Katalagahan

ni Vic Macapagal

Kagabi ay hindi ako sumama sa mga kaibigan ko. Naipangako ko kay Kuya na sa kanya ko ipagkakaloob ang isang buong linggo. Itong linggong ito. Kahit na nga ba sa loob ng nakaraang mga buwan ay siya na ang naging gunitain ng buo…ng pamilya.

Alam ko, magiging masaya na naman sa bahay. Wala na ang supil na mga ngiti. At mga halakhak na ang kamatayan ay halos sabay sa pagkakaluwal. Magiging maluwag na naman ang aming paghinga. Noon, tila lahat ng sariwang hanging pumasok sa bahay ay para kay Kuya lamang. Wala na ang wari’y tinik na … more -->

Dahil sa Madyong

ni Vic Macapagal

Malaking problema ang idinulot sa akin ng aming bagong kalapit-pinto. Simula nang lumipat sila ay hindi na natahimik ang aking tenga’t kaluluwa. Sa umaga, sa tanghali, at sa gabi ay walang tigil ang ingay na mandin ay nagsasangag ng graba at buhangin. Ang haluang ito ng pitsa ay isa lamang sa hindi mabilang na ingay at tunog sa laro nilang… higit na kilala sa tawag na madyong.

Matapos manggaling sa haiskul na aking pinagtuturuan, ang lagi kong kaharap ay ang aking makinilya upang malaya kong isatitik ang daloy ng aking mga guniguni. Ngunit nagsimula ang Linggo at … more -->

Nagmamadali Ang Maynila

ni Serafin Guinigundo

” GINTO. GINTO… Baka po kayo may ginto riyan?”

“Mga mama.. mga ale… ginto…?” ang alok-anyaya ng isang babaing nakakimona at ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang lumilinis sa makapal na alikabok sa bangketa.

” Baka po kayo may ginto?” ang muling sigaw ng babae. ” Kung may ginto ako bakit ko ipagbibili? Hindi baga mas mahal ang ginto kaysa kwalta?” sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang kaakbay.

Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcarraga, Avenida Rizal at Escolta ay mga mamimiling walang puhunan (karamihan) at mga tagapagbili ng mga bagay … more -->

Impeng Negro

ni Rogelio Sikat

“BAKA MAKIKIPAG – AWAY ka na naman, Impen.”

Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay.

“Hindi ho,” paungol niyang tugon.

“Hindi ho…,” ginagad siya ng ina. “Bayaan mo na nga sila. Kung papansinin mo’y lagi ka ngang mababasag-ulo.”

May iba pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na niya ang mga iyon. Paulit-ulit na niyang naririnig. Nakukulili na ang kanyang tainga.

Isinaboy niya ang tubig na nasa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay, pinagkiskis ang … more -->

Tata Selo

ni Rogelio Sikat

Ang panitikan ay salamin ng buhay. Ito’y isang representasyon ng mga karanasan sa buhay ng tao sa tulong ng mga salita. Sa kuwentong ito, alamin kung anong mga pangyayari sa mga tao sa lipunan ang malinaw na pinapaksa ng may akda. Matagumpay ba itong nailahad ng may akda? Anong paraan ang ginamit niya?

Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangan … more -->

Ang Sukatan ng Ligaya

ni Liwayway Arceo

NAGMAMADALI si Aling Isyang sa pagbibihis. Nangangamba siyang pumasok si Medy sa silid at Makita siyang nagbibihis. Natitiyak niyang hindi siya papayagan nito na makaalis. May tatlong araw

nang nagtatangka siyang makauwi sa nayon ngunit lagi siyang pinangungunahan ng anak.

“Ang Inang. . . nagbibihis na naman! Parang inip na inip dito sa ‘min . . .” matatandaan pa niyang parunggit nito. At kung may bahid man ng katotohanan itong sinabing iyon ni Medy ay hindi na siya nagpahalata. Nadama niya agad ang hinanakit sa tinig nito nang pansinin ang kanyang paghahanda sa pag-alis. Ngunit talagang hindi … more -->

Ang Kasulatan ng Banyaga

ni Liwayway Arceo

Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon – kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.

At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana … more -->

Si Mabuti

ni Genoveva Edroza-Matute

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero.

Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, … more -->

Saranggola

ni Efren R. Abueg

Rading, Paquito, Nelson… pakinggan ninyo ang kwentong ito. May isang lalaki, walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon.

“Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng saranggola,” wika ng ama.

“Hindi ako marunong, Tatay,” anang batang lalaki.

“Madali ‘yan. Tuturuan kita,” sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak.

Bumili nga ito ng papel at kawayan at tinuruang gumawa ng saranggola ang anak.

“Tatay… ibili mo ako ng guryon,” sabi uli ng bata sa ama.

“Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas. Madadaig mo … more -->

Mapait na Kabihasnan

ni Alberto Segismundo Cruz

(Isa sa limampung kuwentong ginto na itinampok ni Pedrito Reyes sa kanyang kalipunan ng mga kuwento na may pamagat na “50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista” (Ateneo Press, 1998. Ang “50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista” ay inilabas ng Ramon Roces Publications sa kauna-unahang pagkakataon noong 1939.)

ANG KABIHASNAN AY MINSAN pang nanagumpay sa kabundukan.

Iyan ang sadyang masasabi sa pagkahikayat sa mga magulang na Igurote na mapababa sa kapatagan ang kanilang mga anak upang diumano’y papag-aralin at “nang mangaging tagapagmulat ng liping dapat na maging bihasa sa pagtatanggol man lamang ng sariling mga … more -->