Category «Tagalog (non adult)»

BEAUTIFUL IN WHITE

From FB by Talia Bright

Sobrang pagod ako ng umuwi, nadatnan ko ang babaeng nagpapaikot ng mundo ko na sinusukat ang gown niya para sa nalalapit naming kasal

“You look so beautiful.. in white, honey” lumapit ako sa kaniya saka ko siya niyakap habang tinitignan niya ang kabuuan niya sa salamin

“Talaga? Do I look beautiful?” Natatawa niyang tanong, “parang binobola mo lang ata ako e.”

“Binobola? Hindi a! Ang ganda mo kaya” inamoy amoy ko yung batok niya

“Anong gusto mong kanta pag naglalakad na ko sa altar?” She asked

“Beautiful in white. Bagay yun sayo tutal maganda ka naman sa susuotin mo”

I’m so excited para sa upcoming wedding goal namin, ang tagal namin tong pinaghandaan, pinangarap at ngayon ay malapit na namin makamit

“Gusto ko rin yun, tapos makikita kitang naluluha habang papalapit ako sa’yo” nangingiti niyang sagot

“Ofcourse I will cry because of you, tears of joy rather”

“I’m so excited!!!” She giggles

“Me too, I’m so excited to kiss you in front of your family and friends and ofcourse in front of God.”

“Iloveyou ”

“Iloveyou, always”

Highschool palang kami pangarap na namin to. Ang ikasal kami

[THE WEDDING DAY]

“Where is she?” Kinakabahan kong

Pulis Nakipag Sex Sa Bakla Para Sakanilang Buy And Bust Operation

by renlohan

Ako pala si Ronald 32 anyos na Pulis PO2 at mapropromote bilang PO3.

May asawat dalawang anak na ako pinag pupursigihan kong makamit ang masmataas na posisyon at para sa pamilya ko.

Di rin sa pagyayabang isa ako sa mga may bansag na gwapulis dahil gwapo na at dagdag pa na aktibo ako sa pag workout.

Isang hapon nag meeting kami para isang buy and bust operation sa grupo ng mga edad nasa mid 20’s na mayayaman na gumagamit ng party drugs tapos nag group sex sa isang condo at paano sila mahuhuli.

At dalawa sa grupo ay bakla at nagbibigay ito sa mga lalaki na gustong matry ng kapalit ay sex.

At dahil ma propromote ako ay ako ang naturo upang maging pulis asset at ako ang mag try ng party drugs.

Kahit labag sa kalooban ko bilang lalaki ay tawag ng tungkulin at promosyon sa aking trabaho ay napa-oo ako na.

Dumating ang araw ng operasyon namin drop ako sa isang bar na high end at pinakita saakin ang picture ng baklang aakitin ko at susubukan akong ipatake ng party drug.

Pagdating sa bar ay order ako ng beer sabay hanap sa mission ko ilang saglit

Botocan Maze Runner

Pasado alas-onse ng gabi.

Binabasag ng kalabog ng gulong ng karitong pangkalakal ni Tasyo ang katahimikan sa mga kalye at eskinita ng Barangay Botocan, Lungsod Quezon. Sarado na ang mga bahay at tindahan. Ang kadiliman ay pinag-iibayo ng kawalan ng buwan at mga bituing tatanglaw mula sa langit. Makakapal kasi ang mga ulap sa himpapawid. Hindi naman nakakapagtaka dahil maaga nang naibalita ang pagdating ng isang bagyo. Kung wala ka namang kailangan gawin ngayong gabi ay pinakamainam ang pananatili na lang sa bahay.

Kung may bahay kang maituturing. Ang mag-asawang Tasyo at Grasya kasi, wala. Ang pinaka-tinuturing na lang nilang tahanan ay ang karitong itinutulak nila ngayon, na sa pagsapit ng gabi ay nagsisilbi naman nilang tulugan.

“Tasyo. Parang…ang sakit.”

“Bakit? Natatae ka?”

“Hindi ako nagbibiro!”

Tiyan ang tinutukoy ni Grasya na masakit. Hindi dahil sa pagtatae o pagkaimpatso, kundi dahil sa pagdadalantao. Kabuwanan niya na at gapakwan na ang laki ng bukol sa sinapupunan niya. Pero dahil itong kariton nga ang itinuturing na tahanan ng mag-asawa ay wala siyang magawa kundi sumama saan man ito magpunta. Isa pa, dahil sa pangamba na baka biglaan siyang mapaanak ay mas mabuti nang lagi siyang nababantayan ni Tasyo.

“Totoo? Gaano ba kasakit?”

Birhen

a halip na ginagawa ko yung proyekto namin sa eskwelahan napabukas ako ng social media. Agad bumngad sa aking newsfeed na nagpalit nanaman sya ng profile picture. Paano kayang andami nyang candid shot? Hindi ko alam kung paano kinukuha yung mga ganitong litrato, gumagamit ba sila ng timer? O nagkukuhanan lang sila ng kanila kanilang litrato – silang mga babae? Hindi ko alam, wala akong alam tungkol sa mga babae. Pinindot ko yung puso, tapos dinownload ko na rin sa laptop ko; dagdag sa aking koleksyon.

Saulado ko na ang kanyang timeline simula nung gumawa sya ng facebook account nung 2014. Ang aking mga bankanteng oras ay madalas kong sinusunog para kilalanin sya sa pamamagitan ng internet. Pati lahat ng kanyang litrato, kinalkal ko rin, kahit yung taong naka-tag at nag-tag sa kanya sinilip ko para sa ano mang karadagdagang kaalaman na pwede kong mapulot tungkol sa kanya.

Grabe daming likes nito, ang dami ring naglagay ng puso. Sino-sino ba tong mga lalaking to na comment ng comment ng bola-bola? Alam ko ang habol nitong mga asong hibang! Mga papansin! Teka nga….

“Oy, ano yan!?”

Daglian kong pinundot yung homepage ng facebook “Ah, ano… Brainstorming” Aking palusot.

“Eh, Nag fa-facebook

Barangay 160

alang taong dumadaan sa eskinita sa gabi. Walang maingay na mga batang naglalaro ng piko at bangsak. Tahimik lang at malamig ang simoy ng Enero. ‘Yan ang nagbighani kay Rolan sa ganitong oras ng gabi.

Hindi niya napansin na halos tatlong oras na rin siyang tutok sa pagbabasa ng mga hiniram niyang mga reviewer sa kababata at kapitbahay niyang si Danica. Isang taon na rin ang nakalipas simula nang makapagtapos si Rolan sa kursong Nursing. Sapagkat hindi pinalad na magkaroon ito ng magandang trabaho sa mga malalaking ospital dito sa Maynila. Mababa ang sahod, hindi sapat para tustusan ang dami ng gastusin sa bahay; ang pag-aaral ng apat pa niyang nakababatang kapatid, ang mga maintenance na gamot ng Tatay, at ang walang pagtigil na paghingi ng pera ng kanyang Ina para sa mga bisyo at suhol nito sa labas ng bahay.

Kaya kahit pinagtyagaan ni Rolan ng ilang buwan ang pagiging nars sa malapit na ospital, hindi nito kinaya ang mahabang oras na inilalaan niya araw-araw kasabay ng hindi kataasang sweldo sa laki ng oras na ginugugol nito.

Hindi rin nagtagal ay napahanap si Rolan ng trabaho sa isang malapit na call center. Pinili niyang sa night shift upang makatulong

Bagong Buhay

Bahagyang nanikip ang dibdib ni Renzo habang nagmamadaling tinatahak ang eskinita papalayo sa pier at papunta sa bahay nila. Ngayon na lang siya napatakbo nang ganito ulit; gumuguhit sa baga niya ang bawat hinga. Lalo lang siyang pinahihirapan ng samot-saring nakahambalang na bagay sa masikip nang daanan. Sa kaliwa, isang babaeng nagtatapon ng masabong pinagbanlawan mula sa palanggana. Sa kanan naman, kumakaluskos ang mga panabong na manok sa mga hawla nito. Pagdaan malapit dito, pinigil ni Renzo ang paghinga upang hindi maamoy ang nangangalingasaw na ipot ng mga ibon.

Malapit na, sabi ni Renzo, panghimok sa sarili upang makalimutan niya ang patuloy pa ring kirot sa dibdib at sakit ng mga paang hindi na sanay sa ganitong takbuhan.

Ilang buwan na siyang hindi gumagamit, ngunit imbes na bumuti ay para bang bawat araw na nagdadaan ay nilalabanan siya ng katawan niya dahil sa desisyong iyon. Tila hindi pa rin makapaniwalang pinili niyang bitiwan ang dating nakasanayan na. Traydor, bulong ng katawan niya habang kung ano-anong sakit ang ibinabato nito sa kaniya. Traydor, bulong ng utak niya habang inaalala ng mga bibig niya ang lasa, saya, pakiramdam na kayang ibigay ng kahit gadaliri lang na dami nito.

Itinulak ni Renzo sa

Si Kapitan Haragan

Isang araw sa barangay ng Santo Cristo, may narinig na nakabibinging sigaw: si Kapitan! Si Kapitan! Ayan na naman!

Tuwing may sumisigaw ng ngalan na ito, lahat ng tao ay natatakot at nababalisa. Mula kasi nang pumanaw ang butihing maybahay ni Kapitan Harold na si Concensia, naging mabagsik itong kapitan. Lahat ng makita ay titingnan ng masama. Mga malilit na pagkakamali, may katumbas na kaparusahan.

Ang paboritong gawin ni Kapitan ay mambulabog sa gabi.

Tabi kayo riyan!

Tabi kayo riyan!

Nanito na ang inyong Kapitan, HAHAHA!

Sobrang sungit ni Kapitan Harol na naging Haragan ang tawag sa kaniya ng mga tao.

Kapitan Haragan!

Kapitan Haragan!

Kapitan Haragan!

Tabi kayo, nandyaan na—

Si Kapitan Haragan!

Hanggang sa isang araw, may nakasalubong si Kapitan Haragan na isang maliit na batang babae. Asul ang kulay ng mga mata ng bata at may dalang maliit na tungkod.

Nagtaka si Kapitan kung bakit hindi natatakot ang bata sa kaniya. Iniangat niya ang kaniyang kuwadradong baba na may nunal. Pinalaki niya ang kaniyang mga braso at balikan na parang orangutan. Pinabilog lalo ang mala-bariles na tiyan. Huminga siyang malalim para lumapad ang mala-dingding na dibdib. Maging ang kaniyang mga mata’y ibinuka nang maigi nang magmukhang lalong

Ang Kapilya sa Eskinita

Dalawang bagay lamang ang parating nasa isip ni Cesar, edad labingwalo.

Una: kailangang makadiskarte bago umuwi.

Ikalawa: hindi maaaring hindi makadiskarte.

Ang hindi nakadidiskarte, mahina ang ulo at mahina ang dibdib. Kulang ka sa lakas ng loob kaya nagugutom.

Ang mga batas ng lansangan ay simple lamang: mahalin ang mga kapatid na parang pamilya, walang patusan ng asawa o syota, at higit sa lahat, huwag mong kukunin ang nakuha na ng kapatid mo.

Ginamit ni Cesar ang huling lakas na natitira sa mga binti upang umabot sa mabibigat na pintuan ng kapilya.

“Padre, Padre, buksan mo ang pinto!”

***

Dalawang araw na rin mula nang may makausap si Cesar na mga reporter mula sa isang istasyon ng telebisyon.

Naka dalawandaang piso rin siya sa ilang oras ng magaan na trabaho. Tumambay lang naman siya sa junk shop ni Mang Tokang at nagbuhat ng maruruming bakal. Si Mang Tokang naman, natuwa at makikita ang kanyang bulok na shop sa telebisyon. Ang habol lang ni Cesar, makuha ang pinangakong dalawandaang piso.

Nanibago si Cesar sa inabot ng babaeng maputi sa kanya: dalawang ube! Sanay kasi siya sa barya-barya, bente-bente. Kung may ilang singkwenta ka sa bulsa, magara na – makaka-Red Horse na

Ang Aswang sa Eskinita

Habang nililinis ko at inaalis ang putik sa pudpod kong mga tsinelas, kakaibang mga tinginan at malalakas na bulong-bulungan ang ibinigay sa akin ng mga Aleng nagkukumpulan sa tapat ng tindahan ni Aling Josie. Katulad ng mga nakalipas na araw, usap-usapan na naman ang hindi magandang nangyari sa aking pamilya.

“Dios ko, kawawa naman ang mga batang iyan. Bakit ba naman kasi nagpunta-punta pa doon ang Nanay nila,” kuwento ni Aling Lolit sa kaniyang mga kumare.

“Kaya nga. Alam na kasi ang kuwento tungkol sa eskinitang iyon e talagang nagpunta pa,” sabat ni Aling Maring.

Nasanay na ako. Sa halos dalawang buwang ganito ang bumubungad sa akin sa tuwing darating ako sa Sitio Talahib mula sa halos isang kilometrong paglalakad mula eskuwela, ang pagkukuwentuhan at pagbubulungan sa amin ng mga kapatid ko ay parang bale wala na.

Naabutan ko ang kapatid kong si Jonas sa tindahan ni Aling Seli. Tulad ng mga nakaraang araw, nangungutang na naman ang kapatid ko ng isang latang sardinas dahil maghahapunan na ay wala pa rin kaming pagkain.

“Naku, Jonas. Mahaba pa ang listahan n’yo sa akin. Gusto ko man kayong pautangin ngayon pero wala na ring laman ang tindahan ko dahil sa mga pautang!”

8th Street

“MADAM CHAR, puwede n’yo po bang hulaan kung magkaka-lablayp na ako?” bungad ng isang lalaki na sa tantiya ko’y nasa mid-20’s ang edad.

“Hindi pa,” mabilis kong sagot na ikinatigal naman niya. “Ah! Ang kong ibig sabihin…maupo ka.” Pagkaupo niya ay inilahad ko ang aking palad. “Akin na ang kamay mo.”

Pumikit ako habang hinahaplos ang kaniyang palad. Ang daming kalyo. “Ano pong nakikita n’yo, Madam Char?”

“Base sa nababasa ko sa `yong palad, hindi ka na magkaka-lablayp.”

“Ha? Bakit naman po?!”

“Manalamin ka na lang! Tinitiyak ko sa `yong malalaman mo ang sagot sa tanong na `yan.”

“Gano’n po ba? Sige po, salamat!” Nag-abot siya ng singkwenta pesos kaya napaangat ako ng tingin. Bagama’t hndi niya naman nakikita ang reaksyon ko dahil hindi nakasuot ako ng maskara, mukhang nadali niya ang gusto kong ipunto. “Pasensiya na, Madam Char. Ipambibili ko pa kasi ng salamin itong natira, e. Babye!”

Kumaripas ng takbo ang ugok kaya napapikit na lang ako nang mariin. “Kuripot! Madapa ka sana!”

Wala pang isang minuto nang makaalis ang kuripot na `yon ay narinig ko ang bahagyang paglangitngit ng pinto, hudyat na may nagbubukas. Napangiwi na lang ako nang makitang si Hannah ang iniluwa niyon.

“Oy, babae!

Kanlungan

NANATILI akong tahimik sa mga oras na ang tangi ko lang gustong gawin ay sumigaw ng malakas – na iparinig sa lahat ang aking tinig. Ngunit, pinili ko na lamang itikom ang aking bibig upang ikulong ang mga salitang gustong-gustong kumawala. Dahil alam ko, kahit gaano ko kahina ibulong o kalakas ipagsigawan ang mga ito ay walang gustong makinig o mas tamang sabihing… walang makaririnig.

Pero, kailan nga ba nila ako pinakinggan?

Kailan Niya ako pinakinggan?

Noong mga oras na umusal ako ng piping panalangin na sana’y may kumawalang tinig sa aking bibig; na sana mayroon akong kakayahang imutawi ang lahat ng mga salitang nais kong sambitin… naghintay ako, ngunit, sa huli ay wala akong nakuhang sagot.

Sa isip ko, malakas kong pinakawalan ang mga halakhak upang tuyain ang aking sarili.

‘Para kang tanga, Ysobel!’ paratang ko sa aking sarili. ‘Kailan ka ba kasi nila narinig magsalita upang ika’y kanilang pakinggan?’

Ang tanong na siyang nakapagpatigil sa akin. Tama nga naman. May punto ang isang parte ng aking isip. Kailan nga ba ako nagkaroon ng pagkakataong makapagsalita? Kailan ba may lumabas na tinig sa aking bibig?

Ano ba naman kasi ang saysay ng pakikipag-usap sa akin, kung ang tanging paraan

Kalye Mapaghimala

“Isa na lang! Isa na lang! Lalarga na! Pogi, sakay na!” sigaw ng isang barker kay Nath. Kanina pa kasi siya palakad-lakad malapit sa sakayan ng dyip papuntang kalye Mapaghimala. Hindi siya sigurado kung tutuloy ba siyang pumunta doon o hindi. Nakakapagdalawang isip kasi ang reputasyon ng mga taong nakatira sa lugar na iyon.

Reporter si Nath sa isang sikat na tv station pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nabibigyan ng magandang break. Kadalasan sa mga binibigay na assignment sa kanya ay nagkakaroon ng aberya kaya naman kinausap na siya ng head nila. Matatanggal daw siya sa trabaho kung hindi siya makagagawa ng isang magandang balita. Kailangan daw niyang humanap ng sarili niyang subject at gumawa ng materials mula rito. At ewan ba niya at ang kalye Mapaghimala pa ang naisipan niyang gawing subject.

Bumuntong hininga siya bago sumakay sa dyip na siya na lang yata ang hinihintay.

“Manong, sa kalye Mapaghimala po.” Napatingin halos lahat ng pasahero pati na rin ang drayber sa kanya. Na para bang tinubuan siya ng isang ulo at kitang-kita ang gulat sa mga mukha ng mga ito.

Nang makabawi ang drayber sa gulat ay mabilis siyang binigyan ng sukli at pinaandar ang

Halaman

“Pagod na ako. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.”
Nakabibingi ang mga katagang ito na ngayon ay nagsasalimbayan at paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan at tila ba ibinubulong ng tahimik na kapaligiran.

Sa akin ba nanggaling ang mga katagang iyon?

Hindi ko na maalala. Hindi ko matandaan kung sa akin ba namutawi ang mga salitang naglalarawan ng aking nararamdaman.

Hindi ko na rin maalala ang mukha ng dalawang tao na iniwan ko kagabi na wala man lang paalam.

Masyado sigurong malakas ang tama ko kagabi. Nakailang bote ba ako ng alak?

Bahagyang kumirot ang aking sentido sa pagpupumilit na mag-isip. Ayoko na. Tama na. Bumilang ako ng hanggang lima at dahan dahang iminulat ang aking mga mata.

Nasilaw ako sa liwanag ng araw na lumalagos sa bintana. Tanghali na pala. Ano ba ang nangyayari sa akin? Sabay buntong-hininga.

Pinilit kong bumangon kahit na parang hinihila ako ng higaan pabalik sa kanya. Buti pa ang higaan, gustung gusto akong makasama. Mahinang usal ko at pagak na napangiti.

Muntik na akong mabuway nang matapakan ko ang isang bote ng alak. Isa, dalawa, tatlo, ohmayghad nakarami pala talaga ako. Nakarami pa lalo pag-uwi ko.

Hinagilap ko ang aking telepono

Anghel sa Lupa

Pakalat-kalat sa daan. Nanlilimos ng awa ngunit kanilang hinahamak. Pinandidirihan. Ipinagtatabuyan. Pinagtatawanan.

Kaawa-awang pagmasdan ang dalagitang niyayapos ang humahapding tiyan. Magulo ang kaniyang buhok. Ang puting bestida nito ay maduming-madumi na’t punit-punit. Dahil tila walang nahahabag sa kalagayan ni Mara, naghanap na lang siya ng tira-tirang pagkain sa basurahan.

Pinalad naman si Mara na makakuha ng isang disposable na lalagyan mula sa isang fast food chain. Halos konti lang ang nabawas sa laman nito. Sapat na itong pantawid gutom niya. Sa ngayon, ang kaniyang panghihina at matinding gutom ay pansamantalang napawi. Subalit, paano sa mga susunod na araw?

Kinaumagahan, muli siyang napadpad sa harap ng isang tindahan kung saan siya laging napapadaan tuwing umaga.

“Kawawa naman ‘yang batang ‘yan,” wika ng isang matanda. Napaismid naman ang tindera.

“Hay naku Lola, mas kawawa ho ako. Lagi na lang ‘yan nasa harap ng tindahan ko, minamalas tuloy ako!” bulyaw ng tindera.

“Sobra ka naman kung magsalita, hija. Mapalad ka nga’t hindi ka napunta sa kalagayan niya,” pangaral ng matanda.

“Ano ho bang inyo?” tanong ng tindera.

“Pagbilhan mo nga ako ng sampung pandesal. Magbukod ka na rin ng dalawa pa,” sagot ng matanda. Kapagdaka’y muli niyang sinulyapan si Mara at muling nagtanong,

ANG MUNDO SA PANINGIN NG LIGAW NA GAMUGAMO

Buhay na buhay ang kahabaan ng Ermita sa Maynila. Naglipana ang mga gamugamong sabik sa liwanag. Mga gamugamong nagbibigay ng aliw kapalit ay baryang papawi sa kanilang gutom kinabukasan.

Makikita mo ang iba’t-ibang klaseng putahe na nakahain sa gilid ng kalsada. May buto-buto, may masebo, may mga makunat na pero may asim pa kahit papaano, at ang pinakamabenta sa lahat, ang mga sariwa.

Nagdiwang ang mga babaeng nagbebenta ng laman nang dumating ang isang itim na sasakyan.

Dahan-dahan itong umandar na para bang sinisipat ang bawat kababaihan na mamamataan. Kaagad na lumapit dito ang isang matandang binabae na kilala bilang Tita Sweet. Kaunting usap at kaunting bola lang, nagkasundo na ang dalawa.

Bumalik si Tita Sweet sa gilid ng kalsada at isa-isang nilampasan ang mga babaeng animo’y uhaw sa tubig at gagawin ang lahat, makainom lamang, ngunit bigo silang makakuha kahit na isang patak.

Dumiretso ito sa isang sulok kung saan nanginginig na nakaupo si Magdalena, siya ang nagustuhan ng parokyano. Agaw pansin ang kakaiba niyang alindog. Idagdag mo pa ang mala-anghel niyang mukha.

Unang gabi niya kaya hindi niya alam ang gagawin. Wala siyang alam sa kalakaran kaya’t makikita mo sa kaniyang mga mata ang takot at pag-aalinlangan.

“Sige