Renzos Last Dance: Secrets Revealed (Untold Chapter) 2 by MagnusOpus6

II

Nov 10 2018 (araw ng flight ni chealsea pabalik sa trabaho)

Hindi pa rin humuhupa ang galit ni Janice sa akin habang nag aalmusal.

Janice: bihis na bihis ka ah saan ang gala tangnang to araw araw umaalis

Ako: may lakad kami nila boy

Janice: ah oo yung mga tao mong de-susi na panay ‘opo mam hindi po mam wala po mam ang sagot’ nakakaletse lang kayong lahat

Ako: jan nasa harap tayo ng pagkain ha pati ba naman yon eh gagawin mong issue kung di mo makukuha gusto mo

Janice: malakas ang kutob ko renzo may iba dito di ko lang matyak pero iba pakiramdam ko lalo na sa mga tao mo na parang recorded ang sagot

Ako: sus!! ikaw talaga suspityosa mo eh umaalis ka nga ng walang paalam ah may naririnig ka ba sakin??

Natapos ang pag uusap namin habang kumakain ng hindi na kumibo ang asawa ko malaya din akong naka alis ng bahay upang puntahan sina boy at walter para maihatid si chelsea sa airport gaya ng pangako ko.

Dahil sa gabi pa naman ang flight schedule ni chelsea naisipan kong sumaglit kay laine ngunit wala ito sa bahay nila, tinatawagan ko rin ito ngunit walang sumasagot. At sa aking pag biyahe patungo kina boy isang text mula kay laine ang aking natanggap

‘im sorry renzo sir lets just stop this habang tumatagal nasasanay akong nandyan ka baka di ko na kayanin pag wala ka na’

‘ah putangina what a day!!’ ang tangi kong nasabi sa sarili ko habang nagmamaneho ng sasakyan.

Maaga akong nakarating kina bigboy nakita din ako ni kara na dumating kaya lang ay casual na pansinan lang ang nangyari dahil nandoon ang kanyang ina. Kina Bigboy na ako nag palipas ng oras at kina kara kumain ng tanghalian sa utos ng kanyang ina.

Habang nanananghalian nag uusap kami nina ninang kat at ni kara.

Ninang Kat: Bakit naman anak di ka nag pasabi na pupunta ka nag handa sana ako ng masarap na pagkain?

Kara: Oo nga naman kuya lagi kaming nabibigla sa dalaw mo eh kumakain ka ba nyan?

Ako: oo naman palagay mo naman sakin ahaha!!

(Ang ulam nila ay munggo at relyenong bangus)

Masaya kaming kumain at di nag tagal nag paalam na si ninang kat para bumalik ng computer shop nila at kaming dalawa nalang ni kara ang naiwan sa bahay nila. Dito nanaman nag iba ang timpla ng pakikitungo sakin ni kara

‘Namo ka palagi ka nalang ganyan eh pag ako nainis sasabihin ko na kay mama relasyon natin eh’

Ako: pwede ba kara ako ay namomroblema na ha wag kang dumagdag

Kara: Bihira mo na ko puntahan ng di mo ko napapagalitan ah kung sawa ka na sakin sabihin mo lang

Ako: alam mo namang mali to ah bakit mo pinilit

Kara: Wala kang pakialam eh gusto ko to eh

Ako: Oh yun naman pala eh wag ka mag expect sakin ng malaki kung ano lang yung kaya kong ibigay yun lang ang tatanggapin mo hirap nito binablackmail mo ko eh

Kara: Sabihin ko nalang kaya yung mga napapansin ko sa bar kay ate Janice noh tutal di mo na ko mahal eh nagagawa mo nga tiisin ako

Ako: Kayo lang ang nag bibigay ng malisya don bahala ka kung maatim mo bang magkagulo eh

Kara: natitiis mo ko eh ayaw mo na nga akong kantutin eh

Ako: ah bahala ka malaki ka na alam mo na tama at mali ako’y aalis na at mag hahatid ako sa airport

Kara: Babae mo yon noh? Si Chelsea yung gf ni boy

Ako: im done you spoiled brat we’re so fucking done this is too much for me to fuckin bear

Kara: Shit don’t leave me here or I will fucking mess it all up

Pagkasabi nya nito ay dali dali na kong nag diretso sa bahay nila boy para doon nalang mag hintay sa kanilang pag aayos para ihatid si Chelsea patungong airport.

Nasa biyahe na kami patungong paliparan ng biglang nag ring ang telepono ni walter sinagot nya ito (si Janice ang tumatawag)

‘hello po, opo mam, kasama po namin dito lang po kami sa bahay tapos po sasamahan po naming mamili si boss ng stocks na alak para sa bar, opo sasabihin ko po nag ddrive po eh’

ang tanging mga nasabi ni walter sa asawa ko.

Biglang nag usisa si Chelsea at nag tanong kung sino ang tumatawag, inalibi-an nalang to ni walter na si kara iyon.

Nakarating kami sa airport na walang gaanong imikan nag pasalamat naman si Chelsea at boy sa ginawa kong paghahatid.

Sa daan pauwi nakatanggap ako ng text galing kay laine at pinapupunta niya ako sa kanila dahil magulo lamang raw ang kanyang isip.

Minabuti kong mag punta kina laine pag kahatid ko kina boy pauwi. Di ko na sabi kina boy ang balak kong pag bisita sa bahay ni laine. Iyon ang aking pagkakamali.

Habang pa punta naman ako kina laine at pinag iisipan ang mga maaring mangyari kung ano ang maari pang mangyari sa aming sekretong relasyon.

Wala parin akong idea sa malaking gulo na magaganap sa aking pag uwi hatid nang isang malaking rebelasyon galing sa happy go lucky na si kara.

Add a Comment

Your email address will not be published.