahit nagsimula ang hidwaan dahil sa isang laruan ngunit hindi pa rin ito naging dahilan para hindi magkaayos ang dalawa. Mas lalong tumibay ang relasyon nila at dahil na rin sa bagong supling na dumagdag sa pamilya nila.
Makalipas ang ilang taon….

“Tito Ariel, gising ka na. Mamamasyal tayo ngayon diba?” Ang pangungulit ng anim na taong gulang na
bata habang natutulog si Ariel.

“Huh!? Ngayon ba yun!? Naku late na ako nagising. Sorry na mahal kong pamangkin. O siya sige san mo gusto mamasyal?” Tanong nito kay Nathan habang yakap yakap niya ito.

“Ahh.. sa park po tapos punta tayo ng mall, tapos promise mo sasakay tayo ng tiyubibo, tapos kakain tayo, tapos bibili tayo ng madaming madaming laruan.” Ang makulit na sagot ni Nathan sa kanya.

“Ahh ang dami mong gustong gawin ha. Sige gagawin natin yan lahat. Pero maliligo muna si Tito Ariel kasi mabaho pa ito.”

“Yehey! Sige Tito bilisan mo ha. I love you.” Sagot ni Nathan sa kanya.

Masayang niyakap ang pamangkin na nagpupumiglas sa kanyang mahigpit na yakap dahil na rin sa mabahong hininga nito. Sadyang ganun lang magkulitan ang mag-tito. Mula noon ay walang oras o araw na hinahayan si Ariel na di makita ang pamangkin. Nagpapasalamat si Rhuelsa kapatid dahil na rin sa pagmamahal nito sa kanyang anak na si Nathan at pati na rin sa kanyang sariling pamilya.

Wakas.

Bahay-bahayan

Ilang minuto na si Anton sa labas ng inuupahang bahay ng Kuya niya. Pangatlong istik na ng yosi ang hawak niya. Hithit-buga. Kakatok ba siya? Taragis na buhay ‘to, bulong niya sa sarili. Hithit-buga. Mabigat kasi sa loob niyang humingi ng tulong dito dahil sermon lang ang aabutin niya. At ipapamukha na naman sa kanya ang mga pinagdaanan niya. Na kesyo wala siyang magawang mabuti at puro problema ang dala. Saktong huling hithit niya sa yosi nang biglang bumukas ang pinto.

“Hoy, ano papasok ka ba? E, kanina pa kita nasisilip sa bintana, balak mo yatang sunugin yang baga mo, e. O, bakit may dala kang bag? Game-over na ba?” Sunod-sunod na dakdak ng kuya niya.

“Kasi Kuya,” nahihiya niyang simula tuloy pasok sa loob ng bahay.

“Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa yong tukmol ka,” litanya pa rin habang nagtitimpla ng kape, “Ano, ha? Pinalayas ka?”

“Hindi a. Ako ang umalis dun, bahala siya sa buhay niya,” pagmamalaki niya kahit ang totoo, ibinabato sa kanya yung mga damit sa mukha niya kanina.

“O, e ano ngang nangyari? Ayawan na?” tanong ulit ng Kuya niya at inilapag ang kape sa lamesa.

Taragis, napaisip tuloy siya. Napabuntong-hininga.

Ano nga bang nangyari sa kanila ni Lyn?

Kababata niya si Lyn. Paboritong kalaro kahit wala naman talagang kakwenta-kwentang kalaro.
Kung hindi pa siya magkukunyaring nadapa, hindi man lang mananalo sa karera sa takbuhan papunta sa tindahan ni Aling Simang. Parati ring talo sa teks at pogs. Kaya nga sa tumbang preso, pag talagang burot na si Lyn, nagpapataya na talaga siya. Yung tipong patatamaan lang ang lata pero hindi patutumbahin. Yun ang diskarte niya sabay kamot sa ulo.

Gayundin sa mga koponang laro, gusto niya parating kasama ang kababata. Pakiramdam niya, may Muse sa grupo dahil talaga namang si Lyn ang pinakamagandang bata sa Manggahan. Halos lahat silang mga bata doon ay sunog ang balat sa araw samantalang si Lyn ay medyo mapusyaw ang kulay at may biloy sa magkabilang pisngi kapag ngumingiti. Pagka-ganoon, lalo siyang nagpapasikat kay Lyn para maipanalo ang laro, patintero man o beysbol (na binilog na medyas ang bola). At siyempre, mag-aakapan silang grupo kahit matalo at gusto-gusto niyang naaamoy ang amoy-araw na buhok ng kababata. Masaya siya noon kahit madalas silang tuksuhin na kape’t gatas kapag magkapartner sa piko. Minsan, nagbabahay-bahayan din sila, partner-partner tapos pagandahan ng itatayong bahay. Naalala niya, sa kanila ni Lyn ang pinakamaganda kasi yung bahay nila, sa sanga ng puno. At bahay-bahayan lang talaga ang pinanalunan nilang laro.

Kahit parating sunog-bahay at kulelat, masaya naman dahil magkakampi sila.

Si Lyn rin yung itinuring niyang pinakamatalik na kaibigan. Andoon ito nung manalo sa basketbol ang koponan nila sa liga ng baranggay. Andoon din ito noong maghiwalay yung nanay at tatay niya. Ang sama-sama ng pakiramdam niya noon. Paano ba niya tatanggapin ang mga tukso ng ibang bata na iniwan siya ng tatay niya. Si Lyn lang yung batang hindi nanukso sa kanya.

Naghahanap siya ng dahilan kung bakit ba naghihiwalay ang mag-asawa. Sa murang isipan niya, nagtataka siya. Dumarating ba talaga sa punto na nagkakasawaan kahit mag-asawa na? Isang taon ang lumipas, yung nanay naman niya yung umalis. Inihabilin sila ng Kuya niya sa isang tiyahin.

Iyun ang pinakamasakit na nangyari sa kanya. Naglalaro sila noon ng patintero nang sunduin siya ng Kuya niya. Aalis daw kasi yung nanay nila. Pupunta ng Iloilo dahil maysakit ang lolo nila. Iyak siya ng iyak noon, gusto nga niya sumama kaya lang madali lang naman daw dun ang nanay niya.

Sampung taong gulang siya noon pero hindi siya nahiyang humabol sa traysikel na nagdala sa Nanay niya sa sakayan ng bus. Naiwan pa niya yung kaliwang tsinelas niya sa pagtakbo. Mahirap intindihin kung bakit sila iniiwan ng mga magulang. Kaya nangako siya noon, kung sakaling magkapamilya siya, hinding-hindi niya gagawin ang ganoon. Alam niya kasi kung gaano kasakit.

Pagbalik niya sa bahay nila, hawak ni Lyn yung naiwan niyang kaliwang tsinelas.
******************************

Kanina pa umiiyak si Lyn. Namumugto na nga ang mata niya at halos ayaw niyang lumabas ng kuwarto. Nahihiya kasi siya sa Nanay niya. Baka sabihin na namang kumuha lang siya ng batong ipupukpok sa ulo. Si Anton naman kasi, parang hindi pa rin makawala sa buhay-binata. Nakikitira na nga lang sila at dagdag palamunin sa bahay, nakukuha pang makipag-inuman sa barkada. At heto nga, nasagad na yung pisi niya. Pagod na pagod siya sa pag-aalaga ng bata. Parang siya lang kasi ang nagsasakripisyo sa kanilang dalawa. Hindi naman siguro masamang maglabas ng sama ng loob. Napuno na lang talaga siya. At sa may-kwenta-walang-kwentang tungayaw nila, umabot sa puntong pinalayas niya si Anton.

Ano bang nangyari sa kanila? Napakalayo sa inaasam niyang buhay. Yung magkakampi sa lahat ng laro. Kahit talo, basta magkasama. Hindi pala simpleng buhay ang pinasok nila. Pinipilit niyang alalahanin. Asan na ang tag-team nilang dalawa?

Tangi ang pagtingin niya kay Anton noong nag-aaral sila. Dangan kasi, si Anton ang tagapagtanggol niya kapag may umaaway sa kanya. Tagabuhat ng libro kapag pauwi at papasok sa eskwela. Noon pa man, humahanga na siya sa kakisigan nito lalo pag labas ang mapuputing ngipin. Mabait pa at maaasahan. Kinikilig-kilig pa siya nung minsang maglaro sila ng FLAMES ng mga kaklase niyang babae, Marriage yung lumabas sa pangalan nila ni Anton. Tinukso-tukso siya pero sabi niya, napakaimposible dahil wala pa sa isip niya ang mga ganun. Magiging titser pa siya gaya ng pangarap ng mga magulang. Magiging Ma’am Lyn siya sa iskul na pinapasukan nila.

Isang beses, nakita niyang may nakaipit na sulat sa isang libro niya. Lalo siyang kinilig nang malamang kay Anton galing. Loveletter. Sa murang edad, kakaibang saya ang dulot nito. Simula noon, lalong naging magiliw si Anton sa kanya. Kapag umuulan, okay lang na mabasa sila parehas basta magkasukob sa isang payong. Madalas din siya nitong bigyan ng rosas na origami na parating iniipit sa mga gamit niya.

Oo, Mahal na din kita, Anton. Iyun ang saktong linya kung paano niya sinagot si Anton. Talagang itinapat niya iyun sa JS Prom. Araw ng mga puso. Para mas espesyal. Mas makahulugan. Sa saliw ng kantang You Are My Song ni Martin Nievera, ipinagtapat nila sa isa’t isa na hindi na lang sila magkababata o magkaklase. Hindi lang sila magkaibigan. Magkasintahan na sila. Salitang nagdudulot sa kanya ng kakaibang kilig at pintig. Unang pag-ibig. Iyun siguro ang pinakamasayang karanasan ng buhay high school niya.

Ganoon pa man, mas matindi pa rin ang dating ng salitang Ma’am kaysa Marriage. Takot niya lang sa Nanay niya. Baka mapatay siya kapag nalamang may kasintahan na siya. Kaya, nanatiling lihim sa kanyang mga magulang ang pakikipagkasundo niya sa binata. Malamang paglayuin sila ng mga ito. At ayaw niyang mangyari yun.

Lihim na binaon nila hanggang sa kolehiyo. Masuwerte naman at isang kolehiyo lang ang pinasukan nila. Siya, kumuha ng kurso sa pagtuturo at si Anton, kumuha ng Management.
Ayos na ayos. Sabay silang bumubuo ng pangarap. Magkakampi na naman sila.

***********************************

“E, paano si Junior? Ano yun? Iiwanan mo na lang dun? Hindi yun aso, Anton. Mag-isip ka nga,” banat pa rin ng Kuya niya. “Alam mo naman siguro ang pakiramdam ng iniiwan. Ilang araw ka ba dito?”

“Hindi ko pa alam. Magpapalamig lang siguro ako. Nasasakal ako kay Lyn pero hindi ko rin naman kayang tiisin si Junior.”

Oo, si Junior. Bunga ng pagmamahalan nila ni Lyn. Bunga ng isang sandali ng kapusukan.
Wala ang Kuya niya noon. Inaya niya si Lyn sa bahay tulad ng madalas nilang ginagawa kapag may mahirap na aralin. Dati na naman silang naiiwan doon pero iba ang sandaling iyun. Iba ang pakiramdam niya. Ano kaya kung subukan nilang gawin ang bagay na iyun? Subok lang naman. Agad niyang hinalikan si Lyn na tumatanggi noong una. Pagkatapos, naglakbay ang kanyang kamay sa mga lugar na si Lyn lang ang tanging nagsasabon. Umiiwas noong una ngunit nang maglaon, sumasabay na rin sa sayaw na likha. Ang halik ay naging mariin. Ang akap ay naging mahigpit. Unti-unti, nadarang sila sa init. Walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Kahit ang hiyawan ng mga bata sa labas ng bahay. Noong panahong iyun, nagkaroon ng linya sa kanilang buhay. Tumawid sila sa mga guhit na itinakda ng matatanda.

Ganoon pala ang pakiramdam. Masarap pagsaluhan ang pagmamahal. Swabe ang bawat galaw. May sariling ritmo ang katawan. Umiindayog sa musikang hatid ng mga tibok ng puso.
Parang basketbol. Paulit-ulit na pagbuslo. Parang holen sa butas. Saktong-sakto. Parang habulan. Pinagpapawisan hanggang sa makarating sa tindahan ni Aling Simang. Parang perpektong pares. Ang kanya ay para kay Lyn. Ang kay Lyn ay para sa kanya.
Bakit kaya ipinagbawal yaon ng matatanda? Makasarili sila. Bakit kailangang sila lang ang maging maligaya at magsalo ng mga ganoong pagkakaton?

Ang mga tanong na iyon ay sinagot ni Lyn pagkatapos ng ilang buwan.

“Anton, kinakabahan ako. Dalawang buwan nang wala akong dalaw,” may pangamba sa mukha niya habang kumakain sila ng ice cream sa lagoon sa kolehiyo nila.
“Anong dalaw?” nakakunot si Anton sabay kagat sa malamig na ice cream.
“Anton, buntis yata ako. Natatakot ako,” nangingilid ang luha ni Lyn.
“HA??? Taragis, sigurado ka?” Naluwa ni Anton ang kinakain. Bad trip, bakit biglang pumait ang kinakain nilang ice cream?

**********************************

Sabay silang pumasok sa simbahan ng Quiapo pagkatapos ng klase. Magkatabing lumuhod. Mataimtim na nanalangin kung anong sunod nilang hakbangin. Humingi ng tulong. Humingi ng kaliwanagan. Humingi ng tawad.

Paglabas ng simbahan, ngayon lang nila napagtuunan ng pansin ang mga tao sa paligid. May mga babaeng nagtitinda ng kung anu-anong halaman. Pamparegla. Pampaputi. Pangontra sa ganito-ganyang sakit. Nakakatawang nasa labas lang ang mga ito ng simbahan. Hindi ba labag ito sa Kanyang kautusan?
Lumapit si Anton sa isang tindera. Lalong kinabahan si Lyn. Maiintindihan ba sila ng Diyos na kinausap nila kanina?

*************************************

Nakatingin sa kisame si Lyn. Sumusunod ang diwa niya sa umiikot na electric fan. Hindi ba kasalanan ang gagawin nila? Buhay na yung nasa sinapupunan niya.

Nakahiga siya sa isang manipis na kutson, may nakatakip na kumot sa ibabang bahagi ng katawan. Nakabukaka. Napalingon siya sa lamesa. May bulak. May alcohol. May mga stainless na instrumento. Bumilis ang tibok ng puso niya. Mabilis na mabilis. Parang nagkakarera. Pintig ng puso niya at ng batang nasa sinapupunan niya.

Pumikit siya. Nabigla nang may dumamping kamay sa hita. Napaluha siya. Napailing. Nanginginig.

“Sigurado ka na ba?” tanong ng may edad na babaeng kausap ni Anton kanina. Nakakatakot ang hitsura ng matandang walang ngipin at parang hindi nagsusuklay.

“Siguradong-sigurado po.” At tuluyan na siyang humagulhol. Humagulhol nang humagulhol.

***********************************

“Putsa naman, Anton. Hindi ka ba nag-iisip? Tarantado ka, disi-syete pa lang kayo, a.” Namumula sa galit ang Kuya niya. “Putsa, ka naman, nagpapagod akong mapag-aral ka tapos ganito lang ang isusukli mo. Ang kapal naman ng mukha mo.”

Nanliit si Anton sa sarili niya. Kung nagiging suntok lang yung pagmumura, malamang bugbog-sarado na siya. Kunsabagay, ang kapal nga naman ng mukha niya. Sa ganitong paraan niya susuklian ang pagtayo bilang ama at ina ng Kuya niya.

Hindi makapagsalita si Anton. Anong sasabihin niya? Na hindi nila ginusto ang nangyari? Na pasensya? Ano bang magandang paliwanag?

“Sira-ulo ka, gago ka. Gago,” sabay sikmura sa kanya ng Kuya niya. Nagpaubaya na lang siya. Kung yun ang makakabayad sa sakit ng dinulot niya sa kapatid. Tatanggapin niya lahat.
“O, anong plano mo?”

************************************

Sari-saring emosyon ang naglalaro kay Lyn pagpasok sa bahay nila. Hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ng magulang niya. Tiningnan niya ang nakasabit na litrato nilang mag-anak. Nag-iisang anak. Puno ng kasiyahan. Pangarap ng buong pamilya niya ang makatapos siya at makapagturo sa eskwelahan ng baranggay. Hindi niya alam ngayon kung mabibigyan pa iyun ng katuparan.

Kinagabihan, habang nanonood ang kanyang ina at ama ng paboritong teleserye, umupo siya sa gitna nila.

“Nay, Tay, may sasabihin po akong mahalaga,” simula niya na parang may nakabara sa lalamunan niya.

Pinatay ng tatay niya ang tv. Naghihintay naman ang nanay niya.

“Nay, huwag po kayong mabibigla a.”

“Lyn, ayaw ko ng ganyan, mukhang ayoko ng sasabihin mo,” nagdilim na ang mukha ng nanay niya.

“Bayaan mo siyang magsalita,” mahinahong wika ng tatay niya.

“Nay, bu— buntis po ako,” sabay tutop ng mga palad sa mukha niya. Umiyak na siya. “Pasensya na po, tay. Huhuhu. Inay, sori po… Binigo ko kayo”

Tumayo ang tatay niya. Galit na galit ang hitsura at pagkatapos ay sinuntok ang pinto nila. Nawasak ang pinto. Parang yung pangarap ng pamilya niya. Hindi ganitong bunga ang nais niya. Nagsugat ang kamay ng tatay niya. Pero, alam ni Lyn, mas nagdurugo ang puso nito. Noon lang niya narinig magmura ang tatay niya. Kung mura sa tadhana o mura para sa kanya, hindi niya alam.

Hindi naman makapagsalita ang nanay niya. Pigil na pigil. Tumayo papunta sa kusina. Kumuha ng baso pero hindi pa nalalagyan ng tubig nang biglang bumagsak sa sahig. Nawalan ng malay.
Ang nangyaring iyon ang pinakamalaking teleserye na pinag-usapan sa Manggahan kinabukasan. Naghalo na ang kape at gatas. Tatay na si Totoy. Nanay na si Nene.

****************************

Minsan lang sila sumubok gawin ang bagay na iyun pero ang laki pala ng epekto.
Nagkasundo ang dalawang partido na ayusin ang lahat. Ano pa nga bang magagawa? Hindi sila pwedeng ikasal dahil mga menor de edad pa. Tumigil sa pag-aaral si Lyn at si Anton naman ay kinailangan mag-working student para naman kahit paano, nag-aakyat rin siya ng pera para sa kanila ni Lyn. Tumira naman muna si Anton sa bahay nina Lyn.

Nahinto ang pagbuo nila ng pangarap para harapin ang katotohanan. Ang humarap sa sitwasyong huhusga sa pagiging tao nila. Mabuti na yung gayon kaysa sa ipalaglag nila. Kung may dapat silang ipagmalaki, marahil, iyun ay ang pagiging matapang nila. Ang isang pagkakamali ay hindi pwedeng takpan ng isa pang pagkakamali.

Sa kama ni Lyn, nakahiga silang dalawa.

“Mahal, natatandaan mo pa ba noong mga bata pa tayo?” si Lyn. “Noong naglalaro tayo ng bahay-bahayan?”

“Oo nga, no. Para lang ulit tayong mga bata. Yung nga lang, totoong bata na ang magiging beybi mo. Kaya mo kayang maging mabait na ina?”
“Ikaw? Kaya mo na kaming buhaying mag-ina? Hindi na pwedeng ilagay sa mesa yung dahon ng mga halaman,” nakangiting sagot ng kausap. “Alam mo ba, naglalaro kami dati ng FLAMES, Marriage yung lumabas sa pangalan nating dalawa. Parang ang bilis namang nangyari.”

“Hehehe. Nagsisisi ka ba?”

“Ginusto naman natin ‘to, e. Pero sana pala, naghintay tayo. Mas mauuna pa kong tawaging Mommy kesa sa Ma’am.”

“Oo nga, Sana naghintay tayo. Mahirap din pala yung ganitong sitwasyon.”
Dumaan ang mga buwan. Lumipas ang mga araw. Lumaki na ang tiyan ni Lyn at nakaw-tingin silang dalawa tuwing magpapatingin sa health center. Pinakabatang nakapila sa mga buntis na nagpapakonsulta. Mga menor de edad na hindi nag-isip para sa kanilang kinabukasan.

***************************

Palakad-lakad si Anton habang nagdarasal sa labas ng delivery room “Lord, Ikaw na bahala sa mag-ina ko.”

Dalawang oras bago sila sumugod sa hospital, sumakit ang tiyan ni Lyn. Sinundo kaagad niya si Aling Simang na isang hilot. Kaya lang, dahil sa sobrang hirap, hindi yata makayanan ni Lyn. Sabi ni Aling Simang, bata pa raw kasi. Malaki ang takot sa dibdib.

Takot. Iyun din ang nararamdaman niya nang panahong iyun. Kasi nga bata pa si Lyn, paano kung hindi niya makayanan? Paano kung papiliin sila ng doktor tulad ng napapanood niya sa mga pelikula. Si Lyn o ang magiging anak niya? Napapikit uli siya,” Lord, ikaw na ang bahala sa mag-ina ko.”

Naging ligtas ang panganganak ni Lyn sa Junior nila. Hindi niya maipaliwanag na may anak na siya. Nakabuo sila ng tao. Galing sa laman niya at ni Lyn.
Masaya na may halong takot. Lalo na nang unang beses niyang kargahin ang sanggol. Napaluha siya. Nangako na bibigyan ng magandang bukas ang kargang bata. Kung paano. Hindi niya alam.

*****************************

Mahirap palang mag-alaga ng bata. Iyan ang nasa isip ni Lyn. Halos isang oras na lang yata siyang natutulog sa gabi dahil sa pag-iyak ng baby niya. Tapos, sa umaga, maglalaba pa siya ng mga damit nito, maglilinis ng tsupon, magtitimpla na ulit ng gatas, tapos mamayang konti gabi na naman. Nahihiya naman siyang magreklamo sa Nanay niya.

Kung tutuusin, pinagpala pa rin sila ng Diyos dahil may mga magulang silang hindi sila itinakwil noong madapa sila. Ganoon naman yata pag naging magulang. Parating nakasalalay sa mga anak. Tagabangon kapag nadadapa. Tagabigay ng lakas kapag nanghihina.
Hindi na niya maasikaso si Anton. Kulang na nga siya ng panahon sa sarili, pati ba naman ito aalagaan pa niya? Pero napansin niya medyo nangayayat. Nahihirapan din sigurong balansehin ang pag-aaral, pagtatrabaho at pagiging ama.

Buti nga si Anton, nag-aaral. Nakakalabas ng bahay. E siya, nakulong na sa pag-aalaga ng bata.

Iyun ang pinag-awayan nila kagabi. Hindi pa nga siya nakakabawi ng tulog mula sa puyat noong isang gabi tapos malaman niya, hindi pala ito sa trabaho galing kundi sa inuman ng kaklase. Debut yata. Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo?
Pero aminado siya, napasobra nga yata ang pagmumura niya. Ibinato pa niya sa mukha nito ang mga damit at pinalayas.

Nagpapakulo siya ng tubig para sa gatas ni Junior nang may biglang kumatok sa pintuan nila. Pagbukas niya ng pinto, andun si Anton. Nakatayo. May dalang bulaklak.

“Mahal, pasensya na, a. Di bale, mas magiging responsable na ako sa inyong dalawa ni Junior,” sabay yakap sa kanya.

“Hmmp, pangako?”

“Oo, pangako.”

“O sige, sori na din. Medyo masungit ako nitong mga nakaraang araw. Sige na, bati na tayo.” At hinalikan niya sa pisngi si Anton.

Mahirap pumasok sa isang sitwasyong kagaya ng sa kanila ni Anton. Pero, gaya ng pagtatayo nila ng bahay-bahayan sa sanga ng puno, kakayanin nila para lang maging maganda ang kalabasan. Marami pa silang haharapin at pagdaraan pero batid niya, makakaya nila. Dahil kahit parati silang kulelat at sunog-bahay sa mga laro, masaya pa rin dahil silang dalawa ang magkakampi. Kahit paano, naniniwala pa rin siyang sa suporta ng mga taong nasa paligid nila, kayang-kaya nilang bumuo ng mas maaliwalas na bukas.

Angelita

ni Maccheb

Sa kabila ng maunlad at sibilisadong pamumuhay sa lungsod, hindi pa rin nito maikukubli ang katotohanang may mga naiwan pa ring natutulog sa mga kalye. Sila ang mukha ng kahirapan. Ang katotohanang kahit pilit itago ng lipunan ay hindi kaylanman mapagtatakpan ang tunay na kalagayan. Salat sila hindi lamang sa kayamanan kung hindi pati na rin sa pagmamahal. Ang batang tulad nina Angelita at Lucia na sana ay nag-aaral at tinatamasa ang kanilang kabataan ay napipilitang mamalimos sa lansangan upang may maitugon sa kalam ng tiyan. Sila na dapat nakikipaglaro at nakikipagtawanan sa ibang bata ay maagang namumulat sa kahirapan. May mga pagkakataong natutukso siyang magnakaw at mandukot subalit batid niyang ito ay hindi tama.

“Ale, palimos po. Pambili lang po ng pagkain.”

“Wala,” malamig na tugon ng ale.

“Sige na po. Kahit barya lang po,” pakiusap ni Lucia. Marahan niyang hinawakan ang laylayan ng bestida ng ale. Nagsalubong ang kilay nito at binigyan siya ng matalas na tingin.

“Bitiwan mo nga ako. Ang dungis-dungis mo. Ang baho-baho mo pa!” bulyaw nito sa kaniya. Itinulak siya nito nang malakas kung kaya’t napaupo siya sa lupa.

“Patawad po,” tugon niya sa pagitan ng kaniyang mga hikbi.

“Umalis ka nga diyan! Sinisira mo ang araw ko!” muling bulyaw nito at tuluyan na siyang tinalikuran.

Sa hindi kalayuan ay nadako ang kaniyang tingin sa mag-inang papadaan. Maganda ang kaniyang kasuotan, bago ang sapatos at may magandang ipit sa buhok. Hindi niya maiwasang mainggit. Iniluha na lamang niya ang nararamdamang sakit. Nagulat na lang siya nang masagi siya ng isang lalaki.

“Ano ba bata? Huwag kang haharang-harang sa daan!”

“Pasensiya na po.” Dahan-dahan siyang tumayo buhat sa pagkakaupo sa lupa at naglakad pabalik sa kaniyang kapatid.

“Anong nangyari sa ‘yo? Bakit umiiyak ka?” untag ng ate Angelita niya.

“Ayaw nila sa akin ate. Nakakainggit iyong batang babae na nakita ko. Ang gara ng damit niya. Iyong sapatos niya, mukhang mamahalin. Ang ganda rin ng buhok niya, may ipit pa,” paglalarawan niya.

“Hayaan mo, kapag nakaipon ako bibilhan kita ng damit. Pero iyong mura lang ang kaya ko. Tumahan ka na. Tara, balikan na natin si Nanay,” alok ni Angelita.

Nagmamadali silang bumalik sa ina ngunit hindi nila ito nakita roon. Tanging ang kanilang iilang damit at tagpi-tagping kahon na nagsisilbi nilang higaan ang naiwan doon. Lumapit sila sa isang tindera na malapit sa kanila at ito ang nagsabi nang masaklap na sinapit ng ina.

“Mayroon siyang matandang babae na tinulungan at natuwa ito sa kaniya kaya’t binigyan siya ng dalawang libo. Binigyan din siya ng ilang supot na pagkain. Sa kasamaang palad, nakita iyon ng isang mama na may masamang motibo. Inagaw niya ang mga ito sa Nanay ninyo at sapilitang kinuha ang pera ngunit nanlaban siya. Nakipagbuno siya sa mama. Huli na nang makita naming may dala itong balisong at pinagsasaksak siya,” kwento ng tindera.

“Bakit hindi man lang po ninyo tinulungan si Nanay?” untag ni Angelita.

“Ipagpaumanhin ninyo, natakot kami.”

“Nanay!” sigaw ni Lucia. Nagsimula nang mag-unahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha.“Nasaan na si Nanay ate?”

“Nasaan na nga po ba si Nanay?”

“Wala na ang Nanay ninyo. Hinahanap nga kayo kanina ng mga pulis para isama kayo. May umako na sa pagpapalibing sa kaniya.” Pagkarinig nila noon, tila gumuho ang mundo nila. Agad nilang pinuntahan ang ina.

Dahil wala nang mag-aalaga sa kanila, dinala sila sa bahay ampunan. Hindi pa man nila lubusang naiintindihan at natatanggap ang maagang pagkawala ng ina ay pilit silang nagpapakatatag. Lumipas ang ilang buwan at doon ay nagkaroon sila ng panibagong pamilya. Subalit nang matuklasan nilang may aampon sa kanila at hindi sila magkasama, tumakas sila sa bahay ampunan. Muli silang nagpalabuy-laboy sa kalye.

“Ate, nilalamig po ako.”

“Ano?” Nilapitan siya ng kapatid. “Naku Lucia, may lagnat ka.”

“Gutom na rin po ako.”

“Sige, dito ka lang. Maghahanap ako ng makakain. Babalikan kita, sandali lang si Ate.”

“Ingat ka ate Angelita ah. Babalik ka. Kapag nawala ka, wala nang matitira sa akin.”

Napaiyak si Angelita sa sinabi ng kapatid kung kaya’t lalo siyang nagpursigeng maibili ito ng pagkain at gamot. Marami siyang nilapitan subalit pinapaalis lang siya at hindi pinapansin. Nakiusap din siya sa botika na bigyan siya ng gamot ngunit pinagtawanan lang siya ng mga ito. May isang lalaking tumawag sa kaniya at sandaling pinabantayan ang dalang sasakyan. Pagbalik nito ay binayaran naman siya subalit sadyang kulang pa. Hanggang sa namalayan na lang niyang umiiyak na siya habang naglalakad sa kalye. Natigilan siya nang may tumawag sa kaniyang pansin.

Isang magarang sasakyan ang huminto sa kaniyang harapan. Doon ay lulan ang isang babae na tinatawag siya. Hindi naman siya nag-atubiling lapitan ito.

“Bata, bakit ka umiiyak? Nawawala ka ba?” untag ng babae sa kaniya.

“Hindi po.”

“Kung ganoon, ano bang problema?”

“Iyong kapatid ko po kasi, inaapoy po ng lagnat. Kailangan niya po ng makakain at makainom ng gamot pero kulang po ang pera kong pambili. Nag-aalala na po ako sa kaniya. Baka kung napaano na siya kasi kanina ko pa po siya iniwan. Siya na lang po ang mayroon ako. Ayaw ko po na pati siya mawala,” kwento niya sa pagitan ng kaniyang pag-iyak.

“Halika, sumakay ka. Ituro mo kung nasaan ang kapatid mo. Dadalhin natin siya sa Ospital,” alok ng babae. Pinagbuksan naman siya agad ng pinto ng driver nito.

Isinugod nila si Angelita sa Ospital. Doon ay nabigyan siya ng nararapat na medikasyon para sa kaniyang kalagayan. Nagpabili rin ang babaeng tumulong sa kanila ng makakain. Habang pinagmamasdan niya ang mukha ng babaeng itinuturing niyang hulog ng langit sa kanila ni Lucia, nakikita niya rito ang kabutihan. Sa mga mata nito ay ang sinseridad na tumulong sa kapwa. Nilapitan siya nito at hinawakan ang kaniyang mga kamay.

“Ikaw? Kumusta naman ang pakiramdam mo?”

“Maayos naman po ako. Maraming salamat po ale.”

“Tawagin mo na lang akong ate Tessa. Iyong doktor na umaasikaso sa kapatid mo, asawa ko iyon.”

“Ako po si Angelita at Lucia naman po ang pangalan ng kapatid ko. Ang bait naman po ninyo. Mapalad po ang inyong mga anak,” tugon niya. Bigla namang dumungaw ang luha sa mga mata ni Tessa. “Bakit po? May nasabi po ba akong masama?” untag niya.

“Wala. Kasing gulang mo na sana ang aming anak kung hindi siya nagkasakit nang malubha. Iniwan niya na kami.”

“Patawad po.”

“Wala iyon. Nasaan ba ang mga magulang ninyo?”

“Wala na rin po sila. Dinala po kami sa bahay ampunan noong mamatay ang Nanay namin pero tumakas po kami kasi narinig ko po na may magkaibang pamilyang aampon sa amin.”

“Bakit naman kayo tumakas? Alam mo bang mas maaalagaan kayo roon?”

“Alam ko po pero ayaw ko rin po na magkahiwalay kaming magkapatid,” malungkot niyang sagot.

Mula ng gabing iyon, lagi sila nitong dinadaanan sa kanilang tinutulugan sa kalye. Binibigyan sila ng pera at pagkain. Tuwang-tuwa naman si Lucia tuwing makikita ang mag-asawa. At ganoon din naman si Angelita. Isang araw, isinama na sila nito sa kanilang bahay.

“Ang ganda naman po ng bahay ninyo,” saad ni Angelita na manghang-mangha sa kaniyang nakikita.

“Oo nga po, ang laki!” sabat ni Lucia.

“Mula ngayon, bahay na rin ninyo ito.”

“Ano po?” naibulalas nilang magkapatid.

“Nag-usap na kaming mag-asawa na kupkupin kayo. Kami na ang aampon sainyo at magiging pangalawa ninyong magulang. Iyon ay kung papayag kayo.”

“Opo!” magkasabay na tugon ng dalawang bata. Umiiyak nilang niyakap si Tessa at ang asawa nitong si Sid.

Tila muling nadugtungan ang kanilang buhay at nabigyan ng pag-asa. Inakala nilang sa pagkawala ng kanilang ina ay mawawalan na rin ng saysay ang kanilang buhay. Ang mag-asawa ay nagsilbing mga anghel na nagbukas ng pinto patungo sa magandang bukas sa kanilang magkapatid. Muli silang nangarap. Muling iginuhit ang bukas na minsan ay naging malabo para sa kanila. Hindi nila inakalang makatatagpo sila ng mga taong tatanggap at magmamahal sa kanila kahit hindi sila tunay na kadugo.

“Mga bata, bukas ipai-enroll ko kayo sa eskwela. Kaya gumising kayo ng maaga ha?”

“Talaga po Mama Tessa?” untag ni Angelita na ngiting-ngiti dahil sa kaniyang narinig.

“Oo, mag-aaral kayo. Pag-aaralin namin kayo hanggang kolehiyo. Makakasama ninyo kami sa pagtupad ng mga pangarap ninyo. Ano ba ang gusto ninyong maging paglaki ninyo?” untag niya sa dalawang bata.

“Gusto ko pong maging guro,” mabilis na sagot ni Angelita. Nabaling ang kanilang tingin kay Lucia na tutok na tutok sa panonood ng telebisyon. Kung kaya’t inakala nilang hindi ito nakikinig.

“Ikaw Lucia?” untag ni Tessa.

Tahimik itong tumingin sa kanila na wari ba’y nag-iisip. “Gusto ko po maging isang magaling na doktor katulad ni Papa Sid. Gusto ko pong manggamot at maglitas ng maraming buhay,” nakangiti nitong sagot. Natuwa naman si Sid sa kaniyang narinig kaya tinabihan niya ito at kinandong.

“At dahil nandito si Papa, tuturuan kita at susuportahan sa pangarap mong iyan.”

“Salamat po,” tugon ni Lucia.

“Basta mag-aral kayong mabuti ha? Kahit hindi para sa amin, para sa mga magulang na lang ninyo. Kung nasaan man sila, alam kong tuwang-tuwa sila at ipinagmamalaki kayo,” sabat ni Tessa.

Naging larawan sila ng isang masayang pamilya. At ang kanilang tahanan ay naging pugad ng tunay na pagmamahalan. Subalit may nagbabadyang trahedya na susubok sa bawat isa.

“Kompleto na ba ang mga gamit ninyo? Wala na tayong nakalimutang bilhin?” untag ni Tessa.

“Wala na po Mama Tessa, sobra-sobra na nga po ito,” sagot ni Angelita.

“Ikaw talaga Angelita oh, wala iyan.” Papasok na sana sila ng sasakyan nang hilahin ni Lucia ang laylayan ng kaniyang blusa. Napatingin siya rito at tumambad sa kaniya ang malungkot na mukha ng bata. “Bakit Lucia?”

“Mama Tessa, gusto ko po noon.” Itinuro ni Lucia ang mga lobong hawak-hawak ng isang lalaki. Napangiti naman si Tessa at hinimas ang ulo nito.

“Tinakot mo naman ako. Akala ko kung ano na.”

“Pasensiya na po.”

“Huwag na Lucia. Hindi naman importante iyan,” pagtutol ni Angelita.

“Ayos lang. Dito lang kayo ha, bibili ako.” Mabilis na nilapitan ni Tessa ang tindero at ibinili si Lucia ng kulay rosas na lobo. Patawid na si Tessa pabalik sa dalawa nang makita ni Angelita ang paparating na sasakyan. Tila hindi naman ito nakita ni Tessa na na dumire-diretso lang.
Mabilis na tumakbo si Angelita palapit kay Tessa at itinulak ito pabalik sa gilid ng kalsada. Natumba naman si Tessa at nabitawan ang hawak niyang lobo. Umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na busina ng sasakyan at lagabog nito. Nang lingunin ito ni Tessa, napasigaw na lang siya ng iyak.

“Angelita!”

Nagkagulo ang mga tao. Dinampot nila ang duguang bata at mabilis na isinakay sa sasakyang nakabangga rito. Iyak naman ng iyak si Lucia nang datnan ni Tessa. Sinundan nila ang nasabing sasakyan sa Ospital kung saan dinala ang bata.

“Tama na Lucia, huwag ka na umiyak.”

“Kasalanan ko po Mama Tessa. Kung hindi po ako nagpabili ng lobo, hindi siya mababangga.”

“Hindi anak, kasalanan ko.”

“Hindi po, kasalanan ko nga po talaga iyon.” Muling umiyak si Lucia.

“Huwag na kayong magtalo kung sino ang may kasalanan dahil hindi naman iyon mahalaga. Aksidente ang nangyari at walang may gusto noon,” sabat ni Sid.

“Sid? Kumusta si Angelita? Anong lagay niya?” malungkot na mukha ang isinagot ng asawa. Napailing ito kung kaya’t nagsimula na ring umiyak si Tessa.

“Ginawa na nila ang lahat pero hindi kinaya ng bata. Wala na siya,” mahinang sagot ni Sid. Sabay silang napatingin kay Lucia na noon ay mas lumakas pa ang pag-iyak.

“Ang ate ko. Wala na ang ate ko. Mag-isa na lang ako,” nasabi nito sa pagitan ng kaniyang pag-iyak. Humagulhol ito na halos hindi na nila alam kung paano pa patatahanin. Tanging mahigpit na yakap lamang ang naitugon ng mag-asawa sa batang tila muling nadurog dahil sa mga nangyari.

Pagkalipas ng ilang buwan, hindi pa rin makalimutan ni Tessa ang mga nangyari. Ang batang kumuha ng pansin niya noon, tinulungan niya, pinakain, kinupkop at minahal ay namatay dahil sa pagliligtas sa kaniyang buhay. Sinisisi niya pa rin ang sarili sa sinapit ng kaawa-awang bata.

“Mama Tessa…” tawag ni Lucia sa kaniyang pansin na kumakalabit sa kaniyang balikat.

“Bakit anak?” untag niya.

“Umiiyak na naman po kayo. Pinatawad ko na po ang sarili ko dahil sa nangyari, sana kayo rin po. Isa pa, baka po makasama iyan sa kondisyon ninyo.”

“Pasensiya na anak, hindi ko lang talaga makalimutan ang ate Angelita mo.”

“Ako rin po pero kailangan nating tanggapin. Tahan na po.” Pinunasan niya ang luha sa mga mata ni Tessa. “Baka po kung ano pang mangyari kay baby Angela kapag nalungkot pa rin kayo nang nalungkot.”

“Oo nga ano?” bulalas ni Tessa. Napangiti na lamang siya dahil sa gulat sa sinabi ni Lucia.

“Kaylan po ba lalabas ang kapatid ko?” untag ni Lucia.

“Ilang buwan na lang anak, magiging ate ka na.”

“Yehey!” naisigaw sa tuwa ni Lucia.

Niyakap ni Tessa nang mahigpit ang tuwang-tuwang si Lucia na nasasabik na sa isang kapatid. Nawala man si Angelita sa kanilang piling, hinding-hindi ito mawawala sa kanilang mga puso at isipan. Lumipas man ang mahabang panahon, siya ay mananatiliing parte ng kanilang mga buhay.

WAKAS

The Case of Hannah Jane Lorilla part 4

Chapter 14: “Psychological Warfare”

“What are you doing here????” nagugulat na tanong ni Hannah kay Jesse.

“You bring me here, remember?”

“No, I don’t remember!” sigaw ni Hannah habang hawak ng mga kamay ang buhok na tila nababaliw. Hindi niya maintindihan ang sarili. Nanginginig na ang katawan niya, hindi niya malaman kung sa sobrang takot ba iyon.

“I’ve done you a favor Hannah, couldn’t you remember noong dumalaw ka sa kulungan? You told me na ako ang perfect partner to do your works. Sinabi mo na makakalaya ako kung tutulungan kita sa mga gusto mo. And well, here I am. You told me to kidnap your best friends, Marjorie and Lara.”

“No, hindi ko gagawin sa kanila ‘yon!”

“Hannah, please. Lahat ng sinasabi sa’yo ni Jesse ay totoo. I saw you visiting him in jail kaya nga nagulat ako. Makinig ka sa kanya. Please huwag kang magagalit sa akin. Naiintindihan naman kita eh kung bakit ka ganyan. Hannah, you’re highly delusional.” Paliwanag ni Daniel.

“What are you talking about Danny? I’m not crazy! Huwag mo akong igaya sa’yo na sobrang obsess sa akin! Huwag mo akong lokohin!”

“No Hannah, please. WALA KANG STALKER Hannah, it’s just all in your mind.”

“Imposible. I saw him, he’s wearing a black hoodie, it’s you Jesse!”

` “Hannah, I was in jail noong mga panahong may stalker ka, hindi ko magagawa ‘yon!” sagot ni Jesse.

“Hindi ako nagtanim ng sama ng loob o ng kahit ano noong ipakulong mo ako because I really love you. I understand you, from a guy who is suffering from a disorder, I could totally understand you. That illusion na sinasabi mong nakakakita ka ng misteryosong tao, it is just all in your mind. Or your mind represents it as your stalker pero wala naman talaga. You did everything Hannah, from the flowers, cards and dead insects.” Sabi ni Daniel.

“Wala akong maalala Danny, wala.”

“Because you’re living in a realm na may stalker ka! You’re narcissism has pushed you to the edge to the point na you’re treating yourself that you’re in danger. Your vain Hannah and your extreme vanity lead you to that idea that you have a stalker. Pinaniwala mo ang lahat ng tao at ang sarili mo na totoong may stalker ka pero ang totoo, wala naman!”

“Then why would I do that? Why?”

“Dahil nga kinukulangan ka sa fame! Gusto mong mapag-usapan ng lahat ng tao, sa kabila ng kagandahan mo at pagiging popular, hindi ‘yun sapat sa’yo kaya mo sinagot si Jake na kontrobersyal na. But it wasn’t enough kaya nagpretend ka na may stalker ka.”

“That’s impossible! You have no proof!”

“I asked the vendor doon sa flowershop kung saan ninyo ako nakita, napansin ko kasi na may pagkakapareho ‘yung cards doon at sa stalker mo. I asked him na idescribe ang taong madalas na bumibili ng roses at cards, noong una akala ko lalake pero ang sabi niya babae at nagmamatch sa description mo, pero naisip ko na imposible mong magawa ‘yun kaya I showed him a picture of youpero hindi pala ikaw kung hindi ang ate mong si Nina! Alam niyang may mental disorder ka kaya para mapagtakpan ang kasalanan mo, she instead supported you sa lahat ng ginagawa mo, she’s your accomplice Hannah.”

“No, I’m not y own stalker, bawiin mo ‘yang sinasabi mo! I’m not M.D.!”

“Yes, you are Hannah, hindi mo ba talaga naaalala noong sa psychiatric clinic? You told me something. You said that you’ve read a book about a girl who was so beautiful. She had her own adventure because she was kept chasing by her stalker. Sabi mo paborito mo ‘yung libro kasi gusto mong maging kagaya niya. Inuulit-ulit mo pa nga ‘yung name nung main character, you said her name was Martha Diane, M.D. for short.”

Sapagkakataong iyon ay bumalik na sa alaala niya ang lahat ng ginawa niya.

“Imposible ito! Hindi ito maaari!” napatayo si Hannah sa pagkakaupo at napatingin sa salamin. Nakita niya ang sarili niya na nakasuot ng itim na hoodie at may hawak ng bouquet ng rosas.

“That’s the truth, you told Jesse to kidnap your friends. Hindi sapat ang nakukuha mong popularity at pakiramdam mo threatened ka sa dalawa mong kaibigan.”

“No, no, teorya mo lang lahat ng ito!”

“No Hannah, all of these was based on my research and with the help of the child psychiatrist. I called Dr. Alfred Jimenez at may initial record siya ng diagnosis natin, diagnosis mo.”

Napaluhod si Hannah at umiyak. Nilapitan siya ni Daniel at lumuhod din. “Hannah, I’m here for you.”wika niya at hinalikan siya sa noo.

Biglang huminto ng pag-iyak si Hannah at pinunasan ang luha at inayos ang buhok gamit ang mga daliri. Tumayo siya at palabas ng pinto.

“Oh saan ka pupunta?” tanong ni Daniel.

“Where are my sisters Marjorie and Lara?”

“Sa kabilang room.” Sagot ni Jesse at itinuro ang isang kwarto.

Chapter 15: “Old Friends”

Agad na nagtungo si Hannah sa kwarto kung nasaan sina Marjorie at Lara. Sinundan naman siya ng dalawang lalake. Nakakita siHannah ng kutsilyong may bahid ng dugo sa mesa. Kinuha niya ito at tiningnan.

“Hannah! What are you doing here?! Nagugulat na tanong ni Marjorie. Gising na ito subalit nanghihina pa rin dahil sa dami ng sugta na tinamo. Nakagapos pa rin nito. Samantalang si Lara ay nakatali sa isnag upuan at may busal ang bibig.

Dahan-dahang lumapit si Hannah kay Marjorie at sinabunutan ito. Napasigaw naman ang una dahil sa sakit.

“Bakit mo ginawa ‘yun?” naiiyak na tanong ni Marjorie.

“I should be the one asking you that! I saw your picture together with my boyfriend Jake! I thought we are friends, I thought we are sisters! Pero hindi pala! Traydor ka! Malandi ka! Wala kang kwentang best friend! From now on, hindi na tayo friends!” namumuhing sabi ni Hannah

“Hannah, I’m.. I’m so sorry.”

“Well,it’s too late sis!” sabi niya at inundayan ng saksak si Marjorie sa tiyan.”Hahahahahahaha!!!!!” parang nababaliw na tawa ni Hannah at sinaksak muli ang kaibigan.

Tumulo ang dugo mula sa bibig ng kaibigan at ilang sandali pa ay hindi na ito gumalaw. Kitang-kita ni Lara ang buong pangyayari. Gustuhin man niyang makawala ay hindi siya makagalaw. Nilingon siya ng masama ni Hannah at nilapitan din. Tumutulo pa ang dugo sa kutsilyong ginamit niya. Lumuhod siya sa harap ng kaibiganat inikut-ikot ang kutsilyo sa mga hibla ng buho.”Hmmmm, ikaw sis Lara, I couldn’t think of any reason para patayin ka.” Sambit niya habang pinuputol ang tali. Pero habang ginagawa niya iyon ay napahinto siya, “Oh wait, yes, I have a reason, Di ba iiwan mo ako sa ere dahil nalaman mong delikado ang buhay mo? Well, palatandaan iyon na you’re not a good friend Lara. And besides, I hate your beauty, dapat wala akong kaagaw sa atensyon ng lahat. Ako lang dapat ang nananatiling famous ang beautiful! Hahahaha.” Sabi niya at pumunta sa likuran ni Lara.

Napanganga na lamang si Daniel nang gilitan ni Hannahsi Lara ng leeg. Hindi niya akalain na magagawa iyon ng pinakamamahal niya. Gusto man niyang pigilan si Hannah sa ginagawa nito ay pinigilan din siya ni Jesse.

“Hayaan mo na si Hannah.”

“I’m here to help her, gusto kong gumaling siya. Hindi dapat ganito.”

May ipinakita si Jesse na baril sa kamay kaya hindi na gumalaw pa si Daniel, natatakot siya sa baka kung anong gawin nito sa kanya.

****************

Huminto ang isang sasakyan sa tapat ng lumang apartment. Bumaba roon sina Jake, Randy at Alvin. Malakas pa rin ang ulan, tila walang balak na huminto.

“Ito na kaya ‘yung lugar?” natanong ni Alvin.

“Oo, positive ako. Besides sa bahay nila, dito pa siya maaaring magpunta dahil tambayan namin ito dati.” Sagot ni Randy.

Hindi na sila nag-abala pang kumatok. Kaagad nilang binuksan ang hindi nakalock na pinto. Dahan-dahan silang pumasok. Magulo ang hallway ng apartment, may mga balat ng junk foods, nakatumbang upuan at mga nagkalat na papel at pahina ng dyaryo. Bumukas ang isang pinto at lumabas doon ang isang lalakeng nakahoodie, dalawang dipa ang layo sa kanila.

“Jesse?????” gulat na gulat na nasambit ni Jake.

“Well, long time no see my old friend.” Sagot nito.

“Anong ginagawa mo rito????”

“Uhhmmmm, wala naman. Tinulungan ko lang ang isang bagong kaibigan.” Sabi nito at tinawag si Daniel.

Nabigla rin sina Randy at Alvin. “Wag n’yong sabihin na kayo ang stalker ni Hannah?” wika ni Randy.

“Uhmm, yes and no actually.” Wika nito at tinutukan sila ng baril. Napataas ng mga kamay ang tatlong lalake.

“Jesse, what are you doing?” natatakot na tanong ni Daniel.

“Labas ka na dito. Sariling plano ko na ito, gusto ko lang bigyan ng reunion gift itongsi Jake.” Sagot nito at iginalaw-galaw ang hawak nab aril.

“Don’t do anything stupid. Nandito tayo para tulungan si Hannah.”

Tinitigan siya ng masama ni Jesse. “Why don’t you mind your own business? My old friend Jake here, ruined my life when I was convicted of murdering Andrea.”

“Dapat mo lang talagang pagbayaran ang ginawa mo!”

NIlapitan ni Jesse si Jake na nakatutok pa rin ang baril dito, sinenyasan niya sina Randy at Alvin na pumasok sa isang kwarto, “Don’t do anything I don’t like at siguradong isa sa inyo ang mabubutasan sa ulo.” Sabi nito, kaagad naman siyang sinunod ng dalawa. Nang makapasok na ang mga ito ay inilock niya ang pinto mula sa labas.

“Pa-paano ka nakalabas ng kulungan?” nagtataka si Jake.

“Well, why don’t you ask your girlfriend Hannah?”

“A-anong kinalaman ni Hannah?”

“Hahahaha. You don’t know everything about her.” Wika nito atitinutok sa noo ni Jake ang baril, napapikit si Jake, nangininig na ang mga kamay nito, tila naparalisa. Kakalabitin n asana nito ang gatilyo nang may sumigaw mulasa likuran.

“Huwaaaaggggggg!!!!”

Chapter 16 (FINAL Chapter): “Once A Stalker, Always A Stalker”

Napalingon ang dalawa, si Hannah ang sumigaw. Sindak na sindak si Jake nang makitang duguan ang damit at mga kamay ng kasintahan. Hawak pa rin nito ang kutsilyo na ginamit. Umiiyak ito at walang ayos ang buhok. Pero napansin agad niya na kay Hannah pa rin nakatingin si Jesse kaya agad niyang natabig ang kamay nito at tumilapon ang baril.

Nagpambuno ang dalawa sa maruming sahig, pumaibabaw si Jake at sinuntok ng ilang ulit si Jesse subalit lumalaban ang huli. Malakas ang pagwawala nito kaya natumba si Jake. Samantalang si Daniel ay yakap lang si Hannah, nanunuod ang mga ito sa pagsasakitan ng dalawa.

Isang malakas na suntok ang ipinatama ni Jesse sa mukha ni Jake kaya lumabas ang dugo mula sa ilong nito at bibig. Nakaganti naman si Jake at tumama ang mukha ng kaaway sa semetong pader. Hinawakan niya ang ulo nito at makailang ulit na inuntog ang mukha sa pader. Sa bawat pagtama ng ulo ni Jesse sa pader ay ang pagtalsik ng dugo at pagbahid sa matigas na semento. Tumigil lang siya nang makitang wala nang itong malay at hindi na gumagalaw. Bumagsak muli ito sa sahig ng duguan ang mukha. Nakalabas naman sina Randy at Alvin nang pagtulungan nilang sunggaban ang pinto at nasira ito. Kinuha ni Jake ang baril at itinutok naman kay Daniel. Napalayo ang lalake. Niyakap niya ang nobya at nagtungo sa kwarto kung nasaan sina Lara at Marjorie.

Hindi nila inaasahan ang madadatnan. Punung-puno ng dugo ang sahig ng kwarto, naroon ang dalawa, si Lara ay nakatali at nakaupo, wala na itong buhay dahil sa pagtama ng talim sa leeg nito, ganoon din si Marjorie na nakahandusay, kaagad itong nilapitan ni Randy at humagulhol ng iyak.

Ilang minuto pa ay dumating na ang mga pulis, lahat sila ay hiningan ng salaysay, subalit sa huli ay nakulong muli si Daniel dahil sa pagkidnap sa dalawang babae at pagtulong sa ex-convict na si Jesse. Si Jake naman ay nakulong din bagaman self-defense ang ginawa nito, nililitis pa rin ang kaso, makakalaya lamang ito unless proven not guilty. Base na rin sa mga nakalap na ebidensya ng mga pulisya, si Hannah ay nabilanggo rin sa pagpatay sa mga kaibigan nito, ngunit dahil sa lumala nitong kalagayan at madalas na pagwawala sa selda ay dinala na ito sa mental hospital. Paminsan- minsan ay nakikita pa rin nito ang taong nakahoodie sa tuwing titingin siya sa salamin.

*************

Nakamasid angisang taong nakahoodie sa may di kalayuan sa Arlington University. Nakatanaw ito sa gate ng nasabing school.
Napangiti siya nang lumabas ang pakay.

“Hindi ako mapasundo, may dadaanin
pa ako sa gift shop. Bye girls! Kita na lang ulit tayo bukas.” Pagpapaalam ni Angela sa mga kaibigan sa labas ng school bago maglakad kasabayan ang marami pang estudyante na naglalakad din sa parehong direksyon. Kaagad siyang sinundan ng taong nakahoodie sa likuran. May kinuha itong matalim na bagay mula sa likuran at ikinubli sa bulsa.

Nang wala nang masyadong estudyante sa lugar na nilalakaran ni Angela ay nakarinig siya ng pagsitsit. “Psssst.. Pssst..” Lumingon siya subalit wala namang tao kaya ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Ilang segundo lang ay narinig niya muli ang pagsitsit. Nang lumingon siya ay laking gulat niya ng tumambad sa kanya ang isnag taong nakahoodie. Inangat nito ang ulo at nanlaki ang mga mata niya.

“Ha-Hannah????”
-WAKAS

The Case of Hannah Jane Lorilla part 3

Chapter 9: “M.D.’s Back”

“Hannah? Hannah?” tanong ng Ate Nina niya.

Parang bumalik si Hannah sa reyalidad, bumalik sa kanya ang lahat ng alaala noong mga panahong naghihirap ang kalooban niyang puno ng takot, pangamba at pagdurusa dahil sa stalker niya. Noong araw na malaman ni Hannah na si Daniel ang stalker nito ay tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan, tila gumaan ang pakiramdam niya lalo pa’t napatunayan dahil sa ebidensya. Nakulong si Daniel dahil sa kasong grave threat na isinampa ng kampo ni Hannah. Simula noon ay naging normal na ang buhay ni Hannah, hindi na siya kinakabahan kahit mag-isang maglakad dahil alam niyang walang nagmamasid sa kanya, walang kumukuha ng litrato niya nang hindi niya alam at higit sa lahat ay wala ng nagpapadala ng mga patay na insekto sa locker at bahay nila. Nagkaayos na rin sila ng kaibigang si Marjorie at nagtulungan para mabilanggo si Daniel.

“Oo, inaamin ko na! Nagpadala ako ng roses at chocolates kay Hannah! Huhuhuhu” sabi nito sa korte habang nakaposas ang mga kamay. Tagaktak ang pawis nito at basang-basa na ang damit. Dahil sa sobrang pag-iyak nito ay tumutulo na ang uhog at laway nito. Kasabay ng pag-iyak na parang isang maliit na bata ay ang bakas sa mukha nito na pagkatakot. Labis ang panginginig ng katawan lalo pa nang ihain na ang ebidensya. Nakuha sa bag nito ang isang camera na naglalaman ng mga mga nakaw na kuha kay Hannah. Nang halughugin din ng mga pulis ang bahay nito ay natagpuan sa basement ang dingding na puro larawan ni Hannah. Ito ang mga ebidensya na nakapagpadiin pa kay Daniel. Bagaman pilit nitong sinasabi na isang bese lang ito nagpadala ng mga rosas at tsokolate ay hindi naging sapat ang salaysay niya. Naroon si Hannah nang mga panahong ‘yon, bagaman naaawa siya sa hitsura at kalagayan ni Daniel ay nakaramdam siya ng pagkamuhi dahil sa ginawa nito sa kanya kaya itinuloy niya ang demanda.

************

“Ate? Posible kayang bumalik si Danny para takutin ulit ako?” nag-aalala niyang tanong sa kapatid. Naroon pa rin siya sa ospital, sugatan, nanghihina at may trauma. Samantalang ang kasintahan ay nananatiling walang malay.

“Imposible ‘yang sinasabi mo Honey, nakakulong na si Danny, hindi ka na niya maaaring padalhan ng mga ganoong bagay.”

“Pero bakit ganoon? Bakit gustong magulo ng kung sino mang taong iyon ang buhay ko? I’ve been through so many things in life, ang pagkamatay nina Lola at Ate Sarah, bakit kailangan pang dagdagan?” lumuluha niyang sabi.

“Bakit kasi ayaw mo pang ipaalam ang nangyayari sa’yo kay mama?”

“No Ate, please, ayaw ko nang dagdagan ang problema niya. Kaya nga isinekreto natin ito kay mama nang bumalik siya rito sa bansa para sa burol at libing nila Ate, ngayon pa ba natin ipapaalam? Okay na ‘yung wala na siyang aalalahanin.”

“Pero kasi dapat alam niya di ba na may stalker ka?”

“Ate please, okay na ang buhay ni mama sa America, hayaan na natin ‘yung ganoon.”

“I can’t believe na naisikreto natin sa kanya ang problema mo.”

“And I can’t believe na nagbabalik ang stalker ko.”

Lumapit ulit sa kanya si Marjorie. “Sis, magpakatatag ka. Maaaring gawa lang ‘yan ng isang estudyante sa school. Alam mo na, stupid prank.”

“Hindi ko na alam ang iisipin ko sis.”

Maya-maya pa ay dumating na sina Randy kasama ang isang may mestisong lalake na nakasuot ng cap at jacket at isang maputing babae na curly ang buhok na may gold highlight na hanggang likod at nakabestidang bulaklakin.

“Bakit ka na naman umiiyak?” nababahalang tanong ng lalakeng si Alvin. Siya ay pinsan ni Randy na nagtransfer mula sa ibang school at nag-aral sa kanilang unibersidad. Mabilis na naging close siya sa grupo ni Hannah.

“Hindi ninyo ba napansin ‘yung mga nasa sahig sa may labas ng pinto?” si Marjorie na ang sumingit.

“Oh my God sis! You’ve been stalked again????” hindi makapaniwalang bulalas ng babaeng si Lara. Siya ang isa rin sa matalik na kaibigan nina Hannah at Marjorie. Sa ibang bansa ito nag-aral noong mga panahong may stalker si Hannah.

“Wag mong sabihing kagagawan na naman ito ni Danny?” si Randy naman ang nagsalita.

“Hindi ko alam.”

“Honey, tatawag ako sa police station just to be sure okay?” sambit ni Nina. Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap sa kabilang linya ay parang gulat na gulat ang mukha nito at parang ayaw sabihin ang nalaman. “Honey, I found out something……”

Lahat sila ay nag-aabang sa sasabihin ng ate ni Hannah.

“Si Danny—– nakalabas na pala ng kulungan noong isang araw….”

Lahat sila ay napanganga sa pagkabigla.

Chapter 10: “A Tale of Two Stalkers”

“How could that be possible?” natanong ni Marjorie.

“Malamang nagpyansa ang mommy ni Daniel. Pero alam nating hindi pwedeng makalapit ang taon ‘yon, he should be at least 200meters aways from Hannah or else makukulong ulit ito.” Paliwanag ni Nina.

“Pero dapat pa rin siyang ipakulong dahil nagpapadala na naman siya ng kung anu-ano kay Hannah!” wika naman ni Lara.

“Yeah, we should talk to the police about this.”

Hindi na tumatanggap ng kahit ano si Hannah sa ospital, kahit na prutas lalo na kung ‘get well’ flowers. Inilipat na si Jake sa bagong kwarto dahil tila lumalala na ang kondisyon nito, samantalang si Hannah ay nagpapagaling na lang para makalabas na agad.

**************

Makalipas ang ilang araw ay nilisan na ni Hannah ang ospital, bagaman may mga sugat pa rin siyang hindi naghihilom ay maayos na siyang nakakapaglakad. Deactivated na rin ang account niya sa lahat ng social media account para makasigurado na wala ng makaalam ng kanyang personal na impormasyon.

“Mga sis, maaari n’yo ba akong samahan sa bahay ni Daniel?”

“No sis, we can just leave that to the police, sila na ang bahala sa kanya. And besides you can’t go near him.” Sabi ni Marjorie.

“Oo nga sis, delikado.” Segunda naman ni Lara.

“I just wanted to tlk to him.”

“But—–“

“Kung ayaw ninyo akong samahan, ako na lang.”

“We can’t do that. Hindi ka pwedeng mag-isa. Pero sige, kung ‘yun ang gusto mo.”

************

Nasa tapat na sila ng bahay ng mga Serrano, nang makita pa lamang si Hannah ni Mrs. Serrano ay kita na sa mukha nito ang galit.

“Anong ginagawa ninyo rito?! Pagkatapos ng ginawa naming kabutihan sa inyo, ganoon pa ang ginawa ninyo sa anak ko?!” tanong nito na hindi pinagbubuksan ang grilled gate.

“Gusto ko lang pong makausap si Danny!” sagot ni Hannah.

“At bakit? Para saan pa? You’ve destroyed his life. We all know that Danny’s not well, in fact, obsess siya sa’yo Hannah pero hindi masamang tao ang anak ko!!”

“Please Tita, I received another card from my stalker last week.”

“Oh anong kinalaman ng anak ko dun? You think siya ang nagpadala?”

“Uhmmm, o-opo.”

“That’s ridiculous. Magsilayas na nga kayo!”

“Tita, please!”

“No! At saka kung narito si Daniel, hindi ko siya ipapakausap sa inyo!”

“Kung nan’dyan??????? What do you mean Tita?”

“Simula nang lumabas si Daniel sa kulungan, hindi ko na siya nakita pa!”

“Paanong—-“

“Hindi ko na siya nacocontact. Nagsarili na yata siya. Kaya kung kayo may problema sa kanya, lalo na ako! Nag-aalala na ako sa kanya kaya please get the heck out of here!”

Umalis na agad ang tatlo na may kaguluhan samga isip.

“Nagsasabi kaya ng totoo si Tita Luz o baka itinatago na n’ya talaga si Danny?” natanong ni Marjorie.

“Hindi natin alam. Pero sa mukha niya, parang totoo ang sinasabi niya.” Wika naman ni Lara. “Gosh, bakit ba kasi naging friend ninyo ‘yung Danny na ‘yon.” Dugtong pa nito.

“Sis Lara, hindi namin naging friend ‘yun, assuming much lang.” sagot ni Marjorie.

“So nasaan na kaya si Danny ngayon?” nababahala nilang tanong.

***********

Sa isang lihim na lugar ay nakatayo ang isang tao, nakasuot ito ng black hoodie, pants at gloves. Sa buong dingding ng kwarto ay naroon ang mga nakaw na larawan ni Hannah o galing sa social media. Sa pinakagitnang dingding ay naroon din ang tig-iisang larawan nila Nina, Randy, Lara, Alvin, Marjorie, Danny at maging ang kay Angela. Sinulatan niya ng pulang marker na ekis ng taong iyon ang mukha ni Danny kasabay ang pagtusok ng thumbtacks sa mata nito.

Kinuha niya ang isang maliit na kahon na kulay pula at nilagyan ng mga patay na insekto. May card din na kasama na ang mga letra ay dinikit na mga letra mula sa mga magazines,”The time will come and you’ll be mine Hannah. –M.D.”

************

“Mag-eenroll ka ba for next year sis?” tanong ni Lara kay Hannah. Nasa labas sila ng bahay ng mga Lorilla at hinihintay si Marjorie para gumala. Naisipan nilang isa iyon sa mga paraan para makapag-unwind at marelease ang stress na nararamdaman.

“I don’t know, should I?”

“Of course you should. No one can stop you from achieving your dreams,even your freakin’ stalker.”

“I know, but lahat ng nangyayari sa akin, it’s hard to take in. I’m so overwhelmed.”

“Don’t be. Matatapos din ang lahat.”

Naiiyak na naman si Hannah subalit pinipigilan niya. Ayaw na niyang magpatalo sa lungkot at sa pangamba na kahit anong oras, maaaaring manggulat na naman ang stalker niya.

At tulad nga ng inaasahan, may deliveryman na naman na dumating sa bahay nila, “Excuse me po, padala para kay Ms. Hannah Jane Lorilla.”

Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan. “Yeah, that’s me.”

“Hindi namin tatanggapin ‘yan. Ibalik ninyo ‘yan.” Sagot ni Lara.

“P-pero—-“

“Alis na!” tumaas na ang boses ng kaibigan ni Hannah kaya walang nagawa ang delivery man kung hindi umalis na lang.

“See? Another gift from your stalker.”

“I’ve had enough sis, that’s too much.”

Ilang sandali pa ay may dumating na naman na delivery man, pero galing sa ibang courier company. Tulad ng nauna ay hinahanap si Hannah at may padala na naman dito.

“We don’t need that. Ibalik ‘yan!” galit na sabi ni Lara.

“Natatandaan kita, di ba ikaw ‘yung laman ng mga balita dati na may stalker?” tanong ng delivery man.

“Why don’t you shut your mouth and go?!”

Napaiyak na si Hannah kaya pumasok na sila sa loob ng bahay. Hindi na niya alam ang gagawin. Kinausap niya ang ate niya na kung maaari sa America na pumunta at doon na lang ipagpatuloy ang pag-aaral.

“Pwede naman ‘yan para ligtas ka na rito pero ano ang irarason mo kay mommy?” tanong ni Nina.

“Bahala na. Hindi naman ako makikitira roon sa bago niyang pamilya, naroon naman sina Tita Grace sa New Jersey. Doon na lang siguro.”

“Sige, sige, pag-iisipan ko ‘yan.”

Sa labas ng bahay nila, sa may di kalayuan ay naroon nakatayo ang isang lalake na payat ang pangangatawan, inaabangan ang paglabas muli ni Hannah. May pasa ito sa mukha at may namumugto ang mga mata. Ang buhok nito ay hindi pantay ang gupit at may bahagi na napanot. Mahaba na rin ang bigote at balbas nito. May mga sugat din ito sa braso at binti at ang tanging suot lamang ay maruming Tshirt, butas na shorts at sirang sapatos.

“I told you. Hindi niya tatanggapin ang binigay mo.” Sabi ng isang tao na nasa likuran niya.

Lumingon ang sinabihan noon at malungkot na sumakay ng isang itim na kotse.

“Please get over her, Danny.” Sabi ng taong iyon at sumunod nang sumakay.

Chapter 11: “Dr. Know”

Nakasimangot si Marjorie nang lumabas ng kanilang bahay. Paano kasi ay tumawag si Randy na hindi siya nito masusundo papunta kina Hannah dahil may lakad ito. Wala siyang nagawa kung hindi maglakad na lamang dahil ilang kanto lang ang layo ng kanilang bahay sa mga Lorilla. May pagkasubdivision-type ang lugar nila kaya walang pampasaherong mga sasakyan ang dumaraan. Kailangan mo pang magpahatid sa may labasan para makasakay.

Habang naglalakad siya ay may napansin ito mula sa kabilang kalsada. Sa likod ng isang puno ay may nakasilip na tao pero hindi niya makita kung sino at kung tinitingnan ba siya nito. Nagpatuloy na lamang siya sa paglakad. Subalit napansin niyang sinusundan siya ng taong iyon! Nagtatago lang ito sa mga likod ng puno, nakita niyang nakasuot ito ng itim na hoodie. Binilisan niya ang paglakad at kinuha ang cellphone para tawagan na si Hannah, subalit dahil sa takot ay nanginginig na ang kamay niya at hindi mapindot ang dial button. Kapag minamalas nga naman ay wala pang tao sa paligid. Sisigaw na sana siya nang sunggaban agad siya ng taong iyon at matumba sila sa malagong damuhan sa gilid.

**************

“Sis, anong oras na wala pa rin si Marjorie, talaga bang late ‘yun sa mga lakad?” tanong ni Lara habang naghihintay sa may pintuan.

“Tinawagan ko na, out of coverage naman.”

“Hay naku, nasaan kaya ‘yung babaeng ‘yun? Call Randy, baka magkasama ‘yung dalawa.”

“Siya na rin. Eh hindi naman niya kasama.”

“Where could that girl be?”

***************

Kagagaling lang ng isang kilalang child psychiatrist na si Dr. Alfred Jimenez mula sa ibang bansa dahil katatapos pa lamang ng bakasyon nito. Kaagad na tinungo niya ang kwarto para makapagpahinga samantalang si Mary Kate ay naroon lamang sa sala at nanood agad ng telebisyon. Papikit n asana ang mga mata niya nang marinig ang balita sa telebisyon.isang pangalan ang nakakuha ng atensyon niya. Napabangon siya at pumunta sa sala para tingnan ang ibinabalita ng local news. Napakunot ang noo ng duktorat napasalita, “Really????”
Napatingin sa kanya ang bata, “Kilala mo po?”

“I think dapat magiging pasyente ko siya dati pero tinanggihan niyang dumaan sa mga psychiatric tests. Akala ko pa naman magaling na siya, hindi pa pala.” Sagot nito. Napailing siya ng ulo, “Kawawang bata, bakit kailangan pang maging stalker ng magiging pasyente ko rin sana?”

“Bakit lahat ng napapabalita, nagiging pasyente mo?” natatawang tanong ni Kat.

“You know Kat, hindi mo alam na halos lahat ng mga bata ngayon ay may problema sa loob ng pamilya, it’s just the matter na ‘yung ibang pamilya has the courage to consult their children to me. ‘Yung iba lalo na ‘yung mga walang kaya sa buhay, hindi nila pinapansin ‘yun, they just ignored it. Ang hindi nila alam, may epekto ito paglaki nila at tingnan mo ang nangyari. Katulad ng dalawang taong ‘yan. They refused to be treated.”

“Sa dami ng nagiging pasyente mo, natatandaan mo pa?”

“Oo naman, clients and potential clients, I know all of them, it’s part of my job as a psychiatrist. Alam mo Kat, kahit anong tanggi mo sa isang bagay, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan. May mga sikreto na pilit mang itago, ang panahon na ang magdidikta kung kailan ito lalabas. Hindi kasi iniisip ng mga tao na hindi sagot ang paglilihim para malutas ang isang problema, ang nararapat gawin ay ang pagtanggap sa problema at paghanap ng paraan kung paano ito masosolusyunan.”

“Hindi ko po naintindihan ‘yung sinabi ninyo.”

Lumapit ito at hinaplos ang buhok, “Bata ka pa pero pag nagtagal, maiintindihan mo rin ang lahat. Walang perpektong tao, walang taong nagsabi na kahit minsan hindi sila nag-isip ng masama sa kapwa nila, hindi nagalit o namuhi. It’s just the matter of how they can cope with their problems and turn it to a more positive way.”

Nakatingin lang sa kanya si Mary Kate na labis ang pagtataka. Napangiti na lamang siya.

“Tutulungan mo din ba sila katulad dun sa ginawa mong pagtulong sa kaso nung babaeng pinatay?”

“I don’t know, maybe not, maybe yes. Pero I don’t think may maitutulong ako sa kasong ‘yan.” Wika nito at bumalik na sa kwarto para makapagpahinga.

**************

“I’m worried now. Hindi ko na talaga mareach si Sis, Sabi sa bahay nila, kanina pa umalis.” Sabi ni Hannah.

“I’m getting scared too.”

Ilang sandali pa ay nakatanggap ng text message sa isang unidentified number si Hannah, “You wanna play a game? It’s called, Finding Missing Friends.-M.D.” At isang MMS na larawan ni Marjorie na duguan.

Nabitiwan niya ang cellphone at napaluha bigla. Agad siyang nilapitan ni Lara at kinuha ang cellphone niya. “Oh my God sis…..”

“Dinamay na niya ang kaibigan ko….” Nasabi na lang ni Hannah.
Napaurong si Lara, “Po-posible kayang a-ako rin?”

“I’m so sorry Lara, huhuhuhu.”

“No, Hannah, I think I need to go back to the States immediately.” Sagot nito at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Nang araw din na iyon ay nagtungo si Hannah sa pulisya at ipinakita ang mensaheng natanggap niya. Sa kasamaang palad ay inactive na ang numero at hindi na rin malocate kung saan galing ang text na iyon. Sinimulan agad ang paghahanap kay Marjorie.

***************

Malaki ang ngiti sa mga labi ng taong iyon habang nakaupo at pinagmamasdan ang hindi gumagalaw na katawan ni Marjorie. Marumi ang mga damit nito at duguan. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalakeng may hawak na isang tasang kape. Nabigla ito at nabitawan ang hawak nang makita ang nakahandusay sa sahig.

“A-anong ginawa mo? Si- si Marjorie ‘yan!”

Umikot ang swivel chair na inuupan at humarap kay Daniel. “May reklamo ka?” tanong nito.

“No! No! No! This is not what I want! You shouldn’t have done this! This is too much!” umiiyak na bulalas nito at napaupo na lamang sa kama.

“Come on Daniel, I’m doing you a favor. Dapat ka ngang magpasalamat sa akin dahil inalis ko na ang kontrabida sa buhay ninyo ni Hannah.”

“Pe-pero—-“

“Walang pero-pero! Nangyari na. Kaya ang dapat mo na lang gawin ay mag-isip ng paraan para makuha si Hannah. You’re the planner, I’m the executor.”

“No, this is not what I intend to. I don’t want to go to jail again.”

“You won’t be, basta wag ka nang magpapahuli.”

Tumayo ang taong nakahoodie at naglakad palabas ng kwarto samantalang iniwan nito si Danny sa loob na nakatitig sa nakahandusay na si Marjorie.

Chapter 12: “The Maria Lara Mateo Shuffle”

“I need to go, I need to go.” Paulit-ulit na sinasabi ni Lara habang bitbit ang maleta palabas ng kanilang bahay. Pasakay n asana siya ng van nang salubungin siya ni Alvin.

“What are you doing here?” naiinis na tanong niya.

“Nakatanggap ako ng tawag mula kay Hannah. She said you’re going to leaveafter what happened.”

“Of course, I need to leave, maybe you should also. Delikado ang buhay natin dito! Look what happened to Marjorie!”

“I know that.” Sabi ni Alvin at hinalikan siya sa labi. Agad naman siyang tinulak ng babae, “Stop that!”

“What? Alam ko namang gusto mo rin!”

“Hell no! Alam mo namang iba ang gusto ko.”

“Well, well, well, may girlfriend na ang pinsan ko kaya imposible na ‘yan.”

“I know, but. Does he already know?”

“Oo, balisang balisa nga eh, hindi alam ang gagawin. Nagwawala kanina nang malaman ang nangyari kay Marj.”

“He should be. Do you think Marj is already dead?”

“Ewan pero base sa litrato na pinadala ng stalker ni Hannah, oo.”

Napangiti si Lara. Napansin naman ito ni Alvin. “You looked happy.”

Pero hindi sumagot si Lara.

“So bakit aalis ka pa, eh tingnan moa ng nangyayari kay Randy. This is your chance.”

“Pero ayaw kong ipagsapalaran ‘yon. Maaaring sa mga oras na ito ay pinagmamasdan na tayo ng killer.”

“Pwede pero hindi ako natatakot.”

“Dahil????”

“Wala.” Ito lang ang sagot ni Alvin at nagpakita ng makahulugang ngiti.

“Okay, I’ll be going now.” Sabi nito at sumakay na ng van. Naiwan doon na nakatayo si Alvin. Hindi nito napansin ang pagsunod ng isang kotse sa van na sinasakyan ni Lara.

***********

“Mam, sandali lang po. Magc.c.r. lang ako.” Sabi ng driver at huminto sila sa gilid ng isang gasoline station.

“Sige manong, dalian mo lang huh.”

Huminto ang van sa likuran niya, bumaba ang isang taong nakahoodie. Habang abala si Lara sa pagtetext ay hindi nito napansin sa labas ang taong nakahoodie. Kaagad nitong nabuksan ang hindi nakalock na pinto at pumasok sa loob. Saglit na umuga ang van at inilabas niya ang walang malay na si Lara. Nagmamadali niya itong binuhat at isinakay sa kotse.

************

Masakit pa ang ulo ni Lara nang magising. Nasa loob siya ng isang kwarto na punung puno ng larawan ni Hannah. Hindi siya makagalaw dahil nakagapos ang kanyang mga kamay at paa. Sa kabilang dulo ay naroon ang wala pa ring malay na si Marjorie.

“Tuloooonnnngggg!!!!!” malakas niyang pagsigaw. Umiiyak na siya dahil sa takot. Pilit niyang iginagalaw ang sarili subalit hindi siya makawala sa mahigpit na pagkakatali sa kamay at paa niya. Dumapa siya at kahit hirap ay ginawa niyang makagapang kahit unti-unti papunta kay Marjorie.

Ilang saglit pa ay may pumasok na lalake.

“Walang hiya ka Danny!” galit na sabi ni Lara. “What did I ever do to you? Wala akong kinalaman dito! Bakit kailangan mo akong idamay?!”

Hindi agad nakapagsalita. Halatang takot na takot ito. “No, no, no, I did not do this to you. I’m so sorry. Hindi ito kasama sa plano!”

“What the f*** are you talking about? You did this to us you freakin’ psycho! Pakawalan mo ako rito!”

“No, no. I’m so sorry.”

“Pag ako nakawala rito, I’m going to make sure you’ll be rotten in jail this time!”

“No, please, please, please. Don’t do that. All I want is Hannah.”

“Wala akong pakialam sa gusto mo! Kaya kalagan mo ako!!!!!!”

Agad na nilapitan siya ni Daniel at inalis ang tali sa kamay, isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Daniel. “I f***ing hate you!”

Nakatungo lang si Danny habang inaalis ang tali sap aa ni Lara.
“Bilisan mong h***p ka!”

Nang makawala na siya sa pagkakatali ay sinipa niya si Daniel sa sikmura. Natumba ito sa sahig at namilipit. Niyugyog niya si Marjorie subalit hindi ito nagigising pero alam niyang buhay pa ito subalit mahina lang ang paghinga mula sa pagkakasandal sa dingding. Tumakbo na siya sa pinto subalit nang bubuksan na niya ito ay sumalubong sa kanya ang isang taong nakahoodie. Kaagad siya nitong sinakal at itinulak. Tumilapon siya sa sahig. Pagkatapos noon ay pinagsisipa siya sa sikmura. Bagaman matindi na ang sakit na nararamdaman niya ay pilit siyang lumalaban sa taong iyon. Binuhat siya nito subalit wala siyang lakas para mapantayan ang bumibihag sa kanya. Iniupo siya nito sa isang silya at tinalian ng tape ang bibig, kamay at paa. Inilabas nito ang isang matalim na kutsilyo. Hiniwa niya ito sa mga braso ni Lara, sariwang dugo ang umagos mula rito. Naiyak siya sa sobrang hapdi.

Gusto mang malaman ni Lara kung sino ang taong iyon ay wala siyang ideya. Hindi niya makita ang hitsura nito, hindi pa rin niya naririnig itong magsalita.

“Don’t kill her please!” sigaw ni Daniel.

Lumapit ito sa kanya at sinuntok sa mukha. Hinila siya nito sa buhok at pilit na pinaupo sa kama.

“I’m so sorry, hindi na mauulit.Babantayan ko na sila. Hindi ko na papakawalan, promise.”

Pagkatapos noon ay nilagyan niya ng ekis ang mga mukha nina Marjorie at Lara bago lumabas ng kwarto.

**************

Labis na nag-aalala na si Hannah nang mabalitaan na pati si Lara ay nawawala na rin. Nagbigay na siya ng pahayag sa istasyon ng pulis. Gulung-gulo na ang isip niya sa mga nangyayari. Palabas na siya ng police station nang may salubungin siya.

“Oh my God! What are you doing here?”

“I’m okay now.”

“Thank God! Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka. Kailangan ko talaga ng suporta ngayon.” Sabi niya at mangiyak-ngiyak na niyakap ang boyfriend na si Jake.

“I’ve heard na pati ang kaibigan mong si Lara Mateo ay nawawala na rin.”

“Yes. Yes. Kagagawan ito lahat ng stalker ko!”

“Sssshhhh, don’t worry Babe, I’m here now. Hindi ko hahayaang may mangyari pa sa’yo.”

Sa kabilang kalsada, sa likod ng mga nakaparadang kotse ay naroon si Daniel, lumuluha na naman ito nang makitang magkayap sina Jake at Hannah.

Chapter 13: “Exes”

Inaantok na si Hannah dahil sa hapo at pagod na nararamdaman, sa mga bisig ng nobyo ay pakiramdam niya ay ligtas siya. Naroon na sila sa bahay ng mga Lorilla, sa kwarto ng babae. Hindi nagtagal ay nakatulog na si Hannah, dahan-dahang inihiga siya ni Jake. Naaawa na siya sa sinapit ng nobya. Bakit ba kasi hindi pa siya tinitigilan ng mga stalker niya?

Huli na kasi noong malaman niyang may problema ito dahil sa stalker. Inilihim ni Hannah ito sa kanya, pero naiintindihan niya. Imbes na galit ang maramdaman niya ay hindi kundi awa. Alalm niyang hirap na hirap na ang kalooban nito dahil sa mga nangyayari. May naalala siya, may hinala na siya kung sino ang stalker ni Hannah pero kailangan niyang makasigurado. Binuksan niya ang cellphone at nagtungo sa gallery. Sa isang hidden folder ay may mga litrato roon ng kanilang barkada noong kumpleto pa sila, noong sobrang saya nila, noong wala pang nagaganap na patayan. Ayaw niyang burahin ang mga ito dahil importante ang mga iyon para sa kanya. Biglang nangilid ang mga luha niya nang maalala ang mga ito. Ang pinakahuli ay picture niya kasama ang isang babae na kuha sa isang beach. Tanging board shorts lang ang suot niya samantalang ang babaeng yakap niya sa baywang ay nakaswim suit at magkahalikan sila. Sikreto ang bakasyong iyon. Hindi alam ni Hannah na may kasama siyang ibang babae noong mga panahong sila pa. Subalit lingid sa kaalaman ni Hannah na naging sila rin ng babaeng kasama niya sa litrato bagaman sa maikling panahon lang dahil tinapos na niya agad. Ayaw na niyang maging two timer. Lubos niyang pinagsisihan iyon. Alam niyang nagkamali siya.Hindi na niya ito sinabi sa nobya dahil natatakot siyang iwan nito. Mahal na mahal niya si Hannah. Alam niyang napakaswerte niya rito dahil siya ang napili nito kaya lubos niya iyong ipinagpasalamat.

Hindi alam ni Jake na nagising pala si Hannah at nakabangon na, kitang kita nito ang larawan sa wide screen ng cellphone niya. Nang lumingon siya ay nakita niyang umiiyak ang nobya. “Babe, gising ka na pala.” Hahawakan sana niya ang nobya subalit bumaba nito ng kama at lumayo sa kanya.

“Don’t touch me. Manloloko ka. Huhuhu.” Umiiyak na sabi niya.

“Babe, let me explain.”

“No! You lied to me! You fooled me! How could you do this to me after what I’ve done for you? Hinayaan kong masira ang pangalan ko dahil sa’yo, pinili kita kasi mahal kita pero ito pa ang igaganti mo sa akin? At sa babaeng ‘yan pa talaga????”

“No babe, please let me explain.”

“No!!!!!”

Humahagulhol na bumaba siya palabas ng bahay. Sumabay sa kanya ang kalungkutan ng langit. Bumuhos ang malakas na ulan ng gabing iyon. Hindi siya nahabol ni Jake sapagkat hindi pa ito makalakad ng maayos.Madilim na ang buong paligid. Pakiramdam niya ay mas masakit ang nalaman niya kaysa sa ginagawa ng stalker niya. Basang basa na siya ng ulan nang huminto at napasandal na lamang sa isang puno. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng mundo. ‘Yung taong akala niya ay magliligtas sa kanya ay siya palang mananakit sa kanya.

Nabigla siya nang may lalakeng huminto sa harap niya. Akala niya ay si Jake, “Jake, please, leave me alone.”

“I’m not Jake, it’s me Danny.”

Napatingin siya. Tatakbo n asana siya nang hawakan siya nito sa kamay. “Please Hannah, talk to me, promise, hindi kita sasaktan. Maniwala ka naman oh.”

Pero nagpupumilit pa rin si Hannah na makawala. “Please Hannah. I will tell you everything.”

“Why would I trust you? You’re my stalker.”

“Tulad ng sinasabi ko noon, I tried to send a gift once, the one with the chocolates only, ‘yung pinadala ko sa bata. But the one threatening you, it’s not me! Promise! I love you so much that I would not do that. I found out something noong nasa kulungan ako.”

“Ano ‘yun?”

“Kung gusto mong malaman, sumama ka sa akin.”

“No, why would I do that? Let’s talk sa isang public place.”

“Hindi ako pwede, oyu know na bawal akong lumapit sa’yo, kapag may nakakita at isumbong ako sa mga pulis, makukulong ulit ako.”

Nag-isip si Hannah, hindi niya alam kung dapat pa ba siyang magtiwala sa taong ito.

“Please Hannah just listen to me. I know who your stalker is.”

Sa sinabing iyon ni Daniel ay nakumbinsi siya nitong sumama sa kanya, bagaman nagdadalawang-isip siya ay napagtanto niya na gusto na rin niyang matapos ang lahat. Gusto na rin niyang mahuli ang tunay niyang stalker. Isinakay si Hannah sa isang kotse na nakaparada sa may di kalayuan. Samantalang nakita ni Jake ang buong pangyayari. Gusto man niyang pigilan si Hannah ay hindi niya magawa. Kahit na sumigaw siya ay hindi siya maririnig nito dahil talo ang boses niya ng malakas na ulan.Ang tanging nagawa na lamang niya ay pagmasadan ang kotse na unti-unting lumalayo.

**************

Dinala si Hannah sa isang apartment building malapit sa boundary ng Santa Cruz at San Ildefonso. May kalumaan na ang building subalit bakas sa istruktura nito na kahit nagdaan na ang maraming taon ay nananatili pa rin itong matatag. Pumasok sila sa isang kwarto na ang mayroon lang ay isang kwadradong mesa, dalawang upuan at isang malaking salamin sa gilid. Pinaupo siya ni Daniel sa isang silya.

“Sabihin mo na ang mga dapat kong malaman.”

Umupo naman si Daniel sa natitira pang silya sa harap niya. “Hannah, I love you so much, I know this is very hard for you. Ang gusto ko lang ay matulungan ka—-“

“Yes, I know that. So tell me. Tell me now, who’s my stalker!”

“Makinig ka muna sa akin Hannah. I know I’m not fine. I’m not okay. I’m so obsess to you that’s why I’m taking stolen shots of you and even made my entire wall only your pictures because I really admired you simula noon twelve years old pa lamang tayo—-“

“What the heck are you talking about?”

“Well, obviously you can’t remember but I can still recall everything that had happened the day when you and I were brought to the child psychiatrist.”

“Wala ako matandaan. Hindi ko ‘yan alam.”

“I understand that. Pero simula noong dalhin tayo roon ng mga magulang natin at nagkausap tayo ay iba na ang naramdaman ko sa’yo. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa’yo. Napag-alaman ko rin na magkalapit lang tayo ng tinitirhan kaya masaya ako noong malaman ko’yun. Napalayo lang ako sa’yo noong lumipat kami ng bahay pero nanatili kang nasa puso ko. At laking tuwa ko noong magkolehiyo ako ay parehong unibersidad lang pala tayo—-“

“Bakit ang dami mo pang paliguy-ligoy? Why don’t you just cut off to the chase?”

“No, Hannah, just listen to me first… Noong nasa kulungan ako, may nakilala akong lalake. Marami kaming napag-usapan tungkol sa buhay-buhay. I asked him kung bakit siya nakulong, he told me na napatay niya ang kaibigan niya. At may isa siyang taong nabanggit na sobrang pamilyar sa akin. At noon ngang dalawin siya ay kitang kita ko at hindi ako maaaring magkamali sa taong dumalaw sa kanya. He then told me ang dumalaw sa kanya ay ang dating niyang kasintahan na sinabing tutulungan daw siyang makalaya agad dahil maraming koneksyon ito sa court and police. And indeed, we were released the same date. So I told him to help me para—–para mapalapit sa’yo. Para makasama ka at makausap.”

Maraming nagflashback sa utak ni Hannah, lalong gumulo ang isip niya. “Hindeeee.. hindi ito maaari..”

“Hannah, inaamin ko na I’m sick, I have a mental disorder but I could control myself. I have done my own research sa’yo and I know you’re sick too. That’s why I’m hear to help.”

Biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang isang taong nakaitim na hoodie. Inangat nito ang ulo at nakita ni Hannah ang pamilyar na mukha.

“Hi ex, it’s me Jesse.” Nakangiti nitong sabi.

The Case of Hannah Jane Lorilla part 2

Chapter 4: “Her Lover”

“Could I have another stalker?” natanong ni Hannah.

“We still don’t know yet sis.” Sagot ni Marjorie.

Magkatabi sila sa loob ng classroom habang hinihintay dumating ang teacher sa unang subject.

“Gosh, what am I supposed to do? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung ibang stalker ito, maaari kasing tulad ng nauna ay man-threaten din it ito sa bandang huli at bigyan din ako ng kung anu-anong bagay.”

“Posible nga iyan sis.”

“Natatakot na akong masyado, pakiramdam ko kasi kahit saang lugar ako pumunta ay nanganagnib ang buhay ko. I’m not safe anymore. Do you think I need to go somewhere else?”

“What do you mean?”

“Magtratransfer na lang ako ng school, sa ibang lugar na lang ako titira.”

“What? At saan naman ‘yan?”

“Ewan, may townhouse naman kami sa San Alonzo, doon na lang siguro.”

“Di ba malayo ‘yun? No sis. Dito ka lang.”

“But—-“

“We will find your stalker. And besides, ayaw kong mawala ang best friend ko sa akin.”

“Hindi naman ako mawawala eh, lalayo lang ako.”

“Kahit pa!”

Ilang sandali pa ay nag-ring na ang bell at pumasok na si Mr. de Lima na teacher nila sa English. Habang nagtuturo ito ay panay ang sulyap kay Hannah. Napapansin naman ito ni Marjorie kaya nagtitigan ang magkaibigan. Pagkatapos magturo ay lumabas ang dalawa.

“What’s wrong with our teacher? Tingin ng tingin sa’yo.”

“Hindi ko nga rin alam eh. Hindi naman ganyan ‘yun dati si Sir, he’s creeping me out.”

Hindi sila nagmamalay na nasa likuran lang pala nila ang kanilang guro. Nabigla sila nang akbayan sila nito, “Hi girls! What are you talking about?”

“Ay si-sir, nand’yan po pala kayo. Nothing po.”

“Uhm, Ms. Ortiz, pwede ko ba munang makausap itong si Ms. Lorilla? May sasabihhin lang ako.”

Hindi alam ni Marjorie ang isasagot kaya napatango na lang ito at lumayo samantalang gumilid naman ang dalawa.

“Sir, ano pong sasabihin ninyo?”

“Napansin ko kasi na parang may iniisip ka. Bumaba rin ‘yung exam mo. Is there something wrong?”

“Na-naku Sir, wa-wala po. I’m okay, napuyat lang po ako siguro kagabi.”

“Ah okay, good to hear that you’re okay, next time wag magpupuyat, matulog ng maaga, if you need to talk to someone, I’m here.” Sabi nito at ibinigay ang calling card pagkatapos ay umalis na. Agad siyang nilapitan ni Marjorie.

“Anong sabi sa’yo?”

“About lang sa mababang grade ko sa exam noong nakaraan sa subject n’ya tapos ibinigay itong calling card n’ya.”

“Hmmmm, may kakaiba kay sir, hindi kaya may gusto sa’yo ‘yun?”

“I hope wala.”

“Hay naku sis! Sobrang ganda mo kasi! Ayan tuloy mainit ka sa mata ng mga lalake.” Pabirong sabi ng kaibigan.

Nasa library sila at nagreresearch nang tabihan sila ni Daniel. “Hi friends! Anong ginagawa ninyo?” tanong nito.

“Can’t you see we’re having a research?” sagot ni Marjorie.

“Uhm, Danny, what do you need?”

“Itatanong ko lang sana kung nakita n’yo si Randy.”

“Hindi eh. Saka Danny, lagi ka na lang nakabuntot sa boyfriend ko. Para siyang may side kick.”

“Eh what’s wrong with that?”

“To be honest Danny boy, everything’s wrong with that. Para ka na tuloy asong sunud ng sunod dun sa tao.” Naiinis na sabi ni Marjorie.

“Heto namang si Marj, ang harsh. Hindi nakakatuwa ‘yung joke mo ah.”

“Do I looked like I’m joking?” wika nito habang nakaismid.

“Oh well, sabay ako mamaya sa inyo pag-uwi huh, hanapin ko lang si Randy.” Wika nito t lumabas na ng library.

“Oh dear, I really don’t like his guts. Eh ikaw ba Hannah?”

“Hindi naman, he’s kind nga eh.”

“Anong kind? He’s such a retard! Akala n’ya talaga nagbibiro ako sa mga sinasabi ko sa kanya. Sabihan ko nga ‘yang si Randy na lumayo na sa taong ‘yun. Naku Hannah, lumayo ka dun ha, feeling ko may binabalak na masama ‘yun sa’yo.”

“Hindi naman siguro.”

“Hay naku bahala ka, sinasabi ko sa’yo.”

Nagkibit-balikat na lang siya at nagpatuloy na sa ginagawa.

Pagkatapos ng klase ay agad na lumabas sila ng campus, subalit nakaabang pala si Daniel sa may gate ng unibersidad kaya hindi rin nila ito naiwasan. “Girls, uuwi na baa gad kayo?”

“Ah oo Danny. May gagawin pa kasi kami.” Sagot ni Marjorie.

“Sayang naman. Kain muna tayo sa labas! Nasa Santa Cruz pala si Randy kaya wala siya ngayon. May inaasikaso lang.”

“Oo Danny, alam namin ‘yan.”

“Bakit hindi n’yo naman agad sinabi sa akin. Kanina ko lang nalaman nung tinawagan ko na.”

“Sinabihan ko kasi ‘yun.”

“Sinabihan na ano?”

“Wala.” Sambit nito at hinila si Hannah palayo.

“Hey girls! Kain muna tayo oh!”

“Busy much kami Danny!” sigaw ni Marjorie. Napakamot na lang ulit ng ulo si Daniel.

***************

Sa isang bahay ay matatagpuan ang isang basement. Nakadikit sa dingding ang mga larawan ni Hannah, kuha sa iba’t ibang bahagi ng school. Mapapansin sa mga larawan na stolen ang lahat ng mga ito. Sa harap ng mga ito ay nakatayo ang isang taong naksuot ng itim na hoodie, hawak ang isa pang nadagdag na larawang kuha niya kanina lang.

“Mahal na mahal kita Hannah. Sana ako na lang.”

Chapter 5: “Kontrabida Something”

Tahimik na nakaupo si Hannah sa isang bench malapit sa fountain sa kanilang school nang lapitan siya ni Angela.

“Hi Hannah!” wika nito at tumabi sa kanya.

Sa una ay nagulat si Hannah pero ngumiti rin.

“Well, kumusta naman ang Campus Queen?”

Hindi nagsalita si Hannah bagkus ay ngumiti na lang ulit. “You know what Hannah girl, you’re beautiful, you’re smart but I don’t think you’re a winner. Mali ang mga judges na ikaw ang pinili bilang Campus Queen. It should have been me. I’m a lot smarter than you.”

“Well Angela, ‘yun ang decision nila, it couldn’t be altered.”

“That’s because kakilala mo ang isa sa kanila, malamang ikaw ang papaboran.”

“As far as I know, being bias is not allowed in a competition. Why can’t you just accept the fact that you lost?”

“How dare you! May araw ka rin! Hahanapan kita ng butas!” sabi nito at galit na umalis. Dumating naman si Marjorie.

“What’s wrong with her?”

“Ewan ko ba kay Angela. Bitter pa rin sa pagkatalo niya sa pageant.”

“Ganun talaga. Masyado lang siyang nag-expect na siya ang mananalo. Obvious naman na mas maganda ang sagot mo sa question-and-answer portion at ikaw ang crowd favorite.”

“Huwag na nating isipin ‘yan, may mas malala pang problema eh.”

“Hannah,may naisip ako, habang iniisip ko kasi kung sino ang posibleng maging stalker mo ay naalala ko si Sir de Lima.”

“So ano naman ang kinalaman niya?”

“Di ba ang pangalan niya ay Marlon? Marlon de Lima. Initials n’ya ay M.D. na siya ring name ng stalker mo. Malamang hindi niya masabi sa’yo na gusto ka niya kaya idinadaan niya sa pasikreto.”

“Bakit naman gagawin’yun ni Sir?”

“Eh di ba nga bawal magkarelasyon ang teacher at estudyante? Eskandalo kaya ‘yun!”

“Posible ‘yan pero wala tayong ebidensya.”

“’Yan ang kailangan natin.”

************

Kinabukasan ay ipinatawag si Hannah sa student council room. Nadatnan niyang naroon ang mga committee at organizer ng pageant.

“Well, Ms. Lorilla, maupo ka.” Sabi ng president ng committee.

Naupo naman si Hannah subalit nagtataka siya kung bakit siya ipinatawag.

“May nakarating na reklamo sa amin laban sa’yo. Ayon kasi sa kanya, hindi ka na maaaring maging Campus Queen dahil may nilabag kang rules ng nasabing pageant.”

“A-ano po ‘yun?”

“Naorient naman kayo di ba? Ayon sa number 7 ng rules, the winner of the pageant must not be involved in any activity or other circumstances that will affect her representation as being the model and Campus Queen.”

“Eh ano pong ginawa ko?”

“Ms. Lorilla, hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na naging boyfriend mo ang suspect sa pagpatay sa isa ring dating Campus Queen.”

“What’s wrong with that? He’s just a suspect, hindi siya ang pumatay kay Andrea di ba?”

“Kasiraan kasi ang ginawa mo, that’s an issue Ms. Lorilla, hindi pa tapos ang term mo, wala kaming magagawa kung hindi idethrone ka at ipasa ang korona sa first runner-up na si Ms. Angela Crisanto.”

“You know what, forget it, maybe I really don’t deserve that crown. I’d rather choose him than my stupid crown. Ayaw ko lang na masama pa rin ang tingin ng tao kay Jake.” Wika nito at lumabas na ng room na iyon. Sa labas ay nakasalubong niya si Angela, malaki ang ngiti nito sa mga labi.

“Congarts Angela.” Sabi niya at umalis na.

***********

“Whaaaaatttttt? You gave up your crown ng ganun-ganun na lamang? Hindi mo ipinaglaban?!” gulat na sabi ni Marjorie nang magkita sila sa cafeteria ng school. Kalat na sa buong unibersidad ang pagkakadethrone kay Hannah.

“Hayaan mo na sila sis, hindi ko naman kailangan ‘yun. Mas okay na ako na walang title kaysa naman magrepresent ng mga taong mapanghusga sa kapwa. Mas bagay si Angela as Campus Queen.”

“What are you saying?!Halika, sasamahan kita sa committee, ipaglalaban natin ang right mo.”

“Sis, no need, saka ibinalik ko na sa kanila ang crown. I don’t need that.”

“Ah okay, pero sayang naman kasi.”

“It’sokay nga lang eh.”

“Sige tayo na nga lang, ikain na lang natin ‘yan sa labas. Bilis na, baka hinihintay na tayo ni Randy.”

**************

“Hon, daan lang muna tayo kina Dan huh, may kukunin lang ako.” Sabi ni Randy nang makasakay na ang dalawa sa kotse nito.

“What? Di ba sabi ko huwag ka nang makipagclose doon sa creepy guy na ‘yon.”

“Hon, he’s my friend, saka ano namang creepy sa kanya?”

“Basta I don’t like him.”

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa harap ng bahay ni Daniel. Nagbusina na sila subalit walang lumalabas. Inulit ni Randy ang pagbusina subalit wala pa rin.

“Hon, you can just call him.”

“Hindi ko nga nacocontact kaninang umaga pa kaya pinuntahan ko na lang dito.”

Ilang sandali pa ay may lumabas na may edad na babae. Bumaba si Randy at nilapitan ito.

“Hi Tita! Si Danny po nand’yan?”

“Ah wala, lumabas, may inaasikaso raw eh.”

“Saan po kaya pumunta?”

“Hindi ko nga alam eh, akala ko nga papasok sa school ngayong hapon pero nagbilin nga pala siya.”

Pumasok ulit ito ng bahay at ilang segundo lang ay lumabas muli dala ang ibibigay kay Randy.

“Oh ‘yan na ‘yung mga notes.”

“Salamat po Tita!” wika nito at sumakay na ng kotse.

“Ano ba ‘yang mga notes na ‘yan?”

“Notes sa Biology class, hiniram ko kay Danny, ipapaphotocopy ko lang. Wala ako di ba noong pumunta ako sa Santa Cruz.”

Habang nagbibyahe sila ay napadaan sila sa harap ng isang flowershop. Nakita nilang palabas doon si Daniel, may dala itong bouquet ng rosas. Bubusinahan sana ito ni Randy subalit pinigilan ito ni Marjorie kaya dumiretso na lang sila.

“Para saan kaya nag mga rosas na iyon?” natanong ni Marjorie.

Nagkatinginan silang tatlo.

Chapter 6: “Danny”

“How could we be so stupid not knowing that your stalker is just around the corner? At barkada pa nitong si Randy!” nasabi ni Marjorie. Nasa coffee shop sila noon at nagmemeryenda.

“Relax Sis, we still don’t know yet.”

“Oo nga naman Hon, I know Danny for a some time, I don’t think gagawin niya iyon dito kay Hannah.”

“Well, ilang years mo na ba siyang kilala? Sa pagkakaalam ko a year pa lang.”

“That’s right pero I know most of his life story.”

“Of course, you said MOST. Not ALL. May sikreto pa ring tinatago ‘yang barkada mo.” Sabi ni Marjorie bago sumubo ng isang piraso ng cake na inorder.

“Fair enough pero I don’t think magagawa niya iyon.”

“So do you know his full name?”

“Daniel Rimo Serrano.”

“So have you asked him how many girlfriends he had? And is he in love right now?”

Hindi agad nakasagot si Randy, napaisip muna ito. “Well, he had his first girlfriend when he was in second year high school, the next one was when he was a senior and then… in love? I don’t know.”

“See? You don’t know. Kasi nga he’s a stalker of Hannah.”

“Think of it. Bakit naman niya kjailangan pang i-stalk si Hannah kung magkakilala naman, he could just tell her.”

“’Yun na nga ang point, he doesn’t have the courage to tell Hannah kaya idinaan niya sa cards and flowers. Malamang natatakot ‘yung mareject.”

Tahimik lang si Hannah habang pinakikinggan ang pagtatalo ng magkasintahan. Sa huli ay napagdesisyunan nilang puntahan si Daniel sa bahay nito.

*************

Malawak ang loob ng bahay nila Daniel, maraming nakasabit na paintings sa dingding. May mga tropeo rin itongnakadisplay at mga medals. Nakaupo sila sa sala. Sa maliit na mesa sa may di kalayuan sa kanila ay nakapatong ang isang bouquet ng mga puting rosas.

“Ibabalik ko lang sana itong notes na hiniram ko.” Wika ni Randy.

“Naku, dito na kayo magsnack, sinabihan ko si Ma na maghanda ng spaghetti at juice.”

“No, she doesn’t need to do that, busog na kami, kagagaling lang namin sa coffee shop.” Sagot ni Hannah.

“No, I insist, you should eat, masarap si Ma na gumawa ng spaghetti!” masayang sabi ni Daniel.

“Uhm, Danny, hindi naming alam, magaling ka pala sa chess. Ang dami mong medals.” Puri ni Marjorie pero halata sa boses nito na gusto lang nitong magkaroon ng conversation.

“Ah oo, d’yan nga lang ako nagchachampoin eh.”

“Well…… good… good for you.”

Hindi na mapakali si Marjorie kaya nagsalita na naman ito, “Uhm Danny, nakita ka namin kanina palabas ng flo—- ouch!“ napahinto ito ng kurutin ni Hannah sa tagiliran. “Sis, ano ba, we need to know.”

“This is not the right time.” Sagot ni Hannah.

“Anyways, nakita ka namin kanina palabas ng flower shop na may dalang mga rosas, para kanino ang mga ‘yun?”

“Uhmmmm, may pagbibigyan lang ako n’yan mamaya.”

“Sino? Itong si Hannah ba?”

“Ah naku hindi. Hahahaha, pero pwede rin.”

Pinandilatan ni Hannah si Marjorie, telling her na tumigil na sa pagtatanong.

“Ahh, Danny, aalis na kami, may gagawin pa kasi ako.” Wika ni Hannah at tumayo na. Ganoon din ang ginawa ng dalawa pang kasama.
“Agad? Wait, hindi pa ninyo natitikman ‘yung luto.”

“Ah eh, sa sunod na lang. Sorry, pasabi na lang kay Tita na aalis na kami.” Sabi nito habang palabas na ng bahay.

“Ah okay sige, sayang naman. Ingat kayo ah!”

Nagmamadali na silang lumabas ng gate at sumakay ng kotse. “Sis, why did you do that?”

“What? Tinanong ko lang naman siya. May pagbibigyan daw siya. Hindi siya sinabi pero nabanggit n’ya na pwede ka n’yang pagbigyan.”

“It doesn’t mean na siya ‘yung stalker ko. I got nervous sa tanong mo kanina. Kung hindi pa ba naman siya mapaisip na siya ang pinaghihinalaan natin na stalker n’ya.”

Tahimik lang si Randy. Halatang napapaisip din ito.

“Ano hon? Naniniwala ka na, na maaaring ‘yung friend moa ng stalker nitong si Hannah?”

“Well, I have a plan.”

Ipinarada ni Randy ang sasakyan sa isang kanto malapit sa bahay ni Daniel. Aabangan nila ang paglabas nito at susundan. May posibilidad na magtungo ito sa school, pagabi na at wala nang masyadong estudyante sa campus. Mag-iisang oras din silang nag-abang nang makita na nilang lumabas si Daniel, hawak nito ang mga puting rosas. Sumakay ito sa kanyang scooter at inipit nag dulong hawakan ng bouquet sa pagitan ng dalawang hita para hindi mahulog. Pinaandar na nito ang motor at mabilis na pinatakbo. Kaagad naman nilang sinundan si Daniel. Akala nila ay sa school ito hihinto subalit lumampas ito, nagtaka ang tatlo kaya sinundan pa nilang muli, medyo malayo ang agwat nila para hindi mapansin ang kotse ni Randy.

Nakarating sila sa isang sementeryo. Sa may di kalayuan sila nagmasid. Naglakad si Daniel sa pagitan ng mga lapida na nasa ibabaw ng lupa na may carpet. Huminto ito sa isang lapida at lumuhod, dito nito ipinatong ang mga rosas. Makalipas ang ilang minuto ay umalis na ito.

“Sino naman kaya ang dinalaw no’n?” natanong ni Marjorie.

Kaagad naman nilang pinuntahan ang puntod. “Amelia Jerez.” Mahinang sabi ni Hannah.

“Sino kaya siya sa buhay ni Danny?”

***********

Kinabukasan ay araw ng Sabado kaya niyaya ni Randy si Daniel para maglaro ng basketball samantalang sina Hannah at Marjorie naman ay bumalik sa bahay nila Daniel, tanging ang mommy lang nito ang makakasagot kung sino si Amelia Jerez.

Pagkababa nila sa tapat ng bahay ay siya namang pagbaba rin ni Jake sa kotse nito. Kaagad na hinalikan niya si Hannah sa pisngi.

“Oh Jake, nakabalik ka na pala.” Bati ni Marjorie.

“Oo nga eh. Naging busy lang dahil I need to justify sa korte.”

Medyo natahimik ang dalawa, “Okay tawagin na natin si Tita.”

Pagbasag sa katahimikan ni Hannah.
Ang doorbell ng bahay ay nasa gate kaya madali nilang natawag si Mrs. Serrano. Kaagad naman sila nitong pinapasok.

“Oh, napasyal yata kayo, pero wala rito si Daniel eh, magbabasketball kasama ‘yung isa ninyong kaibigan, hindi ba niya nasabi sa inyo?” tanong nito habang naglalagay ng juice sa mga baso.

“Ah eh, Tita, hindi mo si Danny ang ipinunta naming dito, kung hindi po tungkol kay Danny.”

“Oh, ano naman ‘yon?”

Sa una ay nag-aalangan si Hannah na magtanong, natatakot siya sa magiging reaksyon ni Mrs. Serrano. “Uhmmmm, sino po si Amelia Jerez sa buhay niya?”

Saglit na natigilan si Mrs. Serrano, napasandal sa upuan at tumingala. “Bakit, gusto ninyong malaman?”

Walang maisip na dahilan si Hannah, sa pagsisinungaling ay hindi siya magaling kaya si Marjorie na ang sumagot, “Ah kasi po nabanggit niya iyon,nacurious po kami, eh ayaw niyang sabihin kaya sa inyo po kami pumunta, may something…. Something.. uhmm.. dare po kasi.”

“At ano naman ‘yun?”

“Sige na po Tita, sabihin n’yo na.”

“Siya kasi ang tunay na ina ni Daniel.”
Nagulat ang dalawa samantalang si Jake ay naroon lang, walang reaksyon at wala ring ideya sa kung ano ang nangyayari. Ang sinabi lang kasi ni Hannah ay mapasama ito sa isang kaibigan.

“A-ano pong ibig n’yong sabihin?”

“Adopted son ko si Daniel, matalik na kaibigan ko ang nanay niyang si Amelia. Iniwan siya nang nakabuntis sa kanya kaya ako na lang ang nag-ampon, the same time na nalaman namin na may breast cancer pala siya. Eh maagang namatay ang asawa ko kaya hindi na kami nabibiyayaan ng anak, wala rin naman ako planong mag-asawa muli kaya perfect si Daniel para sa akin.”

Hindi sila makapaniwala sa rebelasyong inilahad ni Mrs. Serrano, may kinuha itong photo album sa ilalim ng mini table sa sala, may ipinakita silang litrato ni Daniel noong isang taong gulang pa lamang ito. May nakasabit na name tag dito, nagbigla sila sa nabasa.”

“Ito po ba ang pangalan ni Danny?”
“Oo, ‘yan sana, binago ko lang para idedicate sa namayapa kong asawa.”
Pagkatapos ng mga nalaman nila ay nagpaalam na sila.

“Basta Tita, don’t tell Danny about this, okay?” sabi ni Marjorie.

Tumango si Mrs. Serrano at inihatid na sila sa labas.

“Babe, pinapatawag ako ulit sa police station, hindi ko alam kung ano na naman ang kailangan nila sa akin kaya pupunta ako. Sorry.” Wika nito at nagmamadali nang sumakay ng kotse.

“Gosh, your boyfriend is so…. so busy.”

Malungkot ang mukha ni Hannah. “Wag na nating isipin. But do you think Danny is really my stalker?”

“I’m positive! No doubt!”

Sa isipan niya ay tumatakbo ang orihinal na pangalan ni Danny kasabay ang mga cards na natatanggap niya galing sa stalker na si M.D.

“Mark Daniel….”

Chapter 7: “The Fall of a Queen”

Ikinuwento nila kay Randy ang nalaman, sinabi ni Randy na pakikisamahan pa rin niya si Daniel para makakuha ng sapat na ebidensya na ito nga talaga ang stalker ni Hannah. Simula ng araw na iyon ay umiwas na sila rito, kahit kausapin kapag nakakasalubong ay hindi nila ginagawa.

“Sis, mag c.r. lang ako ah.” Wika ni Hannah.

“Sige, magpapasama ka pa ba?” tanong nito habang hindi tumitingin sa kaibigan, abala sa pagsusulat sa notebook sa lng kanilang classroom.

“Ah no need na. Tapusin mo na ‘yang ginagawa mo.” Nagpaalam na siya sa teacher at lumabas na para magtungo sa c.r. Dahil nga hindi pa labasan ay walang estudyanteng makikita sa loob ng c.r., mag-isa lang siyang naroroon, habang nasa cubicle ay nakarinig siya ng pagbukas ng pinto ng c.r. Medyo nakahinga ng maluwag si Hannah dahil may kasama na siya. Pumasok ang kung sino mang tao katabi ng cubicle niya. Ilang sandali pa ay nakaramdam siya na parang may gumagapang sa paanan niya. Nabigla siya nang makakita ng mga ipis sa ibaba niya, kasunod ang isang pagtapon ng isang putting rosas sa paa niya. Napasigaw siya sa takot at mabilis na tumakbo palabas ng cubicle. Hindi niya napansin na may madulas na likido na nakakalat sa sahig at nadulas si Hannah. Bumagsak siya sa at nauntog ang ulo, dahil sa lakas ng pagkauntog ay nahilo siya at nanlabo ang paningin. Dahan-dahang lumabas ang isang tao sa kabilang cubicle, hindi na niya malaman kung sino ito. Lumapit ito sa kanya at napapikit na, kasunod ang mga boses ng estudyante na tumatawag sa pangalan niya.

************

Pagmulat ni Hannah ay bumungad sa kanya ang isang duktor. Bumangon siya at napansin na nasa clinic pala siya ng school. Naramdaman niyang masakit ang ulo niya at naramdaman na may bukol pala ang ulo niya.

Niyakap agad siya ni Marjorie. “Oh my God sis, okay ka na ba?” I’m so worried about you!”

“Yeah, kinda. Medyo masakit lang ‘yung bukol.”

“Nadulas ka sa c.r. sis, mabuti na lamang may mga estudyantemg tumulong sa’yo. This is my fault, dapat hindi kita hinayaang mag-isa sa c.r. Tingnan mo tuloy nangyari sayo. Sorry talaga.” Naiiyak na sabi ng kaibigan.

“No, no, no, this is not your fault. I’m just clumsy.” Wika nito at naramdaman na parang basa ang palda niya ng malagkit na bagay.

“Oh what’s this?”

“Sis, nadulas ka sa hair gel, ewan ko ba kung sinong careless na estudyante ang magdo-drop ng gel sa sahig. Ayan tuloy.”

Sumingit na magsalita ang isang duktor. “Uhmm, excuse me. Nilagyan ko na ng cold compress ‘yang bukol mo, buti na lang ‘yan lang ang inabot mo.” Sabi nito.

Unang beses nilang nakita ang duktor na iyon sa clinic.

“Uhmm, nasaan na po si Dr. Mendez?”

“Ah wala na siya, nagresign na noong isang linggo kaya ako na ang bagong school doctor. I’m Dr. Eduardo Salazar. Kung may kailangan ka, tawagin mo na lang ‘yung school nurse. Sige maiwan ko muna kayo.”

Sa palagay niya ay nasa edad tatlumpu na ito, medyo matipuno ang katawan, matangkad at malinis tingnan, dahil na rin siguro sa suot nitong puting damit na pangduktor at may napansin din siya. Siniko ni Hannah si Marjorie. “Napansin mo ‘yung nakasulat na name tag niya?”

“Hindi, bakit? Anong meron?”

“Dr. Eduardo Salazar, M.D.”

**************

“Imposible naman siguro na siya ang stalker ko di ba?” natanong ni Hannah habang naglalakad sila palabas ng unibersidad.

“Oo, kasi nga si Danny ang stalker mo! Siya ang may kagagawan ng lahat!”

“Nasa c.r. ‘yung stalker ko kanina, tinakot na naman niya ako by putting some insects and a rose under my feet.”

“Oh really?” napaisip si Marjorie. “Posibleng siya rin ang may kagagawan ng hair gel sa sahig kaya ka nadulas!”

“Pwe-pwede.”

“Oh my Gosh sis, sineseryoso niya ang mga sinabi niya! He wants to hurt you!”

Napahinto sila sa paglalakad nang makita nila sa unahan si Daniel, nakatambay ito sa isang poste, malamang na inaabangan sila nito. Hinila niya si Hannah sa kabilang daan para iwasan si Daniel subalit nakita rin sila nito.

“Hi girls!” pagtawag nito habang tumatakbo palapit sa kanila.

“Oh-hi, hi Danny, nand’yan ka pala.” Wika ni Marjorie, napatingin siya sa ulo ni Daniel at may napansin sa buhok nitong nakahapay.

“So girls, may lakad ba kayo?”

“Uhmm, meron, meron, ma-may pupuntahan kami ni Marjorie? Di ba sis?”

“Ah oo.”

“Pasama naman ako oh, wala rin naman akong gagawin.”

“Ah eh, hindi pwede eh, girls bonding lang.”

“Ah ganun ba.. pwede naman akong chaperon n’yo eh.”

“Eh Danny, hindi talaga pwede.”

“Eh di magkwentuhan muna tayo.” Hinatak ni Daniel ang kamay ng dalawang babae papunta sa gilid. “Sayang, wala kayo kahapon, ang saya ng paglalaro naming ng basketball ni Randy.”

“Ahh..”

“Tapos——“

“Danny, stop. We’re in a hurry okay? Sige, alis na kami.” Sabi ni Marjorie at agad na hinila si Hannah palabas ng gate.

*************

“Have you noticed?” tanong ni Marjorie.

“Noticed what?”

“His hair! Danny’s hair! May gel!”
Napahinto si Hannah sa sinabi ng kaibigan. “Could it be? But how did you know?”

“I know it! Hair gel ang gamit ni Randy dati pero I adviced him na wax na lang ang gamitin. I know the difference between the two.”

“So sa tingin mo siya ang naglagay ng gel sa sahig para madulas ako?”

“Probably yes! Danny is beginning to get dangerous Hannah. I’m scared for your life.”

Sa labas ay nakasalubong nila si Angela, sa likod nito ang mga kaibigang nakabuntot sa kanya. “Oh hi Dulas Queen and her puppy!”

Huminto ang dalawa at hinarang ang daan ng bumati sa kanila.

“What’s wrong with you?”

“Me? What’s wrong with me? Nothing. Masaya lang ako na napunta sa tamang tao ang title ng pagiging Campus Queen. Hahaha. Noong nauntog ka ba, wala kang narealize? Wala ka bang napag-isipan na I really deserve the title and the crown?”

Hindi sumagot si Hannah.

“Bakit parang may problema ka pa sa kaibigan ko? Di ba nasayo na ang korona!” tanong ni Marjorie.

“Hindi ko lang kasi kaso feel, and I’m thankful na ako ang nagwagi! Hahaha. Padaan nga!” galit na sabi nito at dumaan sa gitna nila.

“Alam mo sis, may hinala ako na bukod si Danny, pwedeng si Angela rin ang nananakot sa’yo dahil naiinggit siya sa’yo.”

“Ano pang ikaiinggit niya, eh nasa kanya na ang title ah.”

“Aba, malay natin, maldita kaya ‘yung babaeng ‘yun! Feeling n’ya siya ang pinakamaganda sa campus. Sa attitude pa lang naku, nilalangaw na!”

“Huwag na lang nating pansinin.”

“Eh nakakapikon eh.!”

Sa may di kalayuan ay nakatago sa likod ng puno ang isang tao, kumukuha ito ng litrato ni Hannah gamit ang camera habang bumubulong ng mahina, “I love you Hannah, mapapasakin ka rin.”

Chapter 8: “The End of Flashback”

Tahimik na natutulog si Hannah sa kwarto niya nang maalimpungatan siya dahil nakarinig siya ng kalabog sa labas ng bintana. Binuksan niya ang ilaw, alas dos pa lang ng madaling araw. Sumilip siya sa bintana at nagulat nang may bumato rito. Napasigaw siya sa gulat. Nakita niyang may crack ang salamin. Sa ibaba ay naroon ang isang tao, nakatayo. Hindi man niya maaninag ang mukha nito pero sigurado siyang nakatingin ito sa kanya. Napasandal siya sa pader sa sobrang takot. Naiiyak na naman siya.

Nagdial agad siya sa cellphone at tumawag sa himpilan ng pulisya. Ilang minuto pa ay dumating na ang mga pulis. Kausap ng mga pulis sina Sarah at Nina para makapagbigay ng statement, umiiyak si Hannah nang dumating si Marjorie kasama si Randy.

“Oh Sis, mabuti naman at okay ka lang.” nag-aalalang sabi nito habang yakap siya.

“Yes, I’m just scared. But I’m thankful na I’m safe.”

Sa loob ng isang plastic na hawak ng isang pulis ay naroon ang isang kahon na may lamang mga patay na insekto at sa isa pa ay ang maliit na card na may sulat galing sa stalker niyang si M.D. maya-maya pa ay nilapitan siya ng Ate Nina niya. Sa isang malaking plastic rin ay naroon ang mga inipong card ni Hannah galing sa stalker.

“Uhmm, Marj, kakausapin ko lang ang kapatid ko huh.”

“O-oh sige po.” Wika nito at lumayo sa magkapatid.

“Honey, sa hotel muna tayo titra hangga’t hindi nahuhuli ang stalker mo huh.”

Tumango lang si Hannah.

“Don’t tell anyone about kung saan tayo titira pansamantala. Ako ang maghahatid-sundo sa’yo sa school para safe. Aalis kasi si Ate Sarah, pupunta kay Lola Belinda sa hacienda kaya tayo lang doon. Promise me, don’t tell anyone, even your friends kung saan tayo huh. Mahirap na.”

“Okay ate.”

Nang sumunod na araw ay inimbita ang mga malalapit na tao sa buhay Hannah for fingerprinting sa police station. Kahit na ang mga kapatid niya pati ang mga kaibigan niya. Halos lahat ng kaklase niya maging ang mga teacher ay isinama na rin.

**************

“So sis, saan na nga pala kayo tumutuloy ngayon?” tanong ni Marjorie habang nasa canteen sila.

“Ah eh, hindi ko pwedeng sabihin.”

“Why? Best friend mo ako.”

“Eh, as much as I would like to tell you pero—-“

“Don’t tell me pati ba naman kami ni Randy, pinaghihinalaan na stalker. That’s ridiculous. Halos araw-araw tayong magkasama magsstalk pa ba ako sa’yo?” naiinis na sabi nito.

“I know sis but—“

“Whatever. I don’t understand you. From now on, you’re on your own.” Naiinis na sambit ng kaibigan at iniwan siya.

“Sis, wait!!!!”

Lumapit agad sa kanya si Daniel at umupo sa harap niya. “Hey Hannah, napansin kong parang nagtalo kayo ni Marj, so what’s that all about?”

“Nothing Danny, it’s just a little misunderstanding between two best friends.”

“Oh buti naman. Baka tungkol na naman sa stalker mo? Balita ko nagstalk na naman sa’yo kagabi.”

“Kanino mo naman nalaman ‘yan?”

“Well.. usap-usapan sa campus. You’re too popular to be talked about.”

“I guess I don’t have any privacy anymore.”

“That’s the hard part of being famous in this university. Lahat ng pangyayari sa buhay mo, alam.” Wika ni Daniel at tiningnan si Hannah sa mga mata. Parang may pakahulugan ang mga sinabi nito kaya nakaramdam siya ng takot.

“Danny, mauna na a—“ hindi niya naipatuloy ang pagsasalita nang hawakan siya sa braso ni Daniel. “No please, talk to me for another few minutes. Bakit ba parati n’yo na lang akong iniiwasan? Akala n’yo ba hindi ko napapansin? Maging si Randy umiiwas na rin. Ano ba problema ninyo sa akin?”

“Dan-Danny wala, I just need to go.” Subalit mahigpit ang pagkakahawak sa braso niya kaya hindi siya makatayo. Nakita niya na parang nanlilisik ang mga mata nito.

“Danny, you’re—you’re scaring me please, let me go!” napasigaw na si Hannah. Napatingin ang mga estudyanteng naroroon.

“Oh Han-Hannah, I’m so- I’m so sorry, Hannah, I’m so sorry.” Wika ni Daniel pagkatapos bitawan ang hawak kay Hannah.

“No, from now on, get away from me.” sabi ni Hannah at mabilis na umalis.

Nagmamadali ang lakad ni Hannah subalit napansin niyang sinusundan siya ni Daniel sa likod. “Hannah wait! Sorry na!” sigaw nito pero hindi niya pinapansin. Nang makalapit na sa kanyaay hinarang siya nito.

“Danny, what do you want?”

“Hannah, please I’m so sorry.”

“Okay, apology accepted. Happy? So padaanin mo na ako.”

“No, no, kausapin mo naman ako oh, ‘yung maayos.”

“Ano ba ang gusto mong pag-usapan? Ang dami kong problema Danny.”

“Tutulungan kita.”

“How?”

“Like I said noon, ako na lang ang magiging bodyguard mo, promise, babantayan kita.”

“Can’t you hear what you are saying?! It seems that what you’re saying is a definition of a stalker!”

“What???? Hannah—- pinaghihinalaanmo ba akong stalker mo?”

“To be honest Danny, YES. At nalaman naming Mark Daniel ang pala ang orihinal mong pangalan, coincidentally, M.D.is the initials of my stalker.”

“Really? Dahil lang do’n? You know what Hannah, I tried to reach out sa inyo, I tried to be close sa inyo especially to you kasi ang hirap ng wala akong close friends. They think that I’m crazy or something.”

Hindi nagsasalita si Hannah. Alam niyang guilty siya sa pakikitungo kay Daniel, aminin man niya o hindi.

“Hannah. Please naman oh. I just want…. want—-“

“Want what????”

“Hindi ko kayang sabihin kasi nahihiya ako. I can also give you flowers and cards just what like your stalker gave to you, kahit na ‘yung Ferrero chocolates. All I want is—-“

“What did you just say????”

“Gusto kong malaman mo na—-“

“No Danny, ako lang at si Marjorie ang nakakaalam na biigyan ako ng stalker ko ng chocolates na ganoong brand—-“

Hindi nakapagsalita si Daniel. Nanginig na ang mga kamay nito at naiiyak na.

“Don’t tell me that—-“

“Hannah! I’m so sorry.” Wika nito at hinawakan siya sa mga kamay.

“Let me go Danny! YOU’RE MY STALKER!!”

Pilit na kumakawala si Hannah, nakita sila ng ibang mga estudyante kaya tinulungan siya ng mga ito habang nagwawala si Danny.
“Hannah! Let me explain!!!!”

Umiiyak na si Hannah. Nilapitan siya ng teacher niyang si Sir de Lima, “Okay ka lang Hannah?” Hindi siya sumagot. Naramdaman niyang nagvibrate ang cellphone niya, sinagot niya ang tawag ng kanyang Ate Nina, “Honey, may natuklasan ang mga pulis sa pag-iimbestiga nila, base sa examination na ginawa nila sa mga cards, isang card doon ang may dalawang fingerprint lamang, sayo at sa isang nagngangalang Daniel Serrano! Kaya please lumayo ka na sa kanya kung kilala mo siya. Pupuntahan na kita d’yan kasama ko na ang mga pulis.”

Hindi na siya nakapagsalita. Patuloy ang pag-iyak niya. Sa paligid ay nakita niya ang mga estudyanteng nagkakagulo at nakikiusyoso sa nangyari, naroon sina Marjorie na halatang malungkot subalit may sama ng loob. Naroon din si Randy, si Angela na may ngiti sa mga labi nito at ang bagong duktor sa kanilang school. Bagaman naguguluhan ang lahat sa nangyayari ay may hula na sila kung ano talaga ang nangyari

The Case of Hannah Jane Lorilla part 1

EPILOGUE

Naghihiwa ng gulay si Hannah nang marinig niya ang pagtunog ng doorbell ng kanilang bahay.

“Hannah! ‘Yung pinto!” sigaw ng kanyang Ate Sarah.

“Opo, ate, sandali lang!”

Kaagad na nagpunas si Hannah ng kamay at tinungo na ang pintuan. Pagbukas niya ay nakatayo sa harap niya ang isnag deliveryman,may hawak itong kahon.

“Delivery po mam!”

Napaisip muna siya bago pinirmahan ang form.

“Thank you.” Wika niya sa nagdeliver bago ito umalis.

Tinitigan niya ang maliit na kwadradong kahon na kulay abuhin. Nakasulat sa ibabaw ang mga salitang, “To: Hannah”.

Nagtaka si Hannah kung kanino galing ang kahon. Wala siyang inaasahan na matatanggap, malayo pa naman ang kanyang kaarawan. Nakangiti niyang binuksan ang kahon. Napasigaw siya sa gulat at naitapon ang laman nito. Kaagad naman siyang pinuntahan ng kapatid niya at nabigla din sa nakita. Niyakap niya ang kapatid na patuloy sa pag-iyak. Sa sahig ay naroon ang isang puso ng baboy, may dugo pa ito at nagkalat sa kanilang carpet.

“Sssshhhh, tahan na.” wika ng ate niya habang hinahaplos ang buhok. Iniisip nito kung sino ang maaaring gumawa nito sa kanyang kapatid.

*****************

Chapter 1: “Hannah’s Demise”

“Ate!!!!!!!!” napasigaw si Hannah kasabay ang pagbangon niya.

Nagulat naman ang kanyang kapatid na si Nina kaya tinabihan siya nito. Umiyak na naman si Hannah, puro benda ang kanyang katawan dahil sa mga sugat na natamo. Naalala niya ang ate niya. Nasa ospital na sila ng boyfriend niyang si Jake at ginagamot na nang makatanggap ng masaklap na balita mula sa mga pulis. Patay na pala ang ate niya. Maaaring napatay ito ng mag-amang Anton at Richard. Wala na rin ang Lola Belinda niya pati na ang iba pang mga pinsan, samantalang ang tagapag-alaga ng matanda na si Ditas ay nawawala at hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon.

Isang linggo na rin ang nakakalipas subalit hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga nangyari, lalo na ng mga masasamang alaala kasama ang Ate Sarah niya, nakakalungkot ang sinapit na trahedya ng pamilya nila.

“Sssshhh, honey, it’s okay.” Wika ng Ate Nina niya habang hinahaplos ang buhok niya. Pinainom niya ito ng tubig para mapakalma. Nakita niya sa kabilang kama ang tulog na si Jake, kagaya niya ay marami rin itong benda, subalit mahina pa rin ito, iilan lang mga salitang nasasabi dahil mahinang mahina pa rin ito. Labis siyang naawa sa boyfriend na nadamay pa sa katigasan ng ulo niya, kung nakinig lang siya sa ate niya ay hindi sana mangyayari sa kanila ang ganoong mga bagay.

Ilang sandali pa ay dumating na ang best friend niyang si Marjorie. May dala-dala itong isang basket ng prutas.

“Oh my God sis! Are you okay? Why are you crying?” nababahalang tanong nito. Hindi sumagot si Hannah bagkus ay umiyak pa muli.
“Binangungot na naman yata. Trauma pa siya dahil sa mga nangyari…. Dahil sa pagkawala ni—-Ate Sarah.” Sagot ni Nina.

Si Marjorie naman ang yumakap sa kaibigan, “Everything will be okay sis.”

*************

“Ang hirap sis, ang hirap ng ganitong sitwasyon. How I wish napatay na lang din ako para hindi ko na nararamdaman ang lahat ng ito.” Umiiyak na sabi ni Hannah.

“Sis, don’t say that. You’re lucky; you were still given a chance to live. Ipagpasalamat na lang natin na dahil sa katapangan ng ate mo, nabuhay pa kayo ni Jake. It’s unfortunate what happened to Ate Sarah, mahal na mahal ka niya kaya mas inuna niya ang kapakanan mo.”

“Pero…. Pero…..”

“Let’s pray na lang.” sabi ni Marjorie at hinawakan ang mga kamay ni Hannah, pumikit sila at nagdasal para sa mga minamahal.

Naputol ang pagdarasal nila nang kumatok ang nurse sa pinto. “May nagpapabigay po. For Hannah Jane Lorilla po.” Sabi nito habang hawak ang isang maliit na kahon. Iniabot niya ito kay Nina.

“Look Hannah, may gift para sa’yo.”

Aalis na sana ang nurse nang tawagin siya ni Nina, “Teka nurse! Kanino raw galing?”

` “Hindi ko po alam. Nasa nurse station lang po ‘yan pagtingin ko.”

“Ah sige, salamat ha!”

Ang kahon ay nababalutan ng kulay pink na gift wrapper at may maliit pang card na may nakasulat na “Get well! I’m looking forward to see you soon!”

“Kanino naman kaya ito galing?”

“Wow sis, baka sa iba pa nating mga barkada. Ang sweet talaga nila Randy. Buksan mo na dali!”

Dahan-dahan niyang inalis ang nakabalot, bubuksan pa lamang niya ang kahon ay may iba na siyang kutob. Imbes na mapangiti ay napasigaw siya sa takot nang makita ang laman, “Alisin n’yo ‘yan! Alisin n’yo ‘yan!” umiiyak niyang sabi.

Nandidiring itinapon ni Nina ang kahon sa labas ng kwarto. Sa loob kasi nito ay mga patay na ipis at iba pang insekto. Naiwan naman sa kama ang isa pang maliit na card.

“Oh my God….” Ang nasabi na lamang ni Marjorie.

Nakasulat dito ang isang maikling tanong, “How’s the trauma?”

Chapter 2: “The Hurt Locker”

“Akala ko pa naman tapos na, akala ko wala na, akala ko sumuko na siya!” umiiyak na sabi ni Hannah, nanginginig pa rin ito sa takot dahil sa nangyari kanina.

“Oo nga sis, akala natin wala nang mangyayaring ganoon subalit parang lalong lumala.” Wika naman ni Marjorie.

Lumapit ito sa tulog na si Jake. Tinitigan niya ang mukha ng nobyo ng best friend niya. “Kung malakas lang si Jake, malamang gumawa na ito ng paraan at hinahanap na kung sino ba talaga ang may gawa ng mga ganoong bagay sa’yo.”

Sumakit ang ulo ni Hannah, napasigaw siya, pumapasok sa isip niya ang mga nauna pang pangyayari bago ang pagbigay ng ‘surpresa’ sa ospital. Noong una ay sa kanilang university. Dahil nga popular siya dahil sa pagiging Campus Queen ay kilala na siya ng halos lahat ng estudyante doon subalit nanatili siyang humble at approachable sa marami. Lalong dumami ang kanyang admirer, hindi lang dahil sa taglay na kagandahan ni Hannah bagkus ay matalino rin ito. Laging nag-eexcel sa mga subjects at myembro rin ng volleyball team sa kanilang unibersidad.

Marami nang nanligaw rito, may mga varsity players, mga president ng iba’t ibang school club, may anak ng pulitiko, anak ng businessman at kung anu-ano pa. Pero isang lalake lang ang nakasungkit ng puso niya at iyon nga ay si Jake. Napili niya ito dahil marunong itong makisama, mabait, gentleman at higit sa lahat ay responsible sa pag-aaral, mga katangian na gusto niya sa isang lalake at hindi dahil sa gwapo ito o naawa lang siya dito dahil sa kinasangkutan nitong eskandalo nang patayin ang isa ring sikat sa kanilang unibersidad at dati ring Campus Queen na si Andrea. Bagaman maraming nagtaas ng kilay at tsismis dahil sa ginawa niyang pagsagot sa lalake ay wala siyang pakialam, ang mahalaga sa kanya ay mahal nila ang isa’t isa at sigurado diya doon. Pero sa kabila ng isyu ay nanatili pa rin siyang matatag, nanatili pa ring marami ang humahanga sa ganda at talino niya kaya hindi nababawasan ang kanyang suitors at admirers.

Madalas siyang makatanggap ng flowers at chocolates, kung minsan ay nabibigla na lamang siya kapag papasok ng classroom dahil may nakalagay na bouquetsa kanyang upuan, minsan ay nakadikit sa kanyang locker. Ngunit isang araw nang pagbukas niya ng locker ay nakakita siya ng isang sulat.

“Sis, Marj, may letter sa loob ng locker ko!”

Kahit si Marjorie ay nagulat. Kinuha nito ang maliit na card na kulay pula at binasa, “I think I’m beginning to fall inlove with you.” –M.D.

“Sinong M.D. naman kaya ito?” natanong ni Hannah.

“Ewan, baka isa na naman sa mga admirer mo dito sa loob ng campus.”

“Paano niya nailagay ang letter sa loob ng locker ko?”

“Ewan, baka isiniksik niya sa siwang. Kasya naman oh.” Sambit ni Marjorie habang isinsagawa ang paglagay ng card sa makitid na siwang ng locker.

“Sana lang. Maaari kasing alam niya ang code ng locker ko.”

“Hmmmm, pwede, tingnan mo kung may nawawala kang gamit.”

Hinalungkat ni Hannah ang mga gamit niya subalit sa pagkakatanda niya ay wala namang nawawala.

“Alam mo, sa sobrang popular mo, dapat alam na lahat na may boyfriend ka, na sikat rin…. But not in a very good way though.”

Kumunot ang noo ni Hannah sa sinabing iyon ng kaibigan. “Sis, I’m just kidding, anyways, dapat humihinto na sila sa pagbibigay sayo ng mga cards and everything kasi wala na silang pag-asa sa’yo. Dapat sa akin na lang, hahaha.” Pabirong sabi ni Marjorie.

“Sira! Bakit gusto mong magpaligaw eh may Randy ka na.”

“Biro lang naman, ito naman, masyadong seryoso.”

“Pero sis, should I need to worry?”

“Punta na lang tayo sa property office, papalitan natin ng code ‘yang sa locker mo para makasigurado or better, magpalit tayo ng locker.”

“That’s a great idea sis! Vice versa ang pagkuha natin ng gamit natin, meaning, I get yours and you get mine para magmukhang locker ko pa rin ‘yan.”

“Yeah, you’re so genius talaga.” At tumawa ang dalawa.

Ginawa nila ang paglilipat ng gamit ng walang tao para makasigurado silang walang makakaalam na iba na ang locker nito, mga siyam na locker ang pagitan ng dalawa kaya medyo malayo at hindi halata.

Kinaumagahan ay tiningnan ulit nila.
“Sis! Wala na ritong love letter or cards.” Sabi ni Hannah nang tingnan ang dating locker na ngayon ay kay Marjorie na.

Napangiti si Marjorie subalit napawi din agad nang buksan naman ang dating locker. “Oh my…..”
Napatakbo si Hannah nang makita ang locker niya, mayroon na naman ditong card at ngayon ay may kasama ng tatlong rosas sa loob.

“How could this be possible????” nababahalang tanong ni Marjorie.

“Don’t tell me naisingit ulit ‘yan.” Wika ni Hannah habang hawak ang mga rosas.

Sa isang maliit naputing card na punung-puno ng glitters na kulay pula ay may nakasulat, “I love you Hannah.” –M.D.

“Let’s tell your boyfriend about this.” Suhestiyon ni Marjorie.

“No, ayaw kong madagdagan ang problema niya.”

“So, anong gagawin mo? Hahayaan mon a lang kung sinong M.D. ang magbigay ng mga ganyan sa’yo? Paano kaya niya nalaman na nagpalit tayo ng locker?”

“I don’t know, I’m confused. Wala ka bang pinagsabihan?”

“Wala noh. Your admirer is creeping me out. Baka nariyan lang siya sa paligid, pinagmamasdan tayo.”

Tumingin tingin sila sa paligid at pinagmamasdan ang kilos ng bawat estudyanteng naglalakad sa hallway. Ilang sandali pa ay may yumakap kay Marjorie. Nagulat ito.

“Oh my God Randy! You scared me!” naiinis na sabi ng girlfriend nito subalit ang paghalik lang sa pisngi ang ginawa ng lalake. Napansin nito ang bulaklak sa locker.

“Sinong nagbigay niyan? May nanliligaw pa sa’yo hon?!” galit na sabi ni Randy.

“Sssshhhh, wag kang maingay, hindi sa akin ‘yan, kay Hannah ‘yan, nagpalit lang kami ng locker.” Paliwanag nito.

Tumingin si Randy kay Hannah at pagtango lang ang isinagot nito. “Wow Hannah, despite the facts that you already have a boyfriend, may suitors ka pa rin. How sweet. Hahaha.”

“Ulol!” naiinis na sabi ni Marjorie. “Huwag ka ngang sira, nakita mo nang nagwoworry ‘yung tao eh.”

“Iannounce natin sa buong campus.”

“Adik ka talaga Randy! Wala kang suggestion na matino!” sabi ng girlfriend.

“Okay sorry Hannah, heto serious na.” sabi ni Randy at humarap kay Hannah. “Mapapagod din ‘yan, titigil din ‘yan, maniwala ka.”

“Sana nga.” Sagot ni Hannah.

“Huwag na ninyong isipin ‘yan, kain na lang tayong snack. My treat!” sabi ng lalake at nagsimula nang lumakad.

Tinitigan ni Marjorie ang kaibigan, “Let’s go na.” Ngumiti na si Hannah at sumabay na sa kaibigan.

*************

Nag sumunod na araw ay ganoon din ang nangyari, halos araw-araw nakakatanggap ng bulaklak at card galing sa suitor nitong kilala lang niya sa tawag na M.D. Nagtataka siya kung paano nito nagagawa ang paglalagay ng mga ganoon sa locker niya. Ang mga card ay naroon lang sa loob ng locker niya hanngang dumami na ito samantalang ibinibigay niya kay Marjorie ang nakukuhang bulaklak. Tumagal ito ng isa pang linggo hanggang sa mga sumunod na card na natatanggap niya ay iba na ang mga mensahe.

“Roses are red, violets are blue. When I see you, I’ll kill you.”

“Bakit mo ako ipinagpalit? Humanda ka!”

“I love you but you broke my heart you b*tch!”

At marami pang iba’t ibang mensahe, kasama ang tuyot ng mga bulaklak.

Labis na nababahala na si Hannah, ganoon din ang mga kaibigan niya. “This is too much Hannah. Hindi na ito suitor mo! STALKER na!” sabi ni Marjorie.

“What should I do? I’m scared. Pinagbabantaan na niya ako.”

“Don’t worry sis, babantayan ka namin. Sasabihan ko si Randy about this.”

“Could the police do anything about this?”

“Baka wala rin silang maitulong, you know every student in this campus is a suspect. And it’s hard to find who the heck that M.D. is!!”

Chapter 3: “The Rise of a Stalker”

Naalala na naman ni Hannah ang unang beses na makatanggap siya ng “surpresa” galing sa kanyang stalkerna ipinadala pa sa bahay nila, isang puso ng baboy. Alam na rin pala nito kung saan siya nakatira. At sigurado siyang sinusundan na siya nito kahit saan man pumunta.

Kahit ang ate niya noon ay nababahala na sa nangyayari, kaya palagi niya itong kasama kapag pupunta ng ibang lugar, bihira niyang makasama si Jake dahil galit pa noon ang ate niya rito. Wala pa ring alam ang boyfriend sa pagkakaroon niya ng stalker. May mga araw na makakakita na lang sila sa gate ng bahay nila ng isang kahon at ang laman ay mga daga, ipis, at kung anu-anong insekto.

Nababahala na sila sa kaligtasan niya, maaaring dumating ‘yung araw na pasukin na sila sa kanilang bahay kaya nagpalagay na sila ng CCTV camera sa labas, nagbabakasakali na makita nila kung sino ang stalker ni Hannah.

Gabi na noon, katatapos lang magbasa ni Hannah ng isang nobela nang makaramdam ng lamig. Napansin niyang medyo nakabukas ang bintana niya kaya lumapit siya rito para saraduhan. Napasilip siya sa labas nang may makitang isang tao na naglagay ng isang kahon sa may gate nila. Nabigla siya kaya napatakbo palabas ng kwarto.

“Ate! Someone’s in the front gate!” sigaw niya habang pababa ng hagdan, naroon ang ate niya sa sala habang nanonood ng telebisyon. Nang marinig siya ay agad na lumabas sila ng pinto subalit wala ng tao roon, tahimik na ang buong kalsada at wala nang taong makikita sa paligid, tanging isang kahon na lamang ang naiwan sa may gate. Kaagad din silang pumasok sa loob ng bahay.

“I don’t want to look at that.” Naiiyak na sabi ni Hannah habang pabalik ng kwarto.

Lumabas ang kapatid nilang si Nina ng kwarto nito. “From the stalker na naman ba ‘yan?” tanong nito.

“Malamang.” Sabi ni Sarah at iniabot sa kapatid ang kahon. “Ikaw na ang magbukas niyan.” Dagdag pa nito at umalis na.

Binuksan nito ang kahon at halos masuka nang maamoy ang mga nabubulok na lamang-loob ng kung ano. Agad niya itong tinapon sa basurahan sa labas ng bahay.

Sa may di kalayuan ay nakatingin sa bahay nila Hannah ang isang tao. Kitang-kita sa mukha nito ang galit, nang humithit pa sa sigarilyong hawak ay tinapakan niya ito bago naglakad papalayo.

***********

“Balita ko nagpadala na naman sa’yo ‘yung stalker mo kagabi ah.” Sabi ni Daniel pagkatapos ay umupo sa tabi ng tahimik na si Hannah. Nasa mini park sila.

“Huh? Sinong nagsabi sa’yo n’yan?”

“Ah.. eh.. si Randy.” Sagot nito.
Dumating na si Marjorie at iniabot ang isang juice kay Hannah.

“Thanks sis.” Malungkot na sabi nito.

“Oh hey Danny! Nandito ka pala, akala ko may klase ka pa.”

“Yeah, I’d just stop here, napansin ko kasi itong si Hannah na mukhang deprsess.”

“Eh sino ba namang hindi madedepress sa nangyayari sa kanya. Sobra na ‘yung stalker n’ya.”

“You know what Hannah, dapat may body guard ka lagi. You can hire me. Di mo ako kailangang bigyan ng sahod.” Sabi ni Daniel.

“Danny boy, may body guard na ‘yan si Sis, ako saka si Randy. At ‘yung BOYFRIEND niyang si Jake kaya shoo!” sambit ni Marjorie na naka-emphasize ang salitang boyfriend.

Napakamot sa ulo si Daniel, “Bad trip naman ‘tong si Marj. Nag-offer lang naman ako.” Wika nito at umalis na.

“Hay naku talaga ‘yang si Danny, feeling close sa’yo. Kung hindi naman dahil barkada ‘yan ni Randy ay hindi natin ‘yan makikilala. Halata namang may gusto sa’yo ‘yan noon pa, hindi lang maamin, baka nga ‘yan ‘yung…… stalker mo.”

Napatingin si Hannah sa kanya.

“Oh my…. Bantayan natin lagi ang kilos n’yan. Malaki kasi ang posibilidad eh, may pagkaretarded ang taong ‘yun. Hay naku, hindi ko siya feel. Kahit na maraming girls ang nagkakagusto dun kay Danny dahil gwapo rin, ay naku, hindi ko siya papatulan. May pagkaweird ang vibes niya.”

Naisip nilang maaaring magbigay na naman ang stalker ni Hannah kinagabihan ng “surpresa” kaya nagplano na sila. Habang nag-uusap ang dalawa ay dumaan sa harap nila ang grupo ni Angela, masama ang tingin nito sa kanila.

“Gosh, I really hate those girls espcecially ‘yung Angela na ‘yun!”

“Bakit naman?”

“Duh? Dapat hate mo rin siya, buti nga ikaw ang nanalo bilang Campus Queen at hindi siya. Buti nga sa kanya. You know that a First Runner-up is always the first loser. Hahaha.”

“Huwag mo na lang pansinin.”

“Anung huwag? Makapandilat ng mata, wagas! Para tayong lalamunin. Hindi pa rin kasi matanggap na ikaw ang nanalo at hindi siya, haha. Anyways, we should do something about your stalker.”

Maya-maya pa ay dumating na si Randy. “Hey girls, what are you guys talking about?”

“Hon, we are planning how to catch Hannah’s stalker. Sa tingin namin ay magpapadala ulit ito mamayang gabi.”

“Well, include me in that plan. And I have an idea.”

*************

Gabi na, tahimik na nag-aabang sina Randy at Marjorie sa madilim na bahagi ng eskinitang iyon, sa kabilang kalsada sa tapat ng bahay ng mga Lorilla. Samantalang si Hannah ay nasa kwarto niya, nakasilip sa kanyang bintana. Sabawat pagdaan ng mga kahina-hinalang tao ay agad silang nagiging alerto. Varsity player si Randy sa track and field sa kanialng pinapasukan kaya mabilis itong tumakbo, kaagad na maabutan agad nito ang mahahabol. Kausap ni Hannah sa cellphone ang kaibigan.
“Ano? Wala pa ba kayong napapansin d’yan?” tanong niya.

“Wala pa eh, baka maya-maya, narito lang naman kami ni Randy, nag-aabang pa rin.”

“Okay, sige. Basta sabihan ninyo ako.”

“Okay sis.”

Ilang minuto pa silang naghintay nang may napansin silang huminto sa harap ng bahay, lumingon-lingon muna ito sa gilid bago may ipinatong sa may gate.

“Ba-bata?” nagugulat na tanong ni Marjorie.

Kaagad na tumawid si Randy ng kalsada, “Hey!!!!”

Nabigla naman ang taong iyon kaya napatakbo ito subalit hinabol siya ni Randy. Samantalang lumabas naman si Hannah kasama ang dalawang kapatid. “Sis, hinahabol na ni Randy ‘yung naglagay nito.”

Isang maliit na kahon ang naroroon, kinuha iyon ni Nina, “Hannah, do you want to see what’s inside?”

“Yes.”

Lumapit na si Randy, hawak sa balikat ang taong naglagay ng kahong iyon. Nilapitan ito ni Sarah, halatang nabigla rin.

“Bata ang stalker mo?”

“I don’t know ate.”

Pinandilatan ni Sarah ang batang lalake, na nkasuot ng itim na hoodie. May 4’7” ang taas, medyo maitim at tinatayang mga edad sampu hanggang labindalawa ito.

“Sino ka? Ikaw ba lagi ang nananakot sa kapatid ko?!” galit na sabi ni Sarah habang hawak sa buhok.

Bakas sa mukha ng bata ang takot. “Na-napag-napag-utusan lang—po.”

“Sino?Sinong nag-utos sa’yo?”

“Hin-hindi ko po ki-kilala.”

“Sabihin mo, nasaan siya!”

Nagsimula nang umiyak ang bata kaya hindi na nila ito hinawakan.

Binuksan na ni Nina ang kahon, nabigla sila dahil hindi inaasahan ang laman noon, sa halip na mga patay na insekto ay mga tsokolate. Lahat sila ay nagtaka Habang nakatitig sila sa laman nito ay nakakuha ng tyempo ang bata kaya tumakbo ito, hahabulin pa sana ulit ito ni Randy subalit pinigilan na siya ni Hannah.

“Hayaan mo na siya Randy.”

“Pe—–“

“Let him be.”

Hindi pa rin sila nakakaisip ng dahilan kung bakit iba na ang “surpresa” na nakuha ni Hannah ngunit dahil sa takot ay hindi niya ito kinain.

“Do you think galing ito kay M.D.?”

“I don’t know sis, maaari, pero hindi natin alam.”

“So what are you going to do with those chocolates? Sayang imported pa naman ang Ferrero Rocher na ‘yan.”

“I’ll throw these unless you want.”

“No, mamaya may lason pa ‘yan.” Wika ni Marjorie. Kukuha sana ito nang isa subalit nabitawan ito ni Hannah kaya nahulog ang kahon. Nagkalat ang mga bilog na tsokolate sa sahig. May nakita silang card, natatabunan pala ng mga laman. Isang kulay ginto naman na card, sa loob ay may nakasulat, “I really love you Hannah. Please accept this.”

Pero wala silang napansin na signature na M.D. sa ibaba. “So who could have sent this?”

M.U.

ni Beckdelecruz

M.U. – Mutual Understanding, Magulong Usapan, Malanding Ugnayan. Pero may understanding, usapan o ugnayan nga ba o ikaw lang ang mag isang umaasa? Masalimuot na sitwasyon. Nangyari ito sa akin noon hindi ko din alam paano ako nakalabas ng buo.

College. Bahay – eskwelahan lang ako noon wala masyadong kilala sa mga kapitbahay. Naaya ako ng kapatid kong manood ng basketball ligang pambarangay, wala naman akong ginagawa, summer- walang klase. Nanood kami, sinundan ang mga laro ng lugar namin, doon ko siya nakilala, hanggang ngayon hindi ko alam ang itatawag ko sa kanya. Mahusay siya, katunayan siya ang MVP kahit ‘di ang team nila ang nag-champion.

Nagdaan ang mga araw naging “close” kami kumbaga, tinutukso na kami ng iba niyang ka-team nun, hanggang sa alam na namin sa sarili namin na may mas malalim na kaming nararamdaman para isa’t isa, puwede ring mali ako na ako lang pala ang may nararamdaman sa aming dalawa.

Dumating ang pasukan, sinusundo sundo niya ako minsan, sabi niya napadaan lang daw siya sa campus namin noon. Minsan inimbitahan niya pa akong magtanghalian sa kanila. May mga tawagan na din kami, baby, bossing, idol..

Sa puntong ito, masisisi mo ba ako kung umasa akong may “something” sa aming dalawa?

Pagkatapos ng ilang buwan, palitan ng text at tawag, sinabi niyang gusto niyang manligaw at makilala ang magulang ko. Siyempre, tuwang tuwa ako, ‘yun lang, hindi ko natanong kung kailan niya balak gawin yun. Lumipas uli ang panahon, padalang nang padalang ang mga text niya, halos hindi na rin kami nagkikita.

Nakapagtapos ako ng college, saktong birthday niya, kaya nagpadala akong cake sa kanila. Halos isang taon na rin pala akong umaasa sa “panliligaw” niya. Pinilit ko na siyang kalimutan, tumanggap ako ng mga manliligaw, pero wala akong sinagot sa kanila.

Naiinis na rin ako sa sarili ko dahil lahat ay naikukumpara ko sa kanya. Ewan ko ba, tuwing birthday niya, may nararamdaman akong hindi ko maintindihan. Nagpadala ako ulit ng cake sa bahay nila, nagtext siya sa akin, salamat daw, naalala ko pa daw pala, gusto ko siyang tanungin, “ako ba, naaalala mo pa?”

Hanggang sa isang araw papasok ako sa trabaho sa may sakayan ng fx, may kumalabit sa akin sa pila, para akong binuhusan ng malamig na tubig nung nakita ko siya. Unang beses pagkatapos ng matagal na panahon, naisip ko halos wala siyang pinagbago.

May dala siyang gym bag at naka-basketball jersey. Kumustahan ang sumunod na parang walang nangyari, parang kahapon lang kami huling nagkita. Ang dami kong gustong itanong, pero wala akong lakas ng loob at isa pa nasa fx kami baka pag nagtanong ako at awkward wala kami masyadong gagalawan, hindi namin maiiwasan ang isa’t isa. Dumating na ang bababaan ko, nasabi ko na lang “dito na ako, sige, ingat ka!”

Nung araw na yun, nagpasya na akong kalimutan siya, nagpalit ako ng sim card, tinapon ko lahat ng alaala naming dalawa. Mahirap magmahal ng lalaking walang bayag, ‘yung hindi ka kayang panindigan, ‘yung hindi mo alam kung seryoso ba siya o ginagawa niya din ‘yun sa iba. Mahal ko siya, pero mahal ko din ang sarili ko. Tama na.

Sa huli, narealize kong puwede ka rin palang ma-heartbroken kahit hindi naman naging kayo at walang ibang makatutulong sa iyo kundi ang sarili mo. Matagal mag-move on, pero hindi ka makakaraos kung hindi mo sisimulan, mahirap kasi gusto mo ng closure pero ano pa ba ang tatapusin eh wala naman kayong nasimulan?

Marami kang tanong, pero isa lang ang sagot diyan… HINDI KA NIYA MAHAL. Dahil kung talagang gusto ka niya, gagawa siya ng paraan para maging “kayo”.

Ngayon isa na lang siyang alaala, tanguan na lang pag nagkakasalubong, pero ‘yung nararamdaman ko, salamat naman, wala na.

Minsan may Isang Puta

ni Mike Portes

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako raw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. ‘Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara, makinig ka muna sa kuwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas-alad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi ‘di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.

Tatlong malilibog na foreigners ang nagpiyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang ‘ di ko makalilimutan.

Parang maski ‘di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ”ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko rin alam kung bakit. Ibang klase din kasi siyang mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.

Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakababaliw siya! Alam kong ginagamit lang niya ako, pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-ingles, ‘di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Nung kinasama ko siya, guminhawa ang buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na ang kaligayahan namin; ‘yun pala unti-unti niya akong pinapatay.

Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga-tanga ko. Palayasin ko na r1aw. Taon ang binilang bago ako natauhang makinig sa payo. Iniisip ko kasi na parang ‘di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .

Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo, pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto, nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Nakakahiya mang aminin, pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim, sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili na sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangang makita ng mga anak ko na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.

Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa, kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa nang palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka ‘di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Mayroon pa ding bilib sa akin. Napapag-usapan pa rin. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko nang ‘di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.

Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay hindi kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gustong magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan nang ganito ang mga anak ko?

Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan, pero nakadadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? ‘ Di ko lubos maisip kung saang impiyerno nanggaling ang kasakiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakababaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang ‘di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.

Ang ‘di ko akalain ay mismong mga anak ko pa ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.

Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang Pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal n’yo lang ang kailangan ko!”

Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, ‘di man lang ako nagpapakilala.

Ay sorry, ‘di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.